KLARISSE “Goooooooood morningggggggggggg !” bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya. Oh yes! Maganda talaga yung umaga ko ngayon. Bakit? Dahil magkakaron na ko ng boyfriend mamaya. Excited na kong makita si Jordan para malaman ko din kung tumalab na yung ininom nya na gayuma. Sabi kasi ni lola ganda, isa hanggang dalawang araw bago daw yung umepekto. “Wow naman, maganda yata ang gising ngayon ng anak ko ah” nakangiting sabi sakin ni Mama. “Masaya lang po ako Ma.” “At bakit naman?” “Dahil malapit na pong matupad lahat ng mga pangarap ko.” “Kayo na ni Jordan?” excited na tanong nito habang nanlalaki yung mga mata. “Hmm, hindi pa Ma, pero nararamdaman ko na malapit na” “Talaga? Eh diba sila pa ni Kath?” takang tanong nito. “Sa ngayon ma, sila pa, pero mamaya o bukas, magbbreak di