Baka Sakali
AiTenshi
Part 17
"Congrats Lino. Akalain mo iyon, lumandi ka na nga nitong semester top 3 ka pa rin sa dean list. Consistent ang 1.60 mo at ikaw lang ang bukod tanging nakapasok sa section natin! Palong palo hard work nitong mga nakakaraang buwan," ang bati ni Perla noong ipost ang ranking dalawang araw bago ang bakasyon.
"Congrats din, atleast hindi ka nalaglag sa sampu kahit na kaliwa't kanan ang dinedate mong lalaki. Yung iba bakla pa at yung iba naman ay inaalok ka lang naman ng networking." pang aasar ko.
“Hello, the last time I check pareho tayong inaalok sa networking diba? Pero tingnan mo to, atleast isang taon nalang winner na tayo. Kailangan maipasa natin ng LET tapos ay aasenso na ang buhay natin at magiging star na tayo ng pasko!" ang excited na wika nito sabay yakap sa akin.
"Nandito pala kayo mga chararat. Mag painom naman kayo ahh. Namamayagpag ang beauty nyo dyan sa deans list! Bongga!" ang wika ni Aljan yung kaklase naming lantad na bading.
Si Aljan yung kaibigan naming perla na madalang pumasok, madalang makita sa school dahil kung saan saan napapadpad, mahilig sa raket madalang na pumasok dahil mas mahalaga sa kanya ang kumita ng pera, business minded kaya’t nakakarating sa Maynila para lang rumaket. At ang gawain niya ay susulpot nalang dito end ng term para maghabol at kumuha ng katakot takot na exam. Gayon pa man ay trio pa rin kami ni Aljan at MAS malala siya kay Perla kung tutuusin.
"Maka chaka ka naman. Eh mas chaka ka sa amin!" ang sagot ni Perla
"Okay chaka tayong lahat kabilang kana Lino. Celebrate na mga bakla dali!!" ang excited na wika nito sabay hatak sa amin.
"Mabuti nalang nakapasa ka, ang dalang mong pumasok eh. Namamayagpag ang 3 sa marka mo!" ang pang aasar ko pa
"Shhh! Wag kayong maingay baka marinig ng mga boys sa paligid lalo silang maturn off sa akin. Namiss ko talaga kayong dalawa. Ayan buo na chaka team!" ang wika nito
"Hindi kami kasali sa team mo! Ikaw lang ang chaka dito!" sagot ni Perla
Edi ayun nga ang set up, nag tungo kami doon sa pinaka malapit na kainan upang mag celebrate. Dahil hindi naman pwede uminom at malasing ay tig iisang boteng alak lamang ang aming inorder at isang buong lechon manok. "Alam nyo nakaka inis ang mga lalaki no? Pag katapos kong ibigay ang lahat saka ako iiwan. At may take out pa! Pati tablet ko ay dinala! Grabe yung mga boylet sa manila, ang sasarap ang kakatas pero at the same time kinatakas rin nila ako, mula ulo hanggang paa, lalo na yung last bf ko? Tuwing ifa-f**k ako ay kumukuha sa wallet ko ang putang ina! Ang ending eto laspag ako at laspag rin ang ipon ko, napakasad ng buhay para sa akin, buti pa kayong mga chararat ng taon, paawra awra lang dito sa Baguio City, summer capital of the Philippines!" ang reklamo ni Aljan habang tumutungga ng alak.
"Ang hirap naman kasi sayo bakla todo bigay ka sa mga nagiging jowa mo. Ayan tuloy laging kang lugi. Bakit kasi nag pupunta ka pa doon sa manila, gwapo rin naman ang mga taga dito no, saka mas sariwa na parang gulay natin yung mga boys dito at yung mga t***d nila ay strawberry flavor!" ang wika ni Perla.
"Alam mo ang pag ibig ay parang isang droga iyan, nakaka adik. Yung tipong masaya ka at hinahanap hanap mo na para kang naka high sa matinding ligaya. At pag nawala sa iyo ay maloka loka kaya mag hahanap kana naman ng bago," ang wika ni Aljan
"At para iyang bala ng baril kapag nasaktan ka. BANG! Dudugo ang puso mo pero ang masaklap ay buhay ka pa. Kaya ikaw Aljan mag aral kang mabuti hanggang may time ka pa," ang sagot ko naman.
"Tama, Love is like a bird in the sky." ang seryosong wika ni Aljan
"Ha? Saan naman galing iyon?" ang pag tataka ni Perla
"Sa akin. Tayong tatlo lang naman dito diba? Mema iquotation lang tungkol sa love." ang wika niya sabay "cheers namiss ko talaga kayong dalawang chaka doll kayo!!"
Itinaas namin ang bote "Cheers!"
Tuloy pa rin kami sa pag kain at pakikipag kwentuhan. "Noong una load lang ang hinihingi niya. 20 pesos, 30 pesos. Pang text, pang data. Happy na siya. Syempre ay masaya na rin ako basta mapasaya ko siya." muling entrada ni Aljan.
