Part 10

1646 Words
Baka Sakali AiTenshi   Part 10   "Napaka sama mo Papa Bogs!! Hayop kaaa!! Manloloko kaaaa! Niloko mo ko!! Niloko mo akoo!!!!!" ang sigaw ni Perla habang nag babasa ito ng kwento sa kanyang cellphone.   Dalang dala ito sa kanyang binabasa kaya't napapasigaw ng husto.   "Oy! Ano ba iyan. Nag aaral ako dito tapos ang ingay ingay mo." pag suway ko naman.   "Alam mo yung feeling na sobrang attached kana sa character kaya feeling mo ay ikaw mismo ang sinasaktan niya. Iyon ang nararamdam ko ngayon, nasasaktan ako sa ginawa ni papa Bogs." ang wika nito   "Sus, Alyas Pogi ni AiTenshi? Nabasa ko na iyan. Gusto mo ikwento ko sa iyo ang ending?"   "Ay! Iyan ang huwag mong gagawin kundi ay mawawasak ang friendship natin. Isusumpa kita ng 100x at hindi kana mag kaka love life kahit na kailan!"   "Hindi ko na alam kung ano ang salitang "love life". Mahirap itong unawain sa katulad kong pinag lalaruan lamang at pinapaasa ng paulit ulit." seryoso kong sagot.   "Humugot pa ito. Ano nanaman ba iyang pinag daraanan mo?" ang tanong nito.   "Wala no, sinasabi ko lang kung ano ang saloobin ko tungkol dyan sa salitang "love life" na iyan. Para sa akin ay isinumpa iyan at walang maidudulot na mabuti sa akin kundi ang panibagong sakit."   "Hala, bitter much Marcelino? Para sa mga katulad mong mapait na parang ibinabad sa isang dram na amplaya ay wala talagang darating na "love life."   "At ikaw naman ay maasim, para kang ibinabad sa isang balde ng sukang datu puti. Maligo kana nga!! Aalis na ako. " ang wika ko naman.   "Maasim ka dyan. Excuse me, dove ang sabon ko kaya Dove Girl ako! Ikaw ang maligo upang mabawasan ang kapaitan mo." asar na wika ni Perla.   At dahil nga alas 6 na rin ng hapon ay nag pasya na ako umuwi. Doon kasi kami gumawa ng english report sa bahay nina Perla kaya sa sobrang dami nito ay inabot na ako ng ilang oras. Nag lakad ako pauwi, hindi naman ito kalayuan bagamat pwede namang sumakay ng jeep kaso ay sayang ang 10 pisong pasahe.   Dumaan rin ako sa campus at may ilang tao pa rito para sa night class. Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay nakapukaw sa aking pansin ang isang lalaking naka sandal sa madalim na parte ng waiting shed. Tulog ito at halatang lasing na lasing kaya naman agad ko siyang nilapitan upang itanong kung ayos lang ba siya sa ganoong posisyon.   "Stephen? Ayos ka lang ba? Bakit lasing na lasing ka yata?" ang tanong   Dumilat ito at napakunot ang noo habang inaaninag ako. "Troll? Bakit nandito ka?" ang tanong rin niya   "Galing ako doon sa bahay ng kaibigan ko, pauwi na ako sa amin at para maka short cut ay dito ako dumaan sa harap ng campus. Bakit nandito ka? Bakit lasing na lasing ka? Paano kung mapag tripan ka rito?" ang tanong ko pa.   "Huwag mo na nga akong paki alamanan. May problema lang ako. Sige na alis kana. Ayos lang ako dito." ang pag tataboy niya.   "Ano ba yung problema mo? May maitutulong ba ako?" ang tanong ko pa. Ewan, ngunit ayaw ko siyang iwanan mag isa rito. Espesyal sya sa akin kahit hindi ako nag eexist sa kanyang mundo.   "Wala nga! Umalis kana! Panget mo!" ang sagot niya sabay irap sa akin na parang bata. Muli niyang isinandal ang ulo sa pader at pumikit.   Natawa ako bagamat nakaramdam ako ng kaunting lungkot na hindi ko maisalarawan. "Lahat ay tinatawag akong panget kaya sa tingin ko ay bale wala nalang kung tawagin mo ako ng ganoon. Nag mamagandang loob lang naman ako, hindi mo naman ako dapat sigawan o itaboy. Kusa akong aalis dahil hindi naman ako manhid. Pasensya kana." ang naka ngiti kong wika bagamat namumuo na ang luha sa aking mata. Samantalang siya naman dumilat at tiningnan ako, agad rin niya ito binawi at ibinaling ang mukha ng kabilang gilid ng pader.   Iniwan ko si Stephen ngunit ibinilin ko siya sa guard. Nag abot pa ako ng 100 pesos pang miryenda upang mabantayan lamang si mokong na nasa waiting shed. Karaniwan kasi sa mga tambay doon ay napapagtripan, lalo na yung mga gwapong katulad niya. Ginawa ko lamang iyon para makasiguradong maayos siya.   Kinabukasan habang kumakain kami ni Perla sa canteen ay pumasok doon si Stephen. Bangag na bangag pa ito at halatang hindi nakatulog sa kanyang pinag daraanan. Hawak hawak ang kanyang cellphone at maya maya ay maiiling nalang ito na wari'y may hinihintay na hindi dumarating. "Siya na nga yung tutulungan, pinag sabihan ka pa ng panget! Sobra naman siya!!" ang bulong ni Perla   "Eh gwapo naman siya, may K naman siya para sabihan ako ng panget."   "Huwag mo nga idown ang sarili mo. Hindi ka panget! Kinulang ka lang sa dating. Pero di ka panget! Gusto mo ba awayin ko na yang si Pogi?" ang tanong nito   "Hayaan mo na nga siya. May pinag dadaanan lang yung tao kaya masyado itong emosyonal."   "Wala akong paki, naku kung hindi mo lang crush iyang si Stephen ay baka inupakan ko na siya. Kahit gwapo siya."   Habang nasa ganoong pag uusap kami ay tumayo si Stephen at nag tungo sa bilihan ng pag kain. Umorder ito ng isang platong pansit at isang styro plate na putong puti.   Muli ito lumakad patungo sa amin at noong makatapat sa aming lamesa ay ibinaba niya ang puto sa aking harapan. "Sorry kahapon." ang wika niya sabay alis na parang nahihiya.   Nabigla ako sa kanyang ginawa bagamat nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Napatingin ako sa kanya habang ito ay abala sa pag kain ng pansit sa kabilang lamesa. Gusto ko sanang tumayo para mag pasalamat ngunit napangunahan na ako ng hiya.   Muling nabaling ang aking tingin sa puto at doon ay gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Huwag mong sabihin sa akin na ibabalot mo iyang puto at ippreserve mo katulad ng ginawa ni Jopet doon sa bubble gum na ibinigay ni Rycen sa kwentong Imbisibol. Anong kalandian ang iniisip mo?" ang pag basag ni Perla   "Syempre wala, ang naisip ko ay kunin itong puto at ibahagi sa taong nag bigay." ang naka ngiti kong sagot sabay hawak sa pag kain at muli akong humarap sa lamesa ni Stephen..   Ngunit wala na ito..   "Ay wala na siya?" ang bulong ko   "Umalis na, ayun oh. Nag lalakad na patungo sa klase niya." sagot ni Perla   Napakamot ako ng ulo at dito ay isinilid ko sa bag yung pag kain. "Hindi mo ako bibigyan?" ang tanong niya   "Ippreserve ko lahat to. Katulad ng ginawa ni Jopet doon sa nobela ni Ai Tenshi na Imbisibol," ang wika ko habang naka ngiti, hindi ko maunawaan ang pag t***k ng mabilis ng aking puso noong mga sandaling iyon.   "Yea right! Gawain ng mga chakang loser." ang pang aasar ni Perla "Double Kill!"   "Chakang Loooser like You. Triple Kill!" sagot ko naman   "Chakang Loooooser Like US! Quadra kill!" ang sagot ni Perla   "Mag Moba nalang tayo. p*****n tayo doon upang maibisan ang hidwaang ito! Akin si Alice ang Vampire Princess at sayo naman ni Vexana ang Necromancer dahil mukha kang patay na binuhay." ang pang aasar ko   "Lakas ng loob mong mag aya ng Moba eh de keypad naman iyang cp mo." hirit ni Perla   Tawanan..   Edi iyon nga ang set up, binigyan ko ng ilang pirasong puto si Perla at ang lahat ay itinago ko na. Mahalaga ito at wala siyang idea kung anong nararamdaman ko. Malamang epekto ito ng pag basa ko sa novela sa w*****d kaya't pati ako ay nagiging hopeless romantic na rin.   Noong buong araw na iyon ay hindi ko nakita sa campus si Stephen. Nais ko sanang mag pasalamat sa kanya ngunit wala siya kahit saan. Pero gayon pa man ay naka ukit pa rin ang ngiti sa aking labi dahil sa kasiyahang dulot ng kanyang ginawa. Marahil ay iba lang talaga ang sayang dulot nang mapansin ka ng isang espesyal na taong hinahangaan mo.   "Hoy Marcelino, bakit di mo pa kainin yang puto sa harap mo? Bakit parang dinadasalan mo pa?" ang puna ni Tita Pat.   "Tita, bigay po ito ng espesyal na tao. Ayokong kainin dahil gusto kong ipreserve ang momentum." ang sagot ko na parang nakalutang sa alapaap.   "Aba matinde. Sino ba iyan?" pang uusisa niya   "Secret" ang naka ngisi kong salita dahilan para matawa ito.   "Kung sino man iyan Marcelino, sana ay huwag kang mabaliw. Alalahanin mong mahalaga ang pag aaral. Kailangan makapag tapos ka upang matuwa naman ng nanay mong nasa ibang bansa."   "Tatapusin ko ang pag aaral ko dahil nangako ako sa puntod ni papa na magiging guro katulad niya. Kahit na hindi ko siya nakagisnan." ang sagot ko.   Ang aking ina ay hindi ko rin nakita. Basta noong nag isip ako ay nasa ibang bansa na raw ito. Sa larawan ko lamang siya nakita, nahahagkan at nayayakap. 19 years, hinahanap ko siya ngunit walang dumarating. Batid kong may ibang pamilya na ito at kinalimutan na ako. Paminsan minsan kapag tinatanong ko siya kay Tita Pat at sa ibang kapag anak namin sinabi nila sumama na raw sa ibang lalaki ang aking ina at hindi na raw babalikan. Mukhang nag dilang anghel nga sila dahil hindi na bumalik ito.   Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nag karoon pa rin ako ng dahilan para ngumiti at makaramdam ng saya. Salamat na lamang sa simpleng bagay na ibinigay ni Stephen, kahit papaano ay napalitan ng tuwa ang pangungulilang nararamdaman ko sa aking dibdib.   Ito siguro talaga yung nagagawa ng sobrang pag hanga sa isang tao, simpleng gesture lang na gawin niya ay talagang sasaya kana, katulad ng nararamdaman ko ngayon. At umaasa ako na sana ay ito ang simula ng pagiging malapit namin sa isa’t isa, yung hindi lang ako maging isang imbisibol ay sapat na sa akin.   Iyon lang ay sapat nang rason para ako ay lumakad ng mas maligaya.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD