Baka Sakali
AiTenshi
Part 9
"Troll, abot mo naman yung bola!" ang wika ni Stephen habang naka upo ako sa gilid ng gym.
Hindi naman ako agad tumugon. Lumingon ako sa kaliwa at sa kanan para tingnan kung sino ang tinutukoy niya. "Oi, ikaw lang yung tao dyan natural ikaw yung troll. Abot mo na!" ang wika nito.
Hindi naman ako kumibo, kinuha ko ang bola at inabot sa kanya. Lalong gumagwapo itong si Stephen sa aking paningin. Ang puti niya, ang kinis, ang tangkad at ang lakas ng dating. Mabango pa, at tila napaka sarap yakapin. Iyon nga lang ay hanggang dito lang ako, hindi ako maaaring lumagpas sa linya ng pagiging lihim na taga hanga.
"Ayos ka lang ba? Bakit naka titig ka sa akin? May gusto ka ba sakin? O baka naman crush mo na ako troll?" tanong nito habang naka ngiti.
"Ah ayos lang. Pasensya na, may naalala lang ako bigla," ang tugon ko sabay upo ulit bagamat nakaramdam ako ng kaunting pagkahiya.
Natawa lang si Stephen at muli itong bumalik sa pag lalaro ng basketball. Samantalang ako naman ay tila nahiya sa aking sarili habang patuloy na nanonood sa kanya mula dito sa malayo. Halos naging regular na pwesto ko na itong gilid ng gym at kung may nakaka alam ng aking nararamdam ay baka ang upuan lamang dito.
"Ang gwapo ni Stephen noh kalevel ng mga leading man sa mga online stories. Kaso wala namang jowa, torpe daw iyan at mahilig sa mga mas matanda sa kanya." ang wika nung mga beki sa likod.
"Baka naman bakla rin iyan, alam mo na sa panahon ngayon pag sobrang gwapo e bakla na. Kaunti nalang ang gwapong tunay na lalaki." ang tugon ng katabi niya
"Truewww! Sa panahon ngayon kapag panget ka e wala kang lovelife. Kaya italaga mo nalang ang sarili mo na maging single forever, mag alaga ka ng aso o pusa sa bahay nyo at tiyak na iyon ang magiging katuwang mo sa buhay. Pwede ka rin mag tanim ng mga halaman sa bakuran niyo at gawing literal na green house ang bahay niyo. Asa ka pang mag kaka jowa!" ang sagot nung isa parang may pinariringgan. Ewan ngunit para itong isang bola na tumatalbog patungo sa akin.
Tawanan sila..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pag ring ng aking cellphone. Tumatawag si Tita Pat kaya naman agad ko itong sinagot. "Hello Lino." bungad niya na mayroong boses na pag aapura
"Tita, bakit po?" tanong ko
"Lino, yung kaibigan mong si Perla ay dinala sa ospital kanina. Pumunta ka muna doon." ang wika nito kaya naman ibayong kaba at pag alala ang lumukob sa aking pag katao. Mabilis akong tumayo sa aking kinatatayuan at lumabas ng gym. Sa tinagal tagal naming magkaibigan ni Perla ay hindi ito nagkasakit o nadala sa ospital.
Ibinigay sa akin ni tita yung ospital at silid kung saan naroon si Perla. Hindi ito kalayuan at isang sakay lamang sa jeep ay makakarating kana. Halos hindi ako mapakali noong mga sandaling iyon, ibayong pag-aalala ang lumukob sa aking pagkatao dahil sa iisip kung anong lagay ni Perla. Kung ano anong pumapasok sa isipan ko noong mga sandaling iyon kaya hindi halos ako mapalagay, lingon dito, lingon doon na baka malapit na ako sa ospital.
Pag pasok ko doon ay agad kong nakita ang mama ni Perla, bakas sa mukha nito ang matinding pag alala "Ikaw pala Lino." bungad nito
"Ano po ang nangyari? Kumusta si Perla?" tanong ko na hindi rin maitago ang pangamba.
"Naaksidente sya doon sa kanto kanina, mabuti nalang at maraming naka kita sa kanya kaya nadala siya agad dito sa ospital. Mabuti na lamang at hindi ganoon kabilis ang takbo ng kotse kaya hindi ganoon kalala yung pinsala sa kanya."
"Kamusta po ang kalagayan niya?" tanong ko ulit
"Napinsala ang kanyang binti at nag karoon ito ng kaunting pilay, medyo nabugbog rin ang kanyang balakang dahil sa pag tama ng bumper ng sasakyan dito. Sa ngayon ay may malay na ito. Ewan ko ba naman dyan kay Perla, ang lalaki lalaki tao ang tanga tanga, hindi lumilingon sa tinatawiran niya." sagot ng kanyang ina habang pumapasok kami sa kanyang silid.
Samantalang ibayong pag aalala naman ang namuo sa aking dibdib. Mabilis akong nag tungo sa silid kung saan nakaratay ang kawawang si Perla.
Pag dating dito ay naabutan ko si Perla naka higa, naka suot pa ito ng uniporme at naka titig sa kisame. May gasgas ng kaunti ang kanyang mukha marahil ay dahil sa pag kaka subsob sa lupa. Mugto ang mata nito kakaiyak at parang isang r**e victim na inalisan ng pag asang mabuhay. Kitang kita ko pa ang pag patak ng intense na luha sa kanyang kanang mata na nag paganda sa kanyang scene."Perla, anong nangyari sayo? Mamamatay ka ba?" tanong ko habang lumalapit sa kanya
.
Nakatitig pa rin ito sa kisame hanggang sa unti unting tumulo ang mas maraming luha sa kanyang mata na parang isang bida sa telenobela.
“Ganyan talaga ang bungad mo sa akin? Bakit naman nag pasagasa ka sa sasakyan? Ang liit liit ng kalsada tapos nadale ka pa? Bakit naman nag papaka tanga ka ng ganyan perla? Mag pasalamat ka nalang at hindi nagasgas ang cleavage mo atleast may maglilike pa rin ng photos mo sa f*******:,” ang wika ko na hindi maitago ang nararamdaman pag-alala.
Tahimik..
Wala siyang kibo kaya naman nag tanong na ako sa nurse, “Nurse okay lang ba talaga itong kaibigan ko? Baka naman may amnesia siya o baka naman nagkaroon ng basag yung bungo niya kaya hindi siya makapag salita ng maayos?”ang pag-aalala ko pa.
“Sir okay naman po si Miss Perla Pilapil, gasgas lang po at pilay sa binti ang tinamo niya. Saka sira kapag nagkabutas po siya sa bungo ay patay na po siya non, baka po na trauma lang siya,” ang wika ng nurse.
“Hay kawawang Perla,” ang bulong ko sa aking sarili.
Nakatitig pa rin sya sa kisame habang umiiyak. At maya maya humawak ito sa dibdib niya. “Don’t worry hindi naman daw napinsala ang dibdib mo, makaka picture ka pa rin ng cleavage mo sa social media at maging maayos lang yung lagay mo ngayon ay hindi ko na irereport yung account mo ng spamming at posting of violence.”
“Gaga hindi ako nag amnesia no,.. Nasasaktan ako. Sobrang sakit, durog na durog ako, wasak na wasak,” ang umiiyak niyang tugon at muli itong humagulgol ng malakas.
“Natural, nasagasaan ka nga diba? Wala namang nasagasaan ng nasarapan,”
“Ibang sa sakit ito, broken hearted ako frend. Wasak na wasak ang puso kong sinapak, minaso at ginamit lang ang kainosentihan nito.”
“Paano nangyari iyon? Samantalang kahapon ay nakagown ka pa habang nag dadate kayo ni Boy doon sa White House na para kang white lady doon.”
Natahimik siya at huminga ng malalim, "Tama ka, si Boy ay hindi tunay na boy." ang wika nito.
"Paano mo na laman? Ang ibig kong sabihin ay paano ka nagising sa katotohanan?" ang tanong ko.
Natahimik ito ulit at napatingin sa akin. "Ano Flashback na ba iyan?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya at doon ay muli niyang binalikan ang nangyari kanina. "I can't believe na may iba siya at hindi lang iba dahil lalaki ang jowa niya at nagtaksil siya sa akin! Bakit niya ako sinaktan ng ganito? Bakit ipinagpalit niya ako sa talong? Ayaw ba niya ng fresh at sariwang talaba? Ayaw ba niya sumisid sa perlas ng silanganan? Ayaw ba niyang mabasa ng matamis na nektang ng pinkish na halamang may red petal?” ang pag iyak nito.
FLASHBACK
"Babe? Hay nako, bakit naman isinama mo pa yung land lady niyong manang dito? Diba date nating tong dalawa?" ang tanong ng lalaking kasama niya
"Ha? Babe? eh bakit? Bakla ka ba?" tanong ko naman.
"Ehem, Perly, si Jim nga pala," ang kinakabahang wika ni Boy.
"Hi Perly, ako nga pala ang boyfriend ni Boy at ako rin ang kalive in partner niya for the month of September!" ang pagpapakilala nito.
Naguluhan ako at napatingin kay Boy, "totoo ba? akala ko ay Straight ka?" ang tanong ko naman.
"Straight? si Boy? Patawa ka ba e lintik nga kumain ng ratbu yan noh, hay naku babe bakit pati land lady niyo nandito pa!"
