Chapter 44

2331 Words

"Mahimbing na siyang natutulog," ani Storm sa kaniya nang puntahan ni Jeni ang kaniyang anak sa sarili nitong kuwarto. "Sa-Salamat." "Wala kang dapat na ipagpasalamat, Jeni. Ako ang dapat na magpasalamat dahil pinayagan mo akong manatili dito sa bahay mo para makapag-bonding kami ng anak natin." Bumuga siya nang malalim. "Hindi ko ito ginagawa para sa iyo, Storm. Gusto ko lang na maging magaan kay Xingxing ang lahat kapag nalaman na niya ang totoo." Inayos niya ang kumot ng kaniyang anak at hininaan ang aircon. Tumingin si Jeni kay Storm na nakatitig pala sa kaniya. Iniwasan niya ang titig sa kaniya ni Storm. "P'wede ka na sigurong umalis, Storm. Bukas mo na lang ulit dalawin si Xingxing." Nauna siyang naglakad patungo sa pinto ngunit sinundan siya nito. Hinawakan ni Storm ang kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD