JUSTINE'S POV: "Ang pakipot mo lang ex-fiancee" nakangiting sabi sakin ni Carlo. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa mall kung san gaganapin yung premiere night nung movie namin. Napaaga kasi kami nitong si Carlo kaya hinihintay naming sila Kuya dito. "Ano namang pakipot don?" tanong ko sa kanya. "JT, ilang araw na bang nanliligaw sayo si Klarisse? Ang dami na nyang nagawa para sayo ha! Hinahatid-sundo ka, taga buhat ng mga gamit mo, pag may kailangan ka, sya yung inuutusan mong bumili, at eto pa, kahit hindi sya ganun karunong magluto, pinagluluto ka nya, napaso pa nga yung tao diba?" "O tapos?" "Anong o tapos? Alam naman nating lahat na mahal na mahal mo pa rin si Klarisse. Naisip lang namin, bakit kailangan mo pa syang pahirapan?" "Dahil nasaktan ako" "Wow ha, bakit sa t