"Oh tapos?" ang tanong ko
"Syempre kapalit noon ay simpleng kaligayahan. Yung niyayakap yakap niya ako, hinahalik halikan. Tapos sinasabihan niya ako ng maganda at mabait, maganda at mabait, basta paulit ulit siya." ang kinikilig na wika nito
"Mabait lang, walang maganda! Baklang to, huwag mo nga kaming chinacharot at baka basagin ko sa face mo tong bote!" ang pag tutol ni Perla na halatang may amats na rin.
"Ok fine. Walang maganda. Mabait daw ako, saka mabait at mabait pa ulit. Basta paulit ulit siyang ganoon. Tapos binibigyan ko rin siya ng mga damit, sapatos at short. Mga bagong brief, pabango at kwintas. Tapos load ulit, pati nga pang ahit niya sa bulbol ay ako na rin ang bumibili at gumagawa."
"Tangina pala! Super market kaba? Napaka engot mo namang bakla ka," ang galit na wika ni Perla
"Hindi no, gusto ko lang siyang pasayahin. Kaso isang araw nakita ko siyang may kasamang babae! Nag yayakapan sa ilalim ng puno ng santol doon sa parke. Edi pinuntahan ko sila at sinita. Pinamili ko ang gago kung sino ang mas gusto niya sa amin!"
"Oh e sino pinili?" tanong ko
"Nag isip pa kunwari ang gago! Pero sa huli ay yung babae rin ang pinili niya!" ang galit na salita ni Aljan sabay hawak sa pakpak ng manok at kinagat ito. "Ang sakit ng ginawa niya sakin! Ginamit lang niya ako! Pinerahan, ginatasan. Hindi ko man lang masyadong naenjoy yung s*x namin kasi everytime na pina-f**k niya ako ay nag ffake c*m siya. Kunwari meron pero wala naman talaga,” ang pag iyak pa nito.
"Ngayon ka pa talaga nag drama? After all ng katanghan mo mula na Manila pabalik dito sa Baguio," tanong ulit ni Perla
"Ang sakit naman kasi! Hindi ko matanggap! Sabihin nyo sa akin ang totoo! Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then Why??!!" ang sigaw niya
"Puta wag kang sumigaw. Liza Soberano ba? Oo panget ka at talagang papalitan ka kapag patuloy kang nag lagay ng lipstick dyan sa labi mo, para kang clown! Sino ka si Anne Curtis? Tumigil kana nga!" ang sagot ni Perla
"Umibig lang naman ako. Bakit parang kasalanan ang mag mahal? Pero bakit sobrang sakit? Sana ay ipinako nyo nalang ako sa krus o kaya ay sinunog ng buhay!" ang umiiyak na wika ni Aljan
"Hala umabot sa ganyang level? Ikaw naman, bakit nag hahanap ng lalaking gusto ay babae? Talagang iiwan ka nila. Humanap ka ng lalaki na ang gusto ay lalaki rin para hindi ka nasasaktan. Napaka 80s naman kasi ng pag kabakla mo. Saka huwag sasama ang loob mo ha, sa panahon ngayon ang mga baklang paminta, ang gusto nila ay malalaki ang katawan, mga gwapo, mga borta at yung mga feymus sa social media. Ilang beses ko na rin itong sinabi dyan kay Lino. Iyon nga lang ay wa epek pa rin. Ngayon mayroon kang dalawang choice sa buhay mo Aljan ha, una maging borta at humanap ng mga lalaking paminta sa gym at ikalawa ay maging paminta ka rin at paminta rin ang hahanapin mo, kahit hindi masyadong macho, basta medyo matigas lang," ang pangaral ni Perla
"Oo nga e, iyan ang iniisip ko. Alam mo sabi sakin ng tito kong bakla noong 80's at 90's raw ang mga bakla ay magaganda, mga babaihan at talagang rampadora. Maraming hapon at intsik ang nag kakandarapa sa mga bakla noon. Pero ngayon? Ang mga bakla ay malalaki na ang katawan, lalaking lalaki, bortang borta. At napaka ggwapo! Iyon nga lang ay mahilig rin sila sa kapwa nila borta. Parang walang space para sa ating mga chakadudles." ang malungkot na wika ni Aljan
"Habang lumilipas ang panahon ay nag babago talaga ang persepsyon ng tao ukol sa kanyang paligid. Nasa saiyo na iyon kung gusto mong sumabay sa mga pag babagong iyon. Ang buhay ng tao ay maraming pintuan, iyon ay ang mga choices na ating gagawin. Kung ano man iyon, dapat ay naka handa kang harapin, pangatawanan at yakapin ang pag babago kaugnay ng mga bagay na pinili mo." ang sagot ko naman.
"Natural kailangan sumabay sa pag babago. Pero ano nga naman ang laban ko doon sa mga bortang malalaki ang katawan na bagong version ng salitang "bakla" ngayon?" ang tanong niya
"Hindi ko alam. Mahalin mo ang iyong sarili, bago ka mahalin ng iba. Mahalaga ang pisikal na anyo ng tao dahil iyan ang unang nakikita ng mata, pero hindi naman lahat ng tao ay tumitingin sa ganoong bagay. May mangilan-ngilan pa rin na ang hanap ay mabuting kalooban." paliwanag ko pa
"Talaga ba? Eh nasaan na kaya yung mga taong iyon?" ang tanong ni Aljan
"Nasa prehistoric era. Mga extinct na. Kung mayroon man ay baka nasa level na sila ng endangered species! O kung hindi man ay baka inabduct na sila ng aliens at itrinansfer sa ibang planeta,” ang pang aasar ko naman.
Natawa si Perla..
"Kayo talagang dalawa parati nyo nalang akong inaapi." pag mamaktol nito.
Umabot ng alas 6 ng hapon ang aming celebration. Kanina ay tig iisang bote lang kami hanggang sa nadagdagan na ito ng tig dadalawa pa. Tiyak na magagalit si Tita Pat nito. Dahil pinaka huli ang bahay namin ay muli akong nag short cut sa campus.
Pag daan ko sa waiting shed ay muli ko na namang nakita si Stephen, lasing ito at nakahandusay nalang doon.
Napakamot ako ng ulo at dito ay nag pasya akong lapitan ito. "Stephen, ayos ka lang ba?" ang tanong ko.
Ungol lang ang sinagot nito..
"Lasing na lasing ka ah. Gusto mo ba ay ihatid na kita sa inyo? Diba doon lang naman iyon sa kabilang subdivision, iyon ang pagkakatanda ko kasi naman noong gumawa tayo ng report ay doon mo lang ako sa tabing bukid dinala. Baka mapag tripan ka pa rito, alam mo naman pag sapit ng alas 8 ng gabi ay tambayan na ito ng mga gang." dagdag ko pa pero lupaypay ito at hindi na sumagot.
Tinawag ko ang guard na naka bantay sa campus at ipinag tanong kung saan naka tira itong si Stephen ngunit wala rin silang naibigay na impormasyon. Kaya naman tinawagan ko si Perla upang mang hingi ng tulong.
Pansamantala ay tumabi muna ako kay Stephen sa waiting area at pilit na kinakausap ito. "Bakit ba nag lalasing ka? Ano bang problema?" ang tanong ko
Tahimik lang..
Walang sagot..
"Ayy! Si Stephen nga!" ang wika ni Perla.
"Tulungan na nga natin siya. Saan ba natin siya pwedeng ihatid? Alam mo namang delikado sa area na ito." ang tanong ko. "Eh kung doon mo muna dalhin sa inyo?"
"Ha? Gaga! Edi namatay iyan sa amin! Bubugin ni tatay iyan at baka hindi na magising pa. Ban ang lalaki doon sa amin, wala kang ideya kung gaano ako iniingatan ng pamilya ko kaya nga laging duster at gown ang binibili nilang damit sa akin noh. Ikaw ang mag patuloy sa kanyang tutal naman mas crush mo siya at mas mataas na level ito!" ang wika ni Perla kaya tinakpan ko ang kanyang bibig. "Lasing lang ito at hindi bingi. Nauunawaan niya ang pinag uusapan natin. Ipapahamak mo pa ko e!" sagot ko naman
"Doon nalang sa inyo. Diba kayo lang naman ng tita mo doon? Halika na sasamahan na kita at ako na rin ang gagawa ng drama kung bakit lupaypay iyang si Pogi!" ang wika ni Perla at doon ay kapwa namin isinakay sa taxi ang walang laban na katawan ni Stephen.
Nag taka ang driver at nilingon kami..
"Hala! sir bakit walang malay iyan? Anong ginawa ninyo sa kanya? Naku, bakit parang inabuso iyan?" ang pang uusisa ng taxi driver
"Anong akala mo sa amin kidnaper? Lasing lang ito kaya walang malay. Ang OA mo kuya ha, mukha ba kaming hoodlum?"
"Pasensya na po, akala ko po kasi ay modus!"
"Gaga anong akala mo sa amin? Terorista?" asar na salita ni Perla.
Napakamot nalang ang driver at tila nahiya sa kanyang mga hirit. "Pasensiya na po mam at sir."
"Okay lang dyan lang kami sa kanto ha." utos naman ng aking kaibigan.
Pag dating sa bahay ay agad namin inalalayan si Stephen papasok. Dito ay agad kaming sinalubong ni Tita Pat.
At Para wala nang mahabang paliwanagan, agad na nag explain si Perla. Sinabi nito na classmate namin si Stephen at nalasing lang. Malayo ang tirahan nito kaya't hindi makauwi sa kanila.
Tinanggap naman ni Tita Pat ang aming paliwanag at dito nga pinatuloy niya si Stephen. Binigyan pa ito ng extrang kumot at unan upang makapag pahinga ng maayos.
Itutuloy..