"Jeni, sabihin mo nga ulit sa akin na mahal mo ako?" pangungulit ni Storm sa kaniya. "Ayoko nga!" nakangusong aniya rito. "Sige na, mahal ko. Ulitin mo na iyong sinabi mong hindi mo ako kayang mawala," pang-iinis pa nito sa kaniya. "Ayoko nga sabi, e." Dumistansya siya rito habang nakaupo sila sa hospital bed. "Sige na nga hindi na ako mangungulit pa, mahal ko. Masaya naman ako na nalaman ko na ang totoo, e. Kailangan na lang natin ngayon pag-usapan kung paano natin sasabihin sa anak natin ang tungkol sa akin." "Hindi madali ang hinihiling mo, Storm." "Jeni, mahal mo ako at alam mong mahal na mahal din kita," seryosong sabi nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Pero---" Inilapit nito ang mukha sa kaniyang mukha at isang pulgad na lamang ang layo nila sa isa't isa. "Hindi n