"BRO, ipapakiusap ko kay Tito Eric kung p'wede niyang bilisan ang proseso ng DNA test ninyo ni Xingxing. Nai-forward ko na sa kaniya ang mga samples. Bro, ito lang ang sasabihin ko sa iyo, kung totoo man ang hinala mo sana huwag mong ilalayo si Jeni sa kaniya. To be honest, bro. Wala kang karapatan kay Xingxing, si Jeni ang nagpalaki sa bata, at si Lucio ang kinilalang ama. Hindi lang ako ang makakalaban mo kun'di sina Cold din." "Pinagbabantaan mo ba ako, bro?" "No. Sinasabi ko lang sa iyo ang kaya naming gawin." "Kung totoo man ang hinala ko gusto kong mapalapit kay Jeni at sa anak namin." Tinapik ni Hatt ang kaniyang balikat. "'Tsaka mo na isipin iyan kapag lumabas na ang---" Biglang bumukas ang pinto sa kaniyang opisina at pumasok si Anya. "Hindi na ako kasali sa mga meetings nin