Chapter 12

2509 Words

KLARISSE “Ready ka na Klang?” tanong sakin ni Maybelle habang may hawak na lagari. “Para san yan?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Ano na naman kayang kashungahan yung pumasok sa isip nito ngayon. “Eh diba sabi ni lola, kailangang patakan ng dugo mo yung gayuma?” “O anong konek non sa hawak hawak mong lagari?” “Malamang eto yung gagamitin natin para masugatan ka” sabi pa nito with a ‘duh’ expression. Ngumiti naman ako sa kanya at unti-unti ko syang nilapitan. “Oo nga naman, ang tanga ko lang eh no? abot mo na sakin yan bilis” nakangiti ko pa ring sabi sa kanya. Nakangiti naman nyang iniabot sa akin. “Ngayon, umalis ka muna sa harap ko” sabi ko pa sa kanya. “At bakit naman?” mataray nyang tanong. “Kase baka hindi ako makapagpigil at mapaslang kita gamit tong lagaring to

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD