Chapter 4

1486 Words
KLARISSE "I love you Klarisse" napalingon naman ako sa nagsalita. Biglang nanlaki yung mata ko. At bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Oh my gosh! Totoo ba to? Nagcoconfess sakin si Jordan my love? "Alam kong kakakilala pa lang natin pero unang kita ko pa lang sayo, minahal na kita" narinig ko pang sabi nito. Lalong bumilis yung t***k ng puso ng makita kong papalapit sya sakin. OMG! Hahalikan ba nya ko?! "Ang ganda-ganda mo Klarisse" sabi pa nya sakin. Hoy Klarisse! Magsalita ka! Magsalita ka bilis! "A-alam ko" ay tanga! Leche! Bat yun yung lumabas sa bibig ko! Ang bobo ko! Napangiti naman ito. Nakakahiya! Stupid Klarisse! Stupid! "Can I kiss you?" tanong nito habang papalapit pa rin sakin. Napalunok naman ako bigla. Dream come true! Lord this is it!! Napapapikit ako habang papalapit yung mukha nya sakin. Hindi ako makahinga oh my gosh! "Klarisse..klarisse" narinig kong tawag sakin. "Jordan" Hahalikan na sana nya ko ng biglang may sumigaw. "KLARISEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" bigla akong nahulog sa kama. Huh? Panaginip lang yon? NOOOOO! Hahalikan na sana ko ni Jordan! Ayun na yun eh! Humanda talaga sakin yung sumigaw na yon! "Klang! Ok ka lang?" bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Alam mo yung feeling na lahat ng dugo mo umakyat sa ulo mo sa sobrang galit? Yung gusto mong mag-ala HULK at paslangin yung taong nakikita mo ngayon? Ganun-ganun yung nararamdaman ko ngayon. Bigla ko syang sinamaan ng tingin. "Klang!" tawag pa nito. Bigla ko syang pinaghahampas ng kahit anong bagay na mahawakan ko. Lecheng babae kasi to! Inistorbo nya yung maganda kong panaginip! "Klang tama na kase! Ano bang ginawa ko?" Hindi ko pa rin sya sinasagot pero patuloy pa rin yung paghampas ko sa kanya. Bigla kong nahawakan yung gitara ko. Ihahampas ko na sana sa kanya pero bigla syang sumigaw. "Klang wagggggggggg!" naiiyak na sabi nya. Bigla naman akong natigilan. Napatingin ako sa hawak ko. Sayang naman tong gitara ko kung ihahampas ko sa kanya. Ang mahal-mahal pa mandin ng bili ko dito. "Ano ba kasing kasalanan ko? Ano na naman bang ginawa ko sayo? Bat ka ba nananakit? Sobra ka na ha! " naiiyak na tanong nya sakin. Nanggigigil talaga ko sa babaeng to promise! "Anong ginawa mo? Ginising mo ko nung aktong hahalikan na ko ni Jordan sa panaginip ko! Ayun na yun eh. Magdidikit na yung labi namin eh. Pero dahil sayong lecheng impaktang atribidang parrot, hindi natuloy! Kulang pa yang inabot mo sakin! Kung hindi lang kita pinsan, malamang, inihagis na kita palabas ng bintana!!" sigaw ko dito. "Eh ginising lang naman kita kase..kase" naiiyak pa ring sabi nito. "Kase ano?!!" sigaw ko pa dito. "Klarisse?" biglang bumilis yung t***k ng puso ko ng marinig ko yung boses na yon. "Risse?! Anong nangyari? Bat umiiyak si Maybelle?" Nagulat ako ng makitang nakatayo sa may pinto yung kambal. Automatic na napatingin ako kay Jordan! Bigla kong naalala yung nangyari sa panaginip ko kaya bigla akong namula. "Ahm, nauntog kasi si parr- I mean si Maybelle sa may pinto kaya naiiyak sya. Hindi kasi nag-iingat eh. Ang clumsy-clumsy nya kase. Sa susunod couz, mag-iingat ka ha, ayoko kasing nasasaktan ka eh" sabay yakap ko dito. "Subukan mong magsumbong dyan sa dalawa, mas malalagot ka saking parrot ka" bulong ko sa kanya. Noon ko lang naalala na bagong gising nga pala ko. Napahawak ako sa buhok ko. s**t! Hindi pa ko nagsusuklay at nagtootoothbrush! Nakakahiya. Fail Fail Fail! "Wait lang guys ha" paalam ko sa dalawa. Bigla kong hinila si Maybelle sa kwarto at biglang sinarado yung pinto. "Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" inis na bulong ko sa kanya. Baka kasi marinig nung dalawa sa labas. "Bigla mo na lang kasi akong pinaghahampas eh. Sasabihin ko na sayo na nandyan sa labas yung kambal kase gusto nilang magpasama sa bakeshop nyo" "Nakakagigil ka talagang parrot ka! Konting-konti na lang talaga!" Sana man lang diba sinabihan nya ko! Para at least nakapag-ayos muna ako. Nakakahiya kay Jordan, ang gulu-gulo pa mandin ng buhok ko kanina. Baka naturn-off sya sakin. Kasalanan nitong parrot na to eh! Hinambaan ko sya ng suntok pero bigla naman itong lumabas ng kwarto. "Tse sadista! Sinungaling!" sabi pa nito bago lumabas. Inis na inis na pumasok ako sa banyo. Nag-ayos na muna ako sa kwarto bago nakangiting lumabas ulit. Nakaupo na sa sofa yung kambal. Agad akong lumapit sa kanila. "Goodmorning. Pasensya na kanina ha. Kakagising ko lang kase. Eh sa sobrang pag-alala ko kay Maybelle, hindi na ko nakapagsuklay" nahihiyang sabi ko sa kanila habang nakatingin kay Jordan. Hay, ang gwapo nya talaga. "It's ok, ang cute mo nga kanina eh" nakangiting sabi naman nito. Cute daw ako? As in ako? Gustung-gusto kong sumayaw at magtatalon pero pinigilan ko yung sarili ko. "Thanks" nahihiyang sabi ko dito. Napatingin naman ako sa dalawa. Ngiting-ngiti si Justine, habang masama pa rin yung tingin sakin nung parrot. "Ahm, bakit pala kayo nandito?" tanong ko pa sa kanila. "Nasabi kasi ni Maybelle na may bakeshop kayo, at dahil sobrang nasarapan ako sa brownies mo kahapon, gusto ko sanang bumili sa shop nyo para maipatikim sa mga kasama ko sa set" nakangiting sagot ni Jordan. Bigla naman akong napasimangot. Ipapatikim nya sa mga kasama nya sa set? Kasama si Kath? Sabi ko na nga ba eh, sila na! "Mahilig din kasi si Kath sa brownies eh" sabi pa nito. Bigla namang nalaglag sa sahig yung puso ko. Sabi ko na eh, si Kath yung iniisip nya. Lagi na lang si Kath. Ang sakit-sakit ng puso ko ngayon. Para syang sinaksak ng jungle bolo. Parang binuhusan ng asido, at dinikdik ng martilyo. Gustung-gusto kong umiyak. Hindi pa nga ako nagtatapat, basted na agad ako. Si Kath ang gusto nya. Si Kath ang mahal nya. "Klarisse?" bigla akong napatingin sa kanya. Nag-aalala syang tumingin sakin. "May problema ba?" "H-ha?" naiiyak na sabi ko dito. Ang hirap pigilan ng luha. hooo! "Bigla ka kasing natahimik. Tapos parang maiiyak ka." "Medyo sumakit lang kasi yung ulo ko" pagdadahilan ko dito. "Ganun ba? Gusto mo ba saka na lang tayo pumunta sa bakeshop nyo?" Umiling naman ako. "No, si Maybelle na lang yung sasama sa inyo, magpapahinga na lang muna ako" pilit ang ngiting sabi ko dito. "Pero" "Ok lang, magugustuhan ni Kath yung brownies namin. Sayang naman kung hindi mo mapapatikim sa kanya" "Sure kang ok ka lang?" Tumango naman ako. "Maybelle, kaw na yung bahala sa kanila ha. Dun lang muna ako sa kwarto" yun lang iniwan ko na sila at pumasok sa kwarto. Ang sakit eh. Hindi ko mapigilang umiyak habang nakaupo sa sahig. Muntik pa nga akong magwalling. (hindi ko alam kung tama yung term ko. Yung nakasandal ako sa wall tapos dahan-dahang umuupo pababa) Oo gusto kong magdrama habang umiiyak. Nasaktan ako eh. Yung lalaking mapapangasawa ko, iba yung gustong mapangasawa. Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Kung hindi ko agad sya nakilala, malamang naihagis ko na sya sa bintana. Ayokong may nakakakita na umiiyak ako. Feeling ko, ang weak weak ko. "Ano na naman bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumama sa kanila?" "Nag-aalala ko sayo eh, baka bigla kang magsuicide dyan" natatawang sabi nito. "Hoy babae! Hindi ako suicidal no! Oo broken hearted ako pero hindi ko naisip magsuicide" "Ang drama mo naman kase, nabanggit lang ni kuya si Kath nagpaka-OA ka na! Magkaibigan lang sila" "Eh bakit puro si Kath yung bukambibig nya?" "OA ka talaga Risse! Isang beses lang nya binanggit si Kath" "Kahit na. Hindi nya dapat yun binabanggit sa harap ko" "Sa harap ng magiging nanay ng mga anak nya? At sa babaeng papakasalan nya?" nakangiting sabi nito. Napangiti naman ako sa kanya. Oo alam nyo yung itsura na umiiyak tapos biglang ngumiti? Imaginin nyo na lang. Opo, mukha nga po akong baliw non. Taray ng babaeng to ha. Napangiti nya pa rin ako kahit ang lungkot lungkot ko. "So ok ka na?" nakangiting sabi nito. Tumango naman ako. "Single pa si kuya at ikaw ang gusto kong maging sister-in-law ok?" sabi pa nito. "Promise?" "Promise!" "O sige dahil dyan, bestfriends na tayo" "At sino naman nagsabi sayo na gusto kitang maging bestfriend?" natatawang tanong nito. "Basta bestfriends na tayo ha!" "Fine!" "And tutulungan mo ko sa kuya mo ha!" "Sinasabi ko na nga ba eh, kaya mo lang ako kakaibiganin dahil kay Kuya!" simangot nito. "Hoy babae! Wag mo kong artehan. Kaya kita kinaibigan kase gusto kita!" "Gusto mo ko? Sorry girl, ikakasal na ko" Sukat don ay binatukan ko sya. "Pinagsasabi mo dyan! Di kita type no! hindi naman ikaw si Jordan" "Sabi mo gusto mo ko" "Gusto kita bilang kaibigan! Sira to!" "Linawin mo kase" natatawang sabi naman nito. Natawa din naman ako sa kanya. Kahit papano, napagaan naman nya yung sakit na nararamdaman ko. Buti na lang talaga pinuntahan ako ni Justine. Ayan, bestfriend ko na ang sister-in-law ko. Malapit ka na talagang mapasaakin Jordan. Bwahahahahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD