"KAPAG ang Mommy ninyo ang matuluyan dahil sa ginagawa n'yo ay ako mismo ang magpapalayas sa inyong magkakapatid dito sa bahay! Sasabihan ko ang magkabilang pamilya upang huwag kayong tanggapin. Mukhang nakalimutan na ninyong may sakit sa puso ang ina ninyo ah. Masuwerte pa kayo at naabutan niya kayo sa ganitong edad!" Nagmistulang abogadong nasa gitna ng bulwagan si Bernard Frederick sa oras na iyon. Masasabi niyang mahaba ang pasensiya niya dahil sa kabila ng kakulitan ng mga anak ay napagpasensiyahan. Subalit sa pagkakatong iyon ay talagang kulang ang galit upang ilarawan siya. "Hayaan mo na, love ko. Hindi naman nila sinasadya. Maaring hindi rin nasabihan ni Phoenix ang mga tauhan kaya't nangalampag sila ng wala sa oras." Pagitna ni Abigail dahil sa unang pagkakataon ay nakitang naga

