Nagpasama si Jeni kay Seyla patungo sa kinaroroonan ni Angelo David, nakatira ito ngayon sa Dagupan. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang ginagawa ngunit gusto lamang niyang malaman ang totoo. "Bakit ba tayo nagpunta dito sa Dagupan, Jeni?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Seyla dahil hindi pa niya nasasabi dito ang dahilan. "Gusto kong marinig mismo kay Angelo ang totoo, Seyla." Bigla itong natigilan at tumingin sa kaniya ng seryoso. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala na aksidente lang ang nangyari kay Aling Zoraida?" "Seyla, masisisi mo ba ako? Nanay ko ang napahamak dito at gagawin ko ang lahat para makamit ang hustisya." Bumuga nang malalim si Seyla at sumandal sa upuan ng bus. Nag-commute lamang sila dahil hindi niya rin gusto na sundan siya ni Storm. Ilang a