KLARISSE "So kayo na nga?" tanong sakin ni parrot matapos ko syang sabunutan ng bonggang-bongga! Inirapan ko lang sya at hindi sinagot. Tse! Dahil sa kanya umalis si Justine , may taping daw, pero feeling ko, nagdahilan lang sya. At dahil sa parrot na to, hindi natuloy yung first kiss ko! Kung hindi ko lang napigilan yung sarili ko kanina, baka hindi lang sabunot yung inabot nya sakin. "Asus naman Klang! Kanina ko pa pinapaliwanag sayo na hindi ko naman sinasadya na istorbohin kayo kanina. Saka malay ko bang nandito si JT! At isa pa, bakit kasi hindi kayo marunong maglock?!" "Tse! Ang sabihin mo, lagi ka lang wrong timing!" "Asus! So ano nga, kayo na?" kulit pa nito. "Mukha bang kami na? Eh diba nga nang-istorbo ka!" "Hindi pa kayo pero magpapahalik ka kaagad?" "Kebs mo ba? Eh uso