Part 11

2244 Words
Baka Sakali AiTenshi Part 11 Araw ng Sabado, kalahating araw lamang ako nag bantay sa aming pwesto sa palengke. Agad rin naman akong pinauwi ni tita Pat para makapaghinga. Nagdaan kami ng examination at halos hindi na ako nakakatulog ng maayos sa gabi kakareview, ayoko naman kasing pabayaan ng maganda record ko sa school lalo na sa aming department dahil pang 5 na ako sa dean's list of honor. At mahirap na itong pakawalan. Dahil halos alas 1:30 palang naman ng hapon ay nag pasya muna akong dumaan sa mall para magpalamig, naisipan kong ring mag search ng pampa-puting sabon sa internet baka sakaling pumusyaw ang balat ko at hindi na ako tawaging "ulikba" o "boy n***o" ng mga kaibigan ko. Lalo na si Perla na tinaguriang "meanest creature" sa buong mundo. “Tingnan ang panahon ngayon, yung mga tao ay masyado nang judgemental, bakit kasi hindi pa natin tanggapin ang katotohanan na kapag hindi ka maputi ay “pangit ka”. Kaya ako? Gumagamit ako ng Kutis White Derma Soap. Kung puti koreano ang hanap mo ay ito ang tamang sabon para sa iyo, kaya ano bang hinihintay mo? Papayag ka bang forever na maitim at tawaging chaka? Sa Kutis Derma White Soap, puting pang Korean novela ang naghihintay sa iyo. Ano pang hinihintay mo? Kaskas na, malay mo at sa loob ng pitong araw, garantisado ang changes sa buhay mo. Kutis Derma White Soap, ang sabon ng mga star. Mahalagang paalala: Ang Kutis Derma White Soap hindi gamot at hindi ginagamit na gamot sa anumang uri ng sakit. Ito ay mabibili sa ating mga suking tindahan sa halagang 44 pesos.” Ito ang commercial ng isang sikat na modelo sa telebisyon sa kanyang pinakabagong sabon, paulit ulit itong pinapalabas sa electronic billboard sa harap ng mall. Pero hindi ko naman ito masyadong pinagtuunan ng pansin, agad akong pumasok sa loob at naisipan kong kumain muna sa Jolibee para mag lunch. Kaunti lang naman ang tao dahil lumipas na ang mahabang pila. Pagkatapos umorder ay umupo ako sa pinaka sulok para kumain. Tahimik lang ako, nakatingin sa aking cellphone at nagbbrowse ng mga larawan sa wall, dito nakita kong nag upload nanaman si Perla ng kanyang latest photo 37 mins ago, walong larawan niya na puro kalahati ng mukha ang nakalagay pero nakikita ang cleavage nito sa bawat larawan. Ang kanyang tinaguriang “cleavage album” ay umani ng 115 likes, pero ang larawan niyang may kasamang mukha ay naiwan at umani lamang ng 12 likes pang 13 ako. Hindi ko alam kung anong balak ni Perla sa buhay nya at kung bakit kahit otap siya at kasi flat ng plywood ay nag-uupload pa rin ng ganito. Nabahing si Perla habang pinagmamasdan ang mga likes sa kanyang cellphone, bumahing pa ito ng ikalawang beses. “Hayup ka Lino, alam kong nilalait mo ang cleavage ko!!”ang bulong nito sa kanyang sarili. Habang kumakain naman ako ng burger ay nasamid ako at tinginan ang mga tao dahilan para mahiya ako at mapayuko. “Gago ka Perla gumaganti ka, ang lakas ng usog mo!!” ang sigaw ko sa aking sarili. Patuloy ako sa pagkain, hindi ko na mabilang kung ilang tao ang nagblocked sa akin sa social media sa kadahilanan lang na pangit ako hindi pumasa sa kanilang mag panlasa. Habang nasa ganoong pag-iisip ako ay laking gulat ko noong makitang may umupong isang lalaki sa aking harapan. “Kumusta kana Lino aka Black Pearl?” ang tanong niya sa akin. “Peter? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kanya. “Eh kasi kumakain din ako kanina doon sa kabilang sulok. Nakita kita kaya heto naglakas loob na akong lumapit sa iyo,” ang wika niya habang nakangiti. “Anong kailangan mo?” tanong ko naman at nagpakita ako ng walang ng interest sa kanya matapos magbalik sa aking isipan ang mga kalokohan niyang pinagagawa sa akin. “At ano namang masamang hangin na amoy utot ang nagdala sa iyo diba? After all ng ginawa mo sa akin ay may guts ka pa rin na mag pakita?” tanong ko naman sa kanya. “Actually kung titingnan natin ay wala naman talaga akong masamang ginagawa sa iyo, ipinakita ko lang yung tunay na ako. Kaya nga ngayon ay nanghihingi ako ng sorry. Hindi ko naman alam na hindi ka palang open minded na tao pagdating sa mga ganoong bagay,” ang wika naman niya. “Open minded naman ako pero hindi mga ganoong klaseng kalaswaan. Saka wala na sa akin iyon, nakamove on na ako. Pero inaamin ko sa iyo na talagang nagalit ako at nainis saiyo, nagawa pa kita isumba ng tatlong daang beses at pinagdala ko na sana ay maputol ang t**i o kaya ay ma-impotent ka nalang,” ang sagot ko naman dahilan para matawa siya. “Alam mo ba kung anong pagkakamali mo doion tol? Iyon ay ang umasa kang magiging boyfriend mo ako na para tayong magkasintahang lalaki at babae na parehong malabing, inaalalagaan ang isa’t isa at parehong exclusive lang sa ating mga sarili. Pero alam mo dapat ay yakapin mo ang katotohanan kung ano ang mayroon sa paligid mo ngayon,” ang wika niya habang nakatingin sa akin ng tuwid. “Anong mayroon sa paligid ko ngayon? Mga manloloko at mang gagamit ng kapwa katulad mo. iyon ang mayroon sa paligid natin ngayon,” ang sagot ko naman. “Ano ka ba tol, huwag ka ngang masyadong bitter, ang ibig kong sabihin ay kung anong uri ng realidad ang mayroon sa ating paligid ngayon, sa ating mga bisexual o sa mga tripper o bakla na katulad natin,” ang sagot naman niya. “So anong alam mo sa ganoon? Sociologist kana rin pala ngayon?” tanong ko naman sa kanya. “Hindi ako Sociologist pero mulat ako sa realidad na sa panahon ngayon ay hindi na uso ang love. Wala nang tumatangkilik sa relasyon, kahit yung mga nagbebenta ng taho sa kalsada ay hindi na rin naniniwala dito. Ang nais kong iparating sa iyo ay kung naghahanap ka ng love life at stable na relasyon sa chat o sa social media? Nakup, para kang naghahanap ng karne sa tindahan ng mga metal. What Im trying to say is mababa ang probability na maka kita ng true love sa mga dating apps. Kailangan tanggapin mo ang katutuhanan na nandoon ka para makipaglaro at sumakay sa trip ng iba. Kasi kapag nagseryoso ka? TALO ka, at sa huli iiyak ka nalang.” “Paano mo nasasabi ang ganyan? Umiyak kana ba o ikaw ang madalas na magpaiyak?” tanong ko naman sa kanya. “Gayan din ako dati sa iyo, ang akala ko ay makakatagpo ako ng true love at tapat na kasintahan sa dating apps, pero mali pala ako dahil habang tumatagal ay hindi naman talaga shota at seryosong relasyon ang habol nila kundi ang panandalian aliw lang, tikim lang, sarap at pag lalaro ng apoy. May iba nga doon na kahit may shota na ay nakikipag kita pa rin sa iba at nakikipag trip. Pero magkakaroon ka naman ng boyfriend kung matututo ka sa isang open relationship,” ang wika niya “Open relationship? Ano yun?” pagtataka ko naman. “Tingnan mo na, sarado pa ang pag iisip mo sa ganyang mga bagay. Kumbaga ay sobrang virgin pa ang kaisipan mo at wala ka pang alam sa mga latest na ganap at mga uso sa mga katulad nating bisexual.” “Pati ba naman sa ganyan ay may latest din? Parang showbiz lang ah, so ano iyang open relationship na iyan na kinabbaaliwan ng mga nasa relasyon?” tanong ko sa kanya. “Ako ay nasa open relationship at nagwowork out naman ang aming samahan. Halos 3 years na kaming magkasama, basta dapat kung gaano ka open ang relasyon niyo ay ganoon rin ka-open ang mind mo,” ang wika niya habang naka ngiti at dito ay mas ipinaliwanag niya yung tungkol sa kanilang relasyon. "Ang aking kasintahan ay nakilala ko sa planetromeo, isang gay dating apps, since magkalapit naman kami ng area ay nag try kami mag meet. Sa unang pagkikita palang namin ay nag s*x na kami agad. Kinantot niya ako at ganoon rin ang ginawa ko sa kanya. At pagkatapos ng umaatikabong tagpong iyon ay naging magkasintahan kaming dalawa. Mahal na mahal namin ang isa't isa, halos oras oras yata ay nag cchat kami at nag kukumustahan. Parang natagpuan namin ang kaligayan sa isa't isa. Apat na beses kaming mag kita sa isang linggo. Pagkatapos ng klase ay nagkikita kami para mag s*x ng walang kasawaan at walang kapaguran. Adik na adik kami sa isa't isa na parang tuwing mag tatalik kami ay parang lulong kami sa matapang na droga. Tumagal ng dalawang buwan ang aming ganoon set up hanggang sa tila tinatabangan na kami sa aming relasyon, para bang hinahanap hanap namin ang makipagchat sa iba, at ipinagtapat sa akin ng kasintahan ko na kinantot siya kahapon ng ka meet niya sa social media apps. Nasaktan ako noon at hindi ko matanggap na nakipag s*x siya sa iba. Pero masyado ko siyang mahal para makipag hiwalay ako at bumitiw kaya naman makalipas ang ilang araw ay nakipag meet din ako sa ibang lalaki at nakipag s*x din ako. Noong mga sandaling iyon ay ipinagtapat ko sa kanya na may nakasex ako noong nakaraang araw ang akala ko ay magagalit siya pero niyakap niya ako at sinabing "okay lang sa kanya, gawin namin ang mga bagay na makapag papasaya sa aming dalawa kabilang na roon ang pakikipag meet sa ibang tao. PERO kami pa rin at mayroon pa rin kaming relasyon. Ang open relationship pala ay pareho kayong bukas at pwedeng makipag meet sa kahit na kanino niyo naisiin pero ang commitment ay nandoon pa rin. Mag papaligaya siya, makikipag s*x sa piling ng iba pero kami pa rin. May mga pagkatataon na kapag umuuwi ako sa boarding house niya naririnig kong umuunggol siya sa sarap. At may pagkakataon din na uumuwi sa siya sa akin na mayroon akong kasex. Noong una ay nakakaselos pero noong nagtagal ay bale wala nalang sa amin. May oras na habang nanood ako ng tv ay magsasama siya ng lalaki sa boarding house ko at mag sesex sila sa CR. Minsan ay nanonood ako ng live show sa kanila, minsan ay kasali ako. Kung gumagawa ako ng kalokohan ay harapan at wala kaming lihim sa isa't isa. "Cool" ang aming samahan at wala namang problema doon. Masaya kami sa open relationship na set up namin. Ngayon ay 3 years na kami at going strong pa rin. You see? Unlike sa mga kaibigan kong naghahanap ng seryosong relasyon? Lagi silang umiiyak dahil niloloko lang sila. Sumuko kana at huwag kana mag hahanap ng imposible sa dating apps. Puro malilibog lang ang tao doon at wala kang makikilalang santo na hindi gagawa ng anumalya sa buhay mo. Believe, sa una paniniwalain ka nilang matino sila pero kapag nag "goodnight" ang mga iyan? Kabahan kana dahil "hindi porket goodnight ay matutulog na ako". Kung mag hahanap ka ng ganoon sa mga nababasa mo sa w*****d o sa dreame, walang mangyayari sa iyo. Walang matinong lalaki na mag sstay sa iyo dahil lahat ngayon ay manloloko. Pumasok ka sa isang open relationship, tiyak na mag eenjoy ka ng husto," ang pagsasalaysaya ni Peter o Kevin o kung ano man ang tawag sa kanya. Natahimik ako.. "Kaya dumarami ang HIV positive ay dahil sa mga katulad niyong open relationship. Pero nauunawaan ko na kanya kanyang trip iyan at paniniwala kaya nirerespeto ko ang relasyon ninyo." "Kung gusto mo itry mo ang open relationship katulad namin. May nakasex ako kanina lang nag hahanap siya shota na pwedeng open relationship kung gusto mo ay subukan mo, mag eenjoy ka. Pwede tayong mag four some or exchange partners. Nakaka enjoy yun diba?" "Sorry Peter, pero hindi ko trip. Unang una ay mahina ang loob at hindi kasing tapang ng sikmura mo ang sikmura ko. Ikalawa ay naniwala pa rin ako sa pormal at malinis na relasyon," ang tugon ko dahilan para matawa siya. "Pwes, walang ganoon bro, mamatay ka kakahintay, tatanda ka ng walang papatol sa iyo! Sayang yung sarap ng b***t mo at sayang yung katas mo. Walang makikinabang diyan. Yolo lang bro! Huwag kang maghintay sa mga bagay na imposible." Natahimik ako.. "Salamat sa paalala at sa pagpapaliwanag sa akin ng mga bagay na hindi ko alam. Pero naniniwala pa rin ako sa pag mamahal at sa taong nakalaan para sa iyo. Handa kong suyurin ang buong mundo para makita lang siya. At goodluck sa inyo Peter, sana ay mag tagal pa kayong dalawang kasintahan mo," ang wika ko habang naka ngiti. Inayos ko ang aking gamit sa saka ako tumayo. "Inalis ko na ang block mo sa account ko, ichat mo pa rin ako," ang wika niya. Tumango lang ako at nagbitiw ng isang simpleng ngiti.. Noong mga sandaling iyon ay napaisip ako at napatanong sa aking sarili. Kung makatarungan ba ang ganoong gawain? Kung kaya ko ba ganoon? O baka naman hindi ko sikmurain? Naniwala pa rin ako na balang araw ay madarating na tamang tao sa akin at hindi bumibitiw sa paniniwalang iyon. Balang araw ay lalakad ako at may hahawak sa akin kamay. Ipaparamdam niya na ako ay hindi nag iisa. "Mag hihintay pa ako kahit kaunting panahon pa, kung minsan ang pinakamagandang bagay ay dumarating sa mga naghihintay," ang wika ko sabay labas kainan. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD