KLARISSE "Klarisse! Klarisse! Klarisse!" narinig kong tawag ni mama. Napatakbo agad ako sa labas! Hawak-hawak ni mama yung dibdib nya at humihingal ng makita ko sya. "Ma! Bakit po? Anong nangyari? " nag-aalalang tanong ko dito. "S-si Maybelle—" hindi ko na sya pinatapos. Umiyak na agad ako sa harap nya. Oh my gosh! Kahit naman lagi kong inaaway yung pinsan ko na yon, mahal ko pa rin naman yon! Hindi ko ata kakayanin pag nawala sa buhay ko yung parrot na yon. Sino na lang yung sasaktan ko? Yung sisigawan ko? Yung uutusan ko? Nanghihinang napaluhod ako sa sahig. "Ma anong nangyari kay Maybelle? Patay na ba sya? Anong oras dadalhin dito yung katawan nya?" umiiyak pa rin na sabi ko dito. "Huh?" naguguluhang tanong ni Mama. "Anong pinagsasabi mo dyan?" "Sabi nyo po patay na si parrot?"