Baka Sakali
AiTenshi
Oct 27, 2017
Part 13
Araw ng Lunes, pag pasok ko palang sa gate ay nakita ko na si Stephen. Nakangiti ito at kumaway sa akin, nag taka ako kung bakit pero kumaway rin ako pabalik sa kanya.
Lalo siyang ngumiti sabay tayo sa kanyang kinauupuan. Nag tatakbo ito patungo sa akin kaya naman nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Wari'y slow motion siya sa aking paningin habang maharang tumatakbo, ang paligid ay huminto at ang tanging naririnig ko lang ay ang t***k ng aking puso habang palapit siya sa aking kinalalagyan.
"Oi pare, ano nakuha mo ba yung gitara?" ang tanong nito kaya naman bigla akong bumalik sa aking ulirat.
Lumagpas siya sa akin at pinuntahan ang lalaki sa aking likuran. Kabarkada niya pala ang kanyang kinakawayan at hindi ako..
Tila nakaramdam ako ng matinding pag kahiya sa aking sarili noong sandaling iyon. Pakiwari ko ba ay nais ko nang humukay sa ilalim ng lupa at mag tago na lamang dito. Pangalawang beses na ito naganap sa akin, ako yata yung tipo ng tao na hindi nadadala sa mga kaganapan sa aking buhay.
Noong mga sandaling iyon ay pinagmasdan ko ang mukha ni Stephen naka ngiti, hindi na rin masama, atleast gumanda ang umaga ko dahil siya agad ang aking nasilayan. Bagamat medyo may kirot dahil hindi para sa akin ang mga ngiting iyon kaya’t ang pagmasdan nalang ito mula sa malayo ang tangin kong magagawa.
Mabilis akong humakbang patungo sa hallway at doon nga nakita ko si Perla na nag aabang sa akin. Umiling nalang ito at nang asar pa. " Tsk tsk tsl. Feeling mo ikaw talaga yung kinakawayan?" ang pang aasar nito. “Hoy Lino, bawas bawasan mo kasi yung sobrang pag e-expect mo sa mga bagay na imposible. Kaya next time tingnan mo muna baka may tao sa likod mo bago ka umawra,” ang paalala nito.
"Akala ko nga ay ako, hindi pala. Napahiya lang tuloy ako sa aking sarili."
"Hayaan mo na, mukhang wala namang nakahalata. Ako lang naman saka yung mga first year na nag tatawanan doon sa kabilang bakod, pero huwag mo silang pansinin," natatawang wika ni Perla sabay akbay sa akin.
Kahit anong pilit kong limutin ang eksenang iyon ay parang sumpa na bumabalik sa aking isipan. Kahit sa loob ng classroom ay talagang nahihiya ako sa aking sarili kaya't hindi ako nakapag focus sa discussion. Madalas tuloy akong napupuna ng teacher na naka tulala at natutulog raw sa pansitan. Nasa loob ako ng classroom ngunit ang aking isipan ay lumilipad patungo sa labas kung nasaan si Stephen. Ang swerte ng mga kaibigan niya, sana ay isa ako doon yung palagi niyang kasama at nakaka usap. Nakaka inggit lang kapag sumasagi ito sa aking isipan.
Alas 5 ng hapon noong matapos ang klase. Dito ay nakita namin si Stephen na tumutugtog ng gitara sa hallway. Kumakanta pa ito habang naka ngiti. "Tingnan mo, mukhang dito sa gawi natin nakatingin si Stephen. Ayokong mag expect pero dito talaga sa direksyon natin," ang bulong ni Perla
"Natural, hayun sa likod natin si Alysa Millan yung Miss Nursing. Natural doon siya nag papa cute. Saka balita dito na nililigawan daw iyan ni Stephen," ang bulong ko naman habang naka tingin kay Stephen na noon ay abala sa pag awit taglay ang nakakalusaw na ngiti.
"Kaya naman pala e, tapos kinikilig naman yung bruha. Halika na nga, umalis na tayo dito bago pa mag dilim ang paningin ko dyan sa Alysa na iyan at masampal ko lang iyan, gamit ang pwet ko!" ang gigil na wika ni Perla sabay hatak sa akin palabas sa gate.
"Saan naman tayo pupunta?" ang tanong ko
"Mag papaka saya. Sabado naman bukas kaya okay lang na mag libot tayo. Mag hahanap tayo ng lalaking hindi natin mahal at iyong papawi sa kalungkutan nating dalawa, char!"
"Teka Sabado nga bukas, ang ibig sabihin ay bantay ako palengke. Hindi ako pwedeng gabihin ng todo dahil magagalit nanaman si tita Pat sa akin, ayoko nang marinig yung sermon niyang parang misa ng pari tuwing linggo."
"Hindi naman tayo gagabihin. Doon lang tayo sa bagong bukas na coffee shop malapit sa kanto. Alam mo na, makiki uso tayo sa mga schoolmate natin, oorder tayo ng kape at pipicturan natin saka ipopost sa social media. Ano akala nila? Sila lang ang may karapatang mag kape ng mahal?"
"Eh bakit kailangan pang picturan at ipost?" tanong ko na may halong pagtataka
"Para malaman ng sambayanan ang brand ng kapeng iniinom nila. Dapat pag nag selfie ka ay kasama ang resibo para malaman narin ng madlang netizens ang halaga ng ininom nilang kape. Mas mahal mas hahangaan. At huwag kakalimutan ang side dish, mga donut at chocolates ekek na iyan, pampadagdag sosyal iyan." ang excited na wika ni Perla habang nag lalakad kami.
"Eh paano kung walang budget para sa ganon?" tanong ko
"Edi gumamit ka ng magic camera. Sa panahon ngayon kahit ulam na tuyo ay nagiging fish fillet basta mayroon ka nito. " hirit pa ni Perla. "Teka nga Lino, mukhang pinag ttripan mo nalang ako sa mga tanong mo. Halika na doon sa kapehan." dagdag niya sabay hatak sa akin.
Nilakad lang namin ang patungo sa kanto. Iyan naman talaga ang buhay estudyante, lakad lang ng lakad habang naka bandera ang aming uniporme sa kalsada.
"Oi mga trolls, saan kayo pupunta?" ang pag tawag ni Stephen noong makita kaming nag lalakad. Naka sakay ito sa kanyang motor at ngumiti sa amin.
"Diyan lang sa kapehan sa gawing kanto." ang sagot ni Perla
"Ah okay!" ang wika nito sabay padyak sa kanyang motor saka umalis.
"Ang gago, akala ko ay isasakay nya tayo. Ikaw pa naman ang papa pwestuhin ko sa gitna para mayakap mo siya ng mahigpit at maka kota ka ngayong araw," hirit ni Perla
"Wag nalang. Ang maging ka close siya ay imposible na, yung mayakap pa kaya?" tugon ko habang naka tanaw sa kanyang motor na palayo sa aking paningin.
"Gusto mo ng background music? Kung makahugot ka naman ay parang daig mo pa yung mga bidang tauhan sa mga binabasa mong story sa wattpad." ang pag basag ni Perla sabay hatak sa akin papasok sa kanto kung saan naroon ang kapehan.
Makalipas ang ilang sandaling pag lalakad ay nakarating kami sa isang bagong tayong coffee shop, katulad ng inaasahan ay maraming nakatambay na estudyante dito. Free wifi kasi at aircon pa. "Yung mga iyan ay kanina pa dito, umoder lang ng kape pag katapos ay tumambay na para makasagap ng one to sawang wifi." ang bulong ni Perla habang humahanap kami ng pwestong mauupuan.
"Ang mahal naman ng mga kape dito. 150 pesos, pataas. Ano iyan ginto? Dun nalang tayo sa bahay mag kape may 3 in 1 dun sa amin," ang bulong ko naman kay Perla.
"Huwag ka ngang maingay baka mapag halata tayong inosente at walang alam sa ganito, close your mouth nalang, nandito tayo sa place ng mga mayayamang nagkakape kaya umasta tayong mayaman rin! Yan ang kape ng mga sosyal. Kaya nga ang pangalan ng coffee shop na ito ay "Sossy Kape! At yang mga kapeng di naman mabasa ang pangalan, iyan ang oorderin natin!" hirit nito
"Eh ano naman kung marinig tayo? Nag papanggap lang din naman na susyal yang mga nasa paligid natin. Katulad ng isa na iyon, nag selfie pa yakap ng kape niya." tugon ko
"Kaya nga di tayo papatalo, mag seselfie rin tayo. Ilalagay natin ang kape sa mga ulo natin at sasayaw tayo ng pandanggo sa ilaw! Tingnan ko lang kung humabol pa iyang mga iyan!"
"Seryoso?" tanong ko naman
"Syempre ay hindi. Upo ka na nga dyan." tugon niya.
Tumutugtog ang musika sa loob ng shop na may pinamagatang Dive in Ed Sheeran. Isang maganda at nakaka kilig na awiting nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Kung minsan nga ay sinasabayan ko pa ito habang nakatanaw sa kung saan.
Yung tipong hindi naman talaga ako sanay sa ganitong lugar, pero pinipilit ko yung sarili kong pumakat dito dahil kailangan. Tapos yung mga waiter ay susyal rin na kapag umubo ka o mamali ng bigkas sa iyong order ay tiyak na pagtatawanan ka nila.
Tapos yung dalawang lalaki sa gawing gilid ay hawak ang kape at nagseselfie habang kunwari ay iniinom ito bagamat hindi naman ito nababawasan. Bakit kaya bumili pa sila kung hindi naman iinumin.
