Baka Sakali
AiTenshi
Part 12
"Hoy Lino, buti naman dumating kana. Ang dali tingnan mo ito. Dumating na ang swerte mo! Ikaw na ang tunay na star ng pasko!" ang bungad ni Perla noong makita niya ako sa hallway. Hinila niya ako agad paakyat sa aming classroom. "Bakit ba? Ano bang nangyayari?" ang tanong ko naman na sobrang gulong gulo sa sitwasyon.
Pag pasok namin sa classroom ay agad na ipinakita ni Perla ang listahan ng magkakapareha sa reporting bukas sa english at ang kapareha ko ay walang iba kundi si Stephen. "Nakita mo na Lino? Diyos na yung gumagawa ng pagkakataon para kayong dalawa ay magkaroong ng special na bonding. Eto na yung totoo at hindi kana mag da-day dreaming na kunwari ay magkasama kayo ni Stephen na naglalakad sa paraiso ng kaligayahan at saka mag eeutan! This real! This is it!" ang excited na wika ni Perla.
"Wala naman akong iniisip na ganoon," ang sagot ko naman.
"Alam mo Lino my darling, kung hihintayin mong lumapit sa iyo si Stephen ay magagaya ka doon sa kalansay na nakadisplay sa science club. Mamatay ka sa wala dahil hindi mag f-first move yung tao! Ikaw ang gagawa ng way para makita ka niya, mag pakitang gilas ka, ipakita mo ang talino mo at yung kakayahan mo. Kung maghihintay na si Stephen mismo ang gumawa noon ay mamatay kang nakadilat at naka nga nga, or worst ay mamamatay kang isang panget," ang hirit nito.
"Sinong mamatay?" tanong ni Stephen sa aming likuran.
Napaharap kami ni Perla sa kanya. "Ah e ano, mamamatay yung grades ng hindi makapagrereport bukas kay Miss Joana Matigbak. Titigbakin niya ang lahat ng hindi tatayo at mag sasalita sa harap!" ang wika ni Perla.
Namoblema yung mga kateam ni Stephen sa varsity. "Nakup patay, sino ba kasama namin pre?"
"Aba icheck niyo dito, basta ako matalino ang kasama si Troll, auto pass kami mga pare. Si Troll ang bahala sa amin," ang pagyayabang ni Stephen sa kanyang mga kasamahan na nagbigay naman sa akin ng kakaibang saya na hindi ko maunawaan, pakiwari ay lumulundag ang aking puso sa labis na tuwa. "Alam niyang matalino ako, may tiwala siya sa akin," ang bulong ko kay Perla.
"Gaga, alam naman ng lahat dito sa department na matalino ka no, nakabandera yung pangalan mong top 5 sa deans list doon sa bulletin board. Basta gawin mo ang best mo dahil moment mo na ito. Kapag sublay ka dito Lino, baka, baka... sa susunod na meet niyo baka ay utangan ka nalang niya," ang naiyak na wika ni Perla.
"Masyado ka namang advance mag isip, basta gagawin ko ang best ko mamaya," ang wika ko na punong puno ng inspirasyon.
At iyon nga set up, alas 4 ng hapon noong magpasya kami ni Stephen na umuwi sa kanilang bahay para gumawa ng aming report na powerpoint sa laptop. Inilabas niya ang lamesa at dalawa sila sa likod ng kanilang bahay paharap sa bukid. Ito yung mga bagay na madalas kong iniimagine, yung makasama ang taong hinahangaan ko sa isang activity. Pinilit kong maging kalmado noong mga sandaling iyon, hindi ko ipinahalata sa kanya kinikilig ako at nagpapawis ang aking mga kamay sa matinding kaba. Lalo na noong tumabi ito sa akin suot ang sandong asul basket ball short. Nag inat ito bago umupo sa harap ng laptop, siya ang mag ttype at ako naman ang mag sasalita ng kanyang mga ilalagay. Bago mag simula ay nag inat pa siya ng braso at napatingin nalang ako sa muscles niya dito pati sa makapal at mabangong buhok niya sa kili kili.
Tila ba huminto ang mundo noong mga sandaling iyon, napatitig ako sa kanyang katawan, hindi maunawaan ngunit parang nawawala ako sa aking sarili at konsentrasyon noong mga sandaling iyon. "Troll, start na tayo, uy!" ang wika ni Stephen na aking ikinagulat. "Ah e, oo sorry," ang wika ko naman. "Teka, ang lamig ah, hindi ka ba giniginaw?" tanong ko dahil halos nakaharap kami sa bukid na may preskong hangin.
"Hindi naman, naliligo pa nga dyan sa poso kahit hating gabi na. Yung mga turista ay giniginaw sa ganitong klima, pero tayo na taga rito na sa Benguet? Malabong mapagsuot mo ako ng Jacket," ang wika ni Stephen.
"O sige, mag start na tayo. Kailangan ko ring umuwi ng maaga," ang kunwari wika ko bagamat plano ko talagang bagalan para matagal kaming mag kasama kahit nitong mga sandali lang, okay na sa akin yung habang nagsasalita ako ay napapasulyap ako sa kanyang mga mata at mukha na hindi nakakasawang pag masdan.
Umiihip na ang malamig at mabangong hangin..
"Ang sarap siguro ng matalino no? Yung tipong tiwala na sa iyo yung mga prof natin. Kapag ikaw yung sumagot at kapag ikaw yung nag sulat ng essay makita lang nila yung name mo ay matik na agad ang pag pasa mo," ang wika niya habang naka ngiti.
"Minsan masarap dahil may tinawala sila sa iyo, minsan mahirap dahil nandoon na yung expectation. Yung kapag nakakuha ka ng mababang score ay itananong nila agad sa iyo "Lino what happened?" O kaya naman itatanong nila kung may personal problems ka. Mas masarap siguro maging ikaw dahil gwapo ka at maraming nagkakagusto sa iyo. Effortless dahil hindi mo na kailangan pang lumapit sa kanila. Ang sarap siguro maging campus heart throb no?" ang tanong ko rin.
"Minsan masarap dahil maraming nakaka-appreciate sa iyo. Minsan naman ay parang bale wala nalang. Alam mo kapag taglay mo na ang isang bagay ay parang natural nalang ito sa iyo. Yung hindi mo na kailangang isipin at pag-tuunan ng pansin kasi nga ay nakasanayan mo nang ganun ka at ganoon ang buhay mo sa campus," ang sagot niya habang abala sa pag ttype.
“Kung sa bagay kapag sanay kana ay parang bale wala nalang sa iyo, tingnan mo ako, crush kita at sobrang hinahangaan kita,” ang wika ko sa kanya dahilan para humarap siya sa akin na parang nagulat, pero maya maya ay bigla siyang ngumiti, “Crush din naman kita, gustong gusto ko yung pagiging matalino mo at yung pagiging masayahin mo, kaya nga gusto kong malapit tayo sa isa’t isa,” ang wika niya habang naka ngiti ng ubod ng tamis.
Lumundag ang puso ko sa matinding galak noong marinig ko iyon, kasabay nito ang pag pitik niya sa aking tainga., “Oy troll ano na bang susunod dito? Ang tagal mong mag basa,” ang wika ni Stephen habang nakatingin sa laptop at nag sasave ng kanyang gawa.
“Sorry, ano na nga ba yung pinag uusapan natin? Tungkol sa crush ba?” tanong ko naman.
“Ha? Wala naman tayong pinag uusapan na tungkol doon. Ang huling sinabi ko sa iyo ay “kapag taglay mo na ang isang bagay ay parang natural nalang ito sa iyo. Yung hindi mo na kailangang isipin at pag-tuunan ng pansin kasi nga ay nakasanayan mo nang ganun ka at ganoon ang buhay mo sa campus”. Wala naman akong sinabi tungkol sa crush,” ang pag lilinaw niya.
Natawa ako..
Kung ganoon ay imahinasyon ko lang pala ang lahat..
“Tapusin na natin ito Troll baka pagod kana, gusto mo dito kana mag dinner?”
“Naku hindi na, hinihintay na rin ako ni Tita Pat doon sa amin, kaunti nalang paragraph nalang naman at tapos na iyan,” ang wika ko habang naka ngiti.
“Swerte talaga ako dahil ikaw ang nakasama ko, kung ibang tao to malaman ay naka-nga nga pa rin kami ngayon. The last time na nag report kami ay si Jaymar ang kasama ko, tangina 75 ang grado naming dalawa, at ayoko na maalala yun! Gago na iyon, ginaya lang kasi namin yung laman ng libro, hindi kami gumamit ng mga bullet katulad ng style mo ngayon, kaya feeling ko mataas ang marka natin bukas.”
“Sana, galingan natin para exempted tayong dalawa sa long quiz sa Friday,” ang wika ko habang naka ngiti.
KINABUKASAN..
"Aray ang sakit ng panga ko." ang wika ko habang pumasok sa gate ng campus.
"Kaya ba sumasakit ang panga mo ay dahil chinupa mo si Stephen kahapon? Edi dapat pati lalamunan mo ay masakit rin? Grabe hindi ko akalaing makakapuntos ka ng ganoon kadili, diba sabi ko nga sa iyo ay nakatadhana kang maging super star ng pasko," ang masayang entrada ni Perla noong sumabay ito sa akin sa pag lalakad papasok.
"Gago, hindi kami aabot sa ganoon. Naka tulog kasi ako ng naka ngiti kagabi. Kaya siguro sumakit itong panga ko. Masyado akong masaya, sobrang perfect ng pakiramdam ko kahapon, alam mo ba iyon?" ang sagot ko naman.
"Ewan ko sa iyo, pero anyway ayoko namang isipin mong kontrabida ako sa kaligayahan mo kaya nais kong malaman mo na sinusuportahan kita dyan sa kalandian mo. Nauunawaan ko naman na kinakailangan nating lumandi para maging masaya dahil kung mag hihintay ka lang ng lalandi sayo ay walang mangyayari sa buhay mo. Mag sasarang butas mo at mamatay kang virgin. Iyon ag pinaka masaklap na maaaring mangyari sa isang tao." ang seryosong sagot niya
"Hindi ko naman kailangan lumandi dahil ang pag ibig ay parang isang halaman, yumayabong, namumukadkad at namumulaklak sa tamang oras at sa tamang pag kakataon." katwiran ko habang natatawa..
"At nalalanta kapag di nadidiligan. Pero kung sa bagay nadiligan ka ni HornyPeter last last week kaya medyo bural pa ang keps mo pero maghihilom rin iyan at mag giging 50% virgin ka ulit," ang pag basag naman niya.
"Hindi ko maunawaan kung bakit usong uso iyang 50% virgin na iyan. Bakit 50% nalang?" pagtataka ko.
"My dear Lino, ang 50% virgin ay ang kakayahan ng keps at wetpaks na mag auto regen matapos itong gamitin. Kasi may mga keps na sumisikip kapag 3 to 4 months na bakante. Ganoon rin sa pwet mo diba? Pero mayroon rin namang mga tao na kapag nagamit na ang keps nila ay maluwag na ito forever at hindi nag a-automatic regenerate. Iyan ang origin ng tinatawag na 50% virgin!"
"Siguro ikaw yung babaeng hindi nag a-auto regen kaya 5% virgin ka nalang!" pang aasar ko.
"Excuse me Lino, bakla si Boy at away niya sa petchay ko kaya walang naganap sa aming dalawa. Baklang iyon!" ang asar na sagot ni Perla.
Alas 9 umaga, nag simula ang graded reporting namin sa English. Unang pag kakataong nakita ko si Stephen na nakasuot ng complete uniform, naka ID at black na shoes. Hindi katulad dati na nakauniform ito pero naka rubber shoes naman. Ramdam ko sa kanya ang kaba habang sinasagot ang tanong ng aming guro. Pero ang maganda ay nasasagot niya ito ng maayos at kung ano yung tinuro ko sa kanya ay nai-aapply niya kaya nakangiti lang ako habang pinapanood siya sa pag sagot. Pero 70% ng tanong ay ako na ang nag handle upang makasiguradong papasa kaming dalawa at siyempre ay nagpakitang gilas din ako. Iba ang saya at insipirasyon kapag siya ang kasama.
Kaya kung palaging si Stephen ang kagrupo ko malamang ay lagi akong buhay na buhay!
"Congratulations, Marcelino, Stephen, kayo ang naka kuha ng pinakataas na score sa reporting. 96% at exempted kayo sa long quiz sa friday. At sina Perla at Charmee naman ang naka kuha ng ikalawang pinakamataas na score na 90% at sila ay automatic plus 25 points sa kanilang score. Kung maperfect nila ang 75 items ay ma-ccarry ang additional points sa susunod na quizes. Yun lang at ipopost ko ang top 3 to 5 mamaya doon sa bulletin board. Pwede na kayong mag lunch," ang wika ng aming guro.
Agad kaming lumabas ni Perla, maya maya ay nakita kong humahabol si Stephen sa amin, "Troll, salamat ha. The best ka talaga. Sana all kasing talino mo," ang wika niya sabay akbay sa akin.
"Salamat rin, mahusay ka rin naman," naka ngiti kong sagot.
"Ang totoo ay nag aral talaga ako kagabi kasi gusto kong makasabay sa iyo. Ayokong isipin nila na binuhat mo nanaman ako kaya tayo nakahighest," ang sagot niya.
"Walang nag iisip ng ganoon dahil nakita nila yung effort mo kanina," ang nakangiti kong tugon.
"Oo nga naman Stephen, ang galing mong sumagot kanina. Titig na titig nga si Lino sa iyo habang sumasagot ka," ang hirit ni Perla dahilan para mahiya ako. "Kasi sasaluhin ko siya kung sakaling may mali siyang masabi," ang palusot ko naman.
"Salamat ulit troll, paano pupunta ako sa gym, may practice game kami," pag papaalam ni Stephen.
"Ayos lang, salamat rin," ang tugon ko naman.
Naglakad naman kami ni Perla palabas sa gate ng campus. At dahil halfday naman ay nag pasya kaming mag libot sa mall para kumain na rin. "Ang husay mong mag tago ng feelings no? Habang kausap mo si Stephen kanin ay parang wala lang sa iyo para wala kang paki sa kanya. Pero aminin mo, kilig na kilig ka na no? Yung parang matatae ka sa sobrang kilig, yung may kaliti at kakaibang hagod sa kaibuturan mo," hirit nito
"Sobra, yung tipong para ayoko na matapos yung reporting kanina, gusto ko yung kasama ko nalang siya lagi," ang tugo ko naman sabay hinga ng malalim.
"Iyan ang tinatawag na "buntong hininga ng kaladian", ang tugon ni Perla.
Tawanan kami.
Nag tungo kami ni Perla sa mall at nag dito ay kumain kami, pag katapos ay namili ako ng sabon na Kutis Skin Derma White. Bumili agad ako ng 5 piraso baka sakaling maging maayos ang kutis ko at maging mapusyaw ito kahit papaano. "Kung gusto mong pumuti ay mag turok ka ng gluta sa balat mo, pero anyway ayoko namang kontrahin ang pananalig mo dyan sa pag gamit mo ng sabo na iyan. Ikaskas mo yang mabuti sa face mo at pati sa batok, leeg, likod ng tainga para hindi ito mapag iwanan. Baka magaya ka kay Boy na mukha lang ang maputi tapos ang itim ng batok!" ang bitter na wika ni Perla.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag daan ni Boy. "Speaking of the divel, the divel is heraah!" ang boses ni Perla na ganun kay Carmi Martin sa pelikulang Four Sisters and a wedding.
"Oh Perly Shells, ikaw pala. Kamusta kana sis?" ang tanong nito na hindi na matigas ang kilos.
"Okay naman, bakit parang naging kasing lambot kana ng gelatin ngayon?" tanong ni Perla
"Ano ka ba sis, eto na talaga ako. This is the real me. Nag out na ako kahapon at very happy ako ngayon. Nga pala break na kami ni Jim kaya eto na ang bago kong boyfriend. Si CarlMichael David Blaine isang Canadian."
"Baklang to, nakadale ka pa ng afam ha," ang wika ni Perla.
"Ganda lang talaga mother, kasi naman ikaw ayaw mong mag ayos ng sarili kaya di ka makabingwit ng afam o kahit tambay na pinoy doon sa kanto niyo."
"Hello, baklang to, nag aayos ako ng sarili no," reklamo ni Perla.
"Yeah, pero hindi enough yan. Dapat mag parebond ka o matuto ng tamang pag mamake up dahil kung minsan ay para kang si Annabel sa kapal ng blush mo. Sexy ka pa naman. Hipon na hipon ang dating mo!"
"Tse! Gagang to, naiinis talaga ako sayo kasi umasa akong lalaki ka talaga. Pero dahil masaya ka naman sa pag lalalad mo e masaya na rin ako para saiyo," ang sagot ni Perla
"I love you sissy!" ang malanding wika ni Boy sabay halik at beso sa kanya. "Ako na Girlie ngayon kaya huwag mo na ako tawaging Boy okay?"
"Ok noted Girlie!" ang sagot ni Perla sa kanya.
Tawanan kami..
Itutuloy..