KLARISSE
"Hoy couz! Lumabas ka nga dyan sa kwarto mo! Sabi ni Tita hindi ka na daw lumalabas dyan sa lungga mo!" narinig kong sigaw ni Maybelle.
Halos ilang araw na din akong nagkukulong sa kwarto ko. Ayokong lumabas. Hiyang-hiya ako sa mga nangyari. Ano ba naman kasing katangahan ang nangyari sakin at dalawang beses akong hinimatay sa harap ni Jordan my love. Ano na lang yung iisipin nya sakin? Wahhhhh! Wala na kong mukhang maihaharap sa kanya.
"Couz!!" narinig ko pang tawag nito.
"Wala ako dito parrot kaya umalis ka na!" sigaw ko din sa kanya.
Ayoko munang makakita ng kahit sino! Ayoko din silang kausapin.
Kundangan ba naman kasing andyan na si Jordan sa harap ko, nakangiti na at kinakausap ako, tapos bigla na lang akong hindi makahinga. Alangan namang eveytime na magkikita at magkakausap kami, ganito lang ng ganito yung mangyayari? Papano na lang kung ikakasal na kami? Bago ko makasagot sa pari ng I do, hihimatayin ako? Aish!
"Couz, lumabas ka na kasi dyan. Nag-aalala na yung mama mo!"
Inis na binuksan ko yung pinto.
"Ano bang kailangan mong parrot ka?" inis na tanong ko sa kanya.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Sabi ni JT hinimatay ka daw ulit nung lumapit sayo si Jordan"
"Sinong JT?"
"Si Justine"
"Ah. Oh eh oo nga, hinimatay ulit ako at hindi ko alam kung bakit"
"Ako alam ko couz"
"Bakit?"
"Kase ang OA mo! Try mo kasing maging casual lang pag nandyan si Jordan, hindi yung para kang tanga na hindi humihinga. Malamang mauubusan ka ng hangin non."
"Eh anong magagawa ko eh ganun yung nararamdaman ko sa kanya"
"Gusto mo practicin natin? Para naman sa susunod nyong pagkikita, hindi ka na magmukhang tanga sa harapan nya"
Agad ko naman syang hinampas ng unan.
"Kanina mo pa ko tinatanga ha!"
"Masakit yun ha!"
"Oh eh di wag kang magsalita!"
"Tse! Ano na? magpractice ka na! Hindi mo naman kasi maiiwasan na magkaroon kayo ng encounter ni Jordan kase magkatapat lang yung bahay nyo."
Kahit papano naman pala, may utak tong parrot na to. Tama sya, kailangan kong maovercome kung ano man yung nangyayari sakin everytime nagkikita kami ni Jordan. Gusto ko rin naman syang makausap ng maayos no!
"Sige, anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya.
"Nakikita mo yan?" sabay turo nya dun sa malaking poster ni Jordan.
Tumango naman ako.
"Isipin mo si Jordan yan. Isipin mo totoong tao yan. Tumingin ka sa mata nya habang kinakausap sya"
Lumunok muna ako bago nagsalita. Tumingin din ako sa mata ni my love. Oh my gosh! Kahit sa picture nya, nanghihina pa rin ako. Nakakaloka tong epekto ni Jordan sakin ha.
"H-hi"
"Cut!" narinig kong sigaw ni parrot. Ano to? taping? Shooting?
Galit na tumingin ako sa kanya.
"Anong cut?!"
"Couz, dapat with confidence yung pagsasabi mo ng 'hi' sa kanya. May trivia ko sayo ha. Nasabi sakin ni JT na natturn-off si Jordan sa mga babaeng alam nyang patay na patay sa kanya"
Nanlaki naman agad yung mata ko!
"What? Papano yan? Basted na agad ako?"
"Hindi naman nya alam na patay na patay ka sa kanya eh"
"Gaga! Eh diba nga dalawang beses akong hinimatay sa harap nya."
"Wag kang mag-alala, nagawan ko na ng paraan yon."
Takang tumingin naman ako sa kanya.
"Sinabi ko sa kanila na may epilepsi ka!" natatawang sabi nito.
"ANO???!!!" epilepsi? Tanga talaga tong parrot na to! papano ko haharapin si Jordan ngayon? akala nya may sakit ako?
"At least hindi nya alam na kaya ka hinimatay eh dahil patay na patay ka sa kanya"
Sukat don ay pinagsasabunutan ko sya.
Walanghiyang babaeng to! Mas ok pa sakin na malaman ni Jordan na may gusto ko sa kanya kesa naman may epilepsi ako. Leche talaga!
"Tama na Klang! Masakit na!" naluluhang sabi nya sakin.
"Wala akong pakialam kung nasasaktan kang parrot ka! Leche kang babae ka! Bawiin mo yung sinabi mong yon ha!"
"Oo na oo na. Bitawan mo na ko please" nagmamakaawang sabi nito.
Saka ko lang sya binitawan.
"Subukan mo lang na hindi bawiin yon malilintikan ka sakin"
"Ang sakit non ha! Sorry na!"
"Pasalamat ka pinsan kita dahil kung hinde, mas malala pa dyan yung aabutin mo sakin"
"Salamat ha!" sarcastic na sabi nito. "O game na ulit!"
Kanina pa tapos yung practice namin ni Maybelle at kahit papano naman, hindi na ko nabubulol. Natitingnan ko na ng derecho yung mata ni Jordan.
Dahil nagugutom ako at gusto kong kumain ng matamis. Nagbake na lang ako ng brownies. Habang hinihintay kong maluto yung brownies, inulit-ulit ko yung pinractice namin kanina ni Maybelle.
"Hi Jordan, ako nga pala si Klarisse. Sorry ha kung dalawang beses akong hinimatay sa harap mo. Hindi ko rin alam kung bakit eh. Bigla na lang nagdilim yung paligid ko. Pero wala akong sakit ha. Wag kang maniwala sa sinabi nung parrot ko. Wala akong epilepsi."
Mali! Parang ang pangit pakinggan.
"Hi Jordan. I'm Klarisse. Nice to meet you. Buti naman naisipan nyong lumipat dyan sa kabilang bahay. Sorry nga pala kung bigla na lang akong hinimatay sa harap mo, pero wala akong sakit promise!"
"Well nice to meet you too Klarisse" bigla akong natigilan. Jusko sana mali ako. Sana wala sya sa likod ko. Sana imagination ko lang yung narinig ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Promise guys, slow motion. Imaginin nyo na lang.
Bigla na namang bumilis yung t***k ng puso ko ng makita ko sya. Nasa likod nya si Maybelle at si Justine. Parehong nakangiti ng nakakaloko yung dalawa.
Don't tell me mahihimatay na naman ako ha! Ayoko na! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Hello." Nakangiting sabi ko dito. Kailangan hindi ako magpahalata na gustung-gusto ko sya. Kailangan hindi sya maturn off sakin.
Napatingin ako sa hawak nya. Isang baso ng tubig at gamot. Mukhang napansin nya na napatingin ako sa dala nya kaya natawa sya.
"In case lang na himatayin ka ulit" nakangiting sabi nito.
Bigla kong naramdaman na nagblush ako. Nakakahiya talaga! Nakakahiya!
Dinalhan ako ng tubig at gamot ni Jordan?! Nakakaloka!
"Sorry don ha. Bigla na lang kasing nagdilim yung paningin ko. Feeling gutom na lang talaga ko non at walang tulog" pagdadahilan ko dito.
WOW! Nakapagsalita ako ng mahaba sa harap nya ng hindi nabubulol. Way to go Klang! Goodjob!
"Nasabi nga samin nitong si Maybelle na may sakit ka daw"
Sukat don ay sinamaan ko ng tingin si Maybelle. Agad naman itong nag-peace sign sakin.
"Wala no! wala akong sakit. Inatake na naman siguro ng pagiging bipolar yang pinsan ko kaya kung anu-anong sinasabi."
Nakangiti naman itong tumango. Nakatitig lang ako sa kanya habang tinitingnan yung mga picture frames namin. Ang gwapo nya talaga. Hay Jordan, kelan ka kaya magiging akin?
"Risse, baka naman matunaw yung kuya ko nyan" bulong ni Justine sakin.
"Ang gwapo nya talaga no?" nakangiting bulong ko din dito.
"Wag mo syang masyadong titigan, wag mong ipahalatang type mo sya. Nasabi na naman sayo ni Maybelle na ayaw ni kuya dun sa mga babaeng patay na patay sa kanya diba?" bulong pa nito.
Sukat don ay bigla kong inalis yung mga mata ko kay Jordan. Ngumiti naman ako kay Justine. Tama sya. Hindi dapat ako magpahalata.
"Wow ang bango naman. Nagbbake ka?" narinig kong tanong ni Jordan.
Okay Klarisse. Kalma. Kalma.
"Oo eh, nagutom kase ko kanina. Naisipan kong magbake ng brownies" nakangiting sabi ko dito.
Yes! Hindi na naman ako nabulol.
"Wow, favorite ko yon. Marunong ka palang magbake?" tanong pa nito.
Ehem, 1 ganda point for Klarisse!
"Yep! Wow, favorite mo pala yon" syempre kunwari hindi ko alam. Pero alam na alam ko yon. Ako pa? eh number 1 stalker ata ako ni Jordan my love. Alam na alam ko lahat ng gusto at ayaw nya. "Sige malapit ng maluto yun. Tikman nyo yung gawa ko." nakangiting sabi ko dito.
"Sure. Para mas makilala pa kita" nakangiting sabi nito.
Oh my gosh ano daw? Gusto nya kong makilala?
Ngumiti lang ako sa kanya.
Kailangan hindi ako magpahalata na kilig to the bones ako. Kahit ang totoo, gustung-gusto ko ng sumayaw ng happy dance, yay!