"Manang Ising, sa tingin mo tatalab kaya ang plano?" kinakabahang tanong ni Storm sa kaniyang kasambahay na aligaga sa kusina. Nakaharap ito sa mga lulutuin nito para sa pananghalian. "Ay oo naman, sir. Ang babae mabilis iyan mahulog sa isang lalaking magaling magluto, sir." Nagkamot siya ng ulo at umiling. "Hindi ako marunong magluto, manang. Tungkol ito sa balak kong panliligaw ulit kay Jeni?" "Nasabi ko kina Maring at Lilia na balak mong ligawan ang boss nila, sir. At napapayag ko naman sila na kumbinsihin si Ma'am Jeni na huwag umalis ng bahay." "Good, manang." "Ang problema nga lang baka kapag nakita kayo ni Ma'am Jeni, e, magalit sa amin. Mula noong nalaman ko ang totoo mong pangalan, sir. At noong narinig ko ang usapan ninyo ni Ma'am Jeni, naawa ako sa kaniya. Dapat lang pala