"Wala naman akong sinabing straight ako, sinubukan ko lang makipag fling fling sayo, pero hindi ko talaga kaya. Pasensoya ka na talaga saka ano ka ba ses, mukha na tayong mag tita Oh!" ang wika ni Boy
"Hay, Babe bakit naman kasi makikipag fling ka lang sa chaka pa at mukha pang maternal mother," ang hirit ni Jim.
Tila nakaramdam ako ng pagkainis noong mga oras na iyon, wala akong nagawa kundi ang mapaluha. "Isa ka pa Boy, sa susunod kung maglalagay ka ng foundation sa face mo ay lagyan mo rin pati yung batok mo! Kasi hindi ito pantay! Mga baklaaaa! Mga manloloko! Kaya pala mas interesado ka sa buhay ng sekyu doon sa SM Baguio! Kaya pala mas bet mong pag usapan yung talambuhay ng waiter sa kaninan dahil mas type mo sila! Mga baklaaaa! Burn! Cursed you mga Baklaaaaa! Lintik lang ang walang ganti!!" ang sigaw ko na halos maloka loka.
"Manang huwag po kayo mag iskandalo dito, nawawala po ba ang anak niyo?" pagpigil sa akin ng guard.
"Gaga wala akong anak no! hinayupak na to! Borta ka meaning BAKLA KA rin! Bakla ka rin no?" sigaw ko pa.
"Maam, hindi po ako bakla may asawa at anak po ako," pagtatanggol niya sa sarili.
"Kahit na! magiging bakla ka rin! Damay damay na to!" ang sigaw ko sabay walkout.
Masyado akong nasaktan sa pangyayari iyon kaya nagtatakbo para makatakas sa matinding sakit. Habang tumatakbo ay tila napasa ilalim ako ng isang makamandag na sumpa, dahil kahit saan ako tumingin ay nakaka kita ako ng borta. Mga masukladong lalaki na malalaki ang katawan at mga maskuladong naka make up. Kahit saan ako lumingon ay parang sinusundan nila ako. Para akong masisiraan ng bait noong mga oras na iyon kaya't nawala ako sa aking sarili.
Nagdilim ang aking paningin at dito ay bumangga ako sa isang sasakyan. Pagmulat ng aking mata ay nandito na ako sa ospital.
END OF FLASHBACK
"Diba sabi ko naman sa iyo, si Boy ay hindi tunay na Boy." ang komento ko. Sinabi ko naman sa iyo diba? Saka kahit ioffer mo yang pinakamagandang kepyas mo kay Boy at hindi niya ito susunggaban dahil batuta ang gusto niya at hindi ang tanong mo. Sa iba mo na lang ioffer iyan,” ang sagot ko pa.
“Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then WHY?!” ang sagot niya sa akin.
“Well. Mabait ka at mabait, saka mabait ulit at walang kasing bait,” ang hirit ko naman habang nakangiti
"Naiinis ako sa aking sarili, bakit ba sa panahon ngayon ay mahirap nang tukuyin kung sino ang lalaki at kung ang bakla? Bakit kasi mas lalaki pa silang kumilos eh! Natalo tuloy ako, sumakay ako sa isang palabas na hindi naman ako ang bida dahil isa lang pala akong extra simula pa noong una." pag iyak ni Perla
"Alam ko yung sakit dahil pati ay nasaktan rin, pero ganoon naman siguro ang buhay diba? Balang araw yung mga sakit na ito ay tatawanan nalang natin, ito ang mga oras na nag paka tanga tayo at nasaktan dahil sa maling pag mamahal. Lahat naman ay nag hihilom at lahat ay nakakalimot.. Iyon lang pinaniniwalaan ko ngayon." tugon ko sabay yakap sa kanya.
Lalo pang umiyak si Perla habang niyayapos ko ang kanyang likuran. Para itong batang humahagulgol sa aking balikat. "Hindi kaya masyadong malakas yung pag iyak mo? Pwede bang babaan mo ng kaunti? Yung low notes lang." bulong ko
"Masakit yung balakang ko, lumalagutok ang buto ko kapag gumagalaw ako, sana hindi mo muna ako niyakap." ang pag iyak nito ako naman ay natawa at pinicturan siya habang naka nga nga.
"Para saan naman iyon?" tanong niya
"Remembrance ng katangahan mo. Akala mo ba hindi ko alam na pinicturan mo ako noong nakaraang araw habang umiiyak?" sagot ko naman.
Nag tawanan kaming dalawa na animo baliw..
Gayon pa man ay pinilit ko pa rin pasayahin ang aking kaibigan noong mga sandaling iyon. Kung ako ang nasa kanyang kalagayan ay tiyak na ganoon rin ang gagawin niya para sa akin. Ngayon ay napag tanto ko na ang unawain lamang at damayan ang isa't isa ay malaking bagay na upang malagpasan ang ano mang sakit na ipupukol sa amin ng hinaharap.
Itutuloy..