Edi iyon nga ang set up, umupo ako habang si Perla naman ay ang umorder. Hindi ko tuloy maiwasang pag masdan yung mga tao sa aking paligid. Halos lahat sila ay naka hawak sa kanilang cellphone at nag seselfie. Ito na talaga ang buhay ng mga millennials , self promotion ang kadalasang ginagawa. Pero ang iba sa kanila ay talagang prone sa dipression dahil sa mga nakikita nila sa social media, maaaring nag cocompare sila ng kanilang mga sarili sa ibang tao kaya kadalasan ay nakakaranas sila ng kalungkutang hindi maintindihan. Ang sinabi ko ay base lamang sa kanilang mga reaksyon habang abala sa pag pindot ng kanilang mga gadget. Sadyang naging hobby ko lang siguro ang mag obserba sa mga tao kaya't nag iisip ako ng labis.
"Hoy Lino, ayos ka lang ba? Dapat ba talaga ay naka tulala?" ang wika ni Perla sabay lapag ng kape sa aking tabi.
"Pasensiya na, nalibang kasi ako sa panonood sa mga agenda ng tao sa paligid." tugon ko naman na may halong pag kagulat.
"Iyan ang kape ng mga sosyal! Selfie na dali!! Papahuli ka ba?"
Kinuha ko naman ang aking cellphone at ng selfie nga kami.
Tawanan..
Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Perla ay biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa aming harapan. Kapwa naka suot ng uniporme sa isang pribadong paaralan. Natigil kami sa pag inom at napatingin sa dalawa.
"Bakit?" tanong ni Perla
"Excuse me, may kasama pa ba kayo? Pwedeng makitabi?" ang tanong ng isa
"W-wala naman." sagot ni Perla kaya ngumiti ang dalawang lalaki at tumabi sa amin.
Laking gulat ko lamang dahil mag kamukha silang dalawa. Kambal, mag kaiba lamang ang kanilang mga hairstyle. Ang isang ay mag bangs na sided na animo koreano. Ang isa naman ay kulot ang buhok na halatang pinasadya. Parehong good looking at nag papacute kapag nagsasalita.
Natingin ako kay Perla na may pangungusap sa mga mata. Pilit kong itinatanong sa kanya sa pamamagitan ng tingin kung anong agenda ang dalawang ito sa aming tabi. Kasi diba imposibleng may tumabi sa amin sa ganitong pagkakataon.
"Hi, Im Albert at siya naman ang kakambal ko si Hubert." pakilala nito na hindi naalis ang ngiti sa labi.
"Hi!" ang bati ni Perla na may halong pagpapacute.
"Hi ulit, nga pala kanina pa kami nakatingin sa inyong dalawa, napaka interesting kasi ng vibes ninyong mag kaibigan. Alam niyo ba yung nakaka attract kayo ng positive energy sa mga tao dito? Especially sa amin ni Hubert," ang bungad ni Albert.
"Oo nga, hindi na kami mag papa liguy-ligoy pa, pwede ba namin kunahin ang contact numbers ninyo?" ang naka ngiting dagdag ni Hubert na may halong pag papa cute.
"Talaga ba? Bakit naman? Interesting ba ang pez namin? Seryoso? Grabe naman kayong dalawa kung maka puri," natutuwang sagot ni Perla sabay sulat ng kanyang number sa papel. Pati ang numero ko ay isinulat na rin.
"Wow salamat, sobrang interested kasi kami ni Hubert sa katulad niyong napaka good ng vibes!" ang masayang wika ni Albert na parang kinikilig at nahihiya pa sabay hawi sa kanyang sided na buhok.
Kinuha nila ang aming number at mabilis na idinagdag sa contacts sa kanilang cp. "Salamat sa number. Aalis na kami ni Albert, may lakad pa kasi kaming dalawa. See you around?" ang naka ngiting paalam ni Hubert sabay kamay sa aming dalawa.
Kami naman ni Perla ay parang na shock dahil first time namin hiningan ng numero. Wala kaming nagawa kundi ang habulin ng tingin ang kambal at lihim na mapangiti habang naka tingin sa sosyal na kape sa aming harap. "Mainam palang tumambay dito, may mamahaling kape kana may kukuha pa ng number mo." biro ko naman.
"Kaya nga bukas ay nandito ulit tayong dalawa hanggang sa maging panata na natin ito."
"Hala siya, pero gusto ko iyang naisip mo." pag sang ayon ko.
Tawanan..
Kinagabihan pag uwi namin sa bahay ay nakatanggap ako ng text message galing kay Hubert.
"Hi Bro, kung hindi ka busy bukas ng hapon, mag kita naman tayo? Doon sa coffee shop around 5pm after class. Kung okay lang at kung hindi naman ako makaka istorbo sa iyo,"
Tila nag taka ako, pero dahil nga wala naman akong gagawin bukas after ng klase, siguro ay maaaring paunlakan ang kanyang imbitasyon. Wala naman sigurong masama lalo na para sa akin na ang hahanap ng taong magiging kapareha. Hindi sa pag lalandi pero nais ko lang maging masaya at malibang.
"Ok. See you." ang reply ko naman na may ngiti sa aking labi.
Napatingin ako sa kisame na may halong excitement, ewan ngunit parang rollercoaster ang emosyon napakabilis ng pangyayari na tila ba ang hirap paniwalaan.
Itutuloy..