KLARISSE "Good morning babe!" narinig kong bati sakin kaya bigla akong napangiti. OMG! Tinawag na ulit ako ni Justine ng babe?! Ibig bang sabihin kami na ulit? Sinasagot na nya agad ako? Nakangiti akong nagmulat nang mata. Pero agad din itong nawala nang nakatawang mukha ni Maybelle yung nakita ko. "Hi babe!" tukso pa nito. Biglang naningkit yung mata ko at dahil sa inis ay ibinato ko sa kanya yung unan na nahawakan ko. "Bwisit kang parrot ka! Pinaasa mo ko!" "Tsk tsk Klang, ano namang palagay mo kay JT, patatawarin ka agad-agad?" "Eh malay mo naman diba?" "Sus, eh wala pa ngang ginagawa para patunayan na mahal mo nga sya eh." "Meron kaya!" "SIge nga ano?" "Pinagdala ko sya ng pagkain kahapon, tapos hinatid ko sya dito sa bahay nila" "Aysus naman Klang! Yung paghahatid ng pagka