FEW years later... "Kuya! Where are you?!" Sa tinis pa lamang ng boses ay kilalang-kilala na kung sino ang dumating. Ang nag-iisang babae na anak ng nag-asawang Abigail Eunice at Bernard Frederick. And yes! Nag-iisa dahil kahit hindi sila gumamit ng contraceptive pills and any kind of pregnancy protection ay hindi na muli nagbuntis ang una. "What's on that very loud voice, Hija? Umaabot na hanggang sa home ng Grandma Whitney ninyo ang iyong boses," saad ni Donya Leticia. "Ah, Grandpa, can you tell Grandma to scold me later? I want to speak with that brother of mine." Ingos nito na wari ay hindi kaharap ang abuela. "Darling, maari mo namang sahihin ng deretso kay Grandma iyan. Ayan oh, magkatabi lang kami. But, by the way, ano ba ang problema at kagaya nang sinabi ng iyong Grandma ay

