Chapter 48

3040 Words

"Ma'am Jeni, gusto daw kayong makausap ni Ma'am Anya," sabi ni Manang Maring na humahangos patungo sa kusina kung saan naroon siya at kakatapos lamang kumain ng pananghalian. "Papasukin mo na lang dito sa bahay, manang," aniya na nagtataka kung bakit gusto siyang makausap ni Anya. Uminom siya ng tubig at nagtungo na sa may sala. Naglalakad na papasok ng kaniyang bahay si Anya. Malungkot ang mukha nito at hindi na katulad ng dati na ubod ng sexy ang pananamit kun'di napakasimple lang ng dating nito. "Umupo ka, Anya," malamig na aniya dito. "Bakit mo ako gustong makausap?" "Gusto ko lang na magpaalam sa iyo," malungkot na sabi nito. "Gusto ko ring mag-sorry sa mga nasabi at nagawa ko." Umupo ito sa katapat niyang upuan. "Hindi ba iyan joke lang?" "Sincere ako, Jeni. Alam kong galit ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD