Baka Sakali
AiTenshi
Part 16
"O bakit mag isa ka yata Stephen? Asan yung mga barkada mo?" tanong ni Perla.
"Wala e, mag isa nga lang ako. Ano ginawa niyo ditong dalawa? Nag lalasing yata ito si Troll?" tanong ko niya habang nakangiti.
"Yeah right! Ang totoo nun ay naglalasing talaga siya kasi broken hearted siya. Wasak na wasak ang puso ni nastimak! Fresh form heartache, fresh from sadness, ang kawawang si Lino na ang tanging kasalanan lang ay magmahal ng patahimik pero ngayon ay heto na siya, bumagsak ang mundo niya at baka mamatay na siya sa sobrang kalungkutan," ang sagot ni Perla.
“Kung ganoon ay kawawa naman pala itong si Lino, kaya pala sobrang tahimik niya at parang devastated ang itsura. Wag mong isipin iyong tol, gago yung nanakit sa iyo dahil hindi niya alam ang worth mo, isa kang matalinong tao at dapat maappreciate na iyon! Sino bang gagong babae iyan?” ang tanong ni Stephen.
“Wag na natin pag-usapan, basta gago siya, manhid, bulag at walang nakikita,” ang sagot ko naman sabay inum ulit ng alak.
“Bakit kailangan mong pumatol sa taong may disability? Wala ka bang makitang normal?” ang tanong ni Stephen.
“Slow ang lolo mo! Gwapo lang talaga at masarap tingnan.” ang bulong ni Perla sa akin.
“Mas masarap kasi mag mahal ng bulag atleast hindi niya nakikita kung gaano ako kapanget. Ang tao kapag nakita nilang panget ako ay aayaw na sila sa akin. Kaya mas magandang mahalin ang taong bulag,” ang literal kong sagot.
“Hindi mo dapat sinasabi ang ganyang bagay dahil espesyal ka sa iyong sariling pamamaraan, naiinggit nga ako sa iyo dahil sobrang talino mo,” ang wika ni Stephen sabay inom ng alak.
“Sige palit nalang tayo gusto mo, ako yung gwapo at sikat sa campus, tapos ikaw naman yung matalinong panget na laging tinatawag na palito at troll ng mga classmate mo. Ano gusto mo iyon?” ang tanong ko sabay inom ulit ng alak. “Ah e, siguro pwede rin pero pag iisipan ko muna,” ang sagot niya habang natatawa.
“Nakita mo na, edi umatras ka rin,” ang sagot ko naman.
“Pero nakakapanibago kang makipag-usap sa akin ngayon Lino, pakiramdam ko talaga ay galit ka sa akin, kasi dati ang lambing mo tapos pag kinakausap kita ay parang nahihiya ka. Pero ngayon parang naiinis ka kapag kinakausap kita. Hindi ko tuloy masabi sa iyo yung problema ko kaya nandito ako mag isa sa bar na ito at naglalasing,” ang wika niya
“Pero hindi ka naman mag isa Stephen, eto nga kami diba?” pag tataka ni Perla. “Ah e ang ibig kong sabihin ay mag-isa akong nagtungo dito, wala akong friends na kasama,”paglilinaw niya samantalang hindi naman ako kumikibo.
“Problema? Hulaan ko iyan, siguro ay nabuntis mo na si Boobsie kaya namomoblema ka ngayon,” ang panghuhula ni Perla dahilan para maubo ako at maibuga ko ang alak sa kanilang harapan.
“Ay! Ano ka ba Lino, be careful naman. Baka maya maya pati sipon mo ay mag-landing dito,”reklamo ni Perla.
“Ah si Stella ba? Break na kami kanina, hindi ko alam na boyfriend rin pala niya yung captain ng varsity sa campus nila, kaya noong nalaman ko ay nakipag hiwalay na agad ako dahil ayoko ng gusto. Saka nakantot ko naman siya ng dalawang beses sa kaya okay na iyon!” ang pagyayabang ni Stephen.
“Baka tiningnan lang niya kung kanino hotdog ang mas malaki, sa varsity captain ba ng campus natin o nila,” ang sagot ni Perla sabay tawa ng malakas. Ako naman ay tahimik lang at walang pakialam.
“Kaya single nanaman ako ngayon at nangako ako sa sarili ko na hindi na muna ako mag-sshota dahil ayoko na ma-stress,” ang wika niya.
“Wow naman, break na pala kayo ni Boobsie. Tiyak na good news iyan sa mga fans mo. Tiyak na maraming matutuwa dyan sa tabi tabi, diba Lino?” pang aasar ni Perla sa akin sabay kindat.
Hindi naman ako sumagot, itinaas ko lang ang baso ko at saka ako nakipag toss sa kanilang dalawa ni Perla. Tuloy ang aming pag inom, talagang inubos ko ang aking allowance para lang makalimot noong gabi iyon. Maganda ang musika sa paligid at buhay na buhay ito ngunit sa kabila ng kalabog at malakas na pagdagundong ng disco music ay bumigat ang talukap ng aking mata, nalasing ako ng husto at napagsubsob nalang sa lamesa kung saan kami nag iinom nila Stephen.
Wala akong naalala pa.
KINABUKASAN.
Pag mulat ng aking mata ay napansin ko alas 10 na pala ng umaga, ibayong sakit ng ulo ang aking naramdaman at kasabay nito ang malakas na sermon ni tita Pat, ano ka ba naman bata ka, hindi naman kita tinuruang magpakalasing diba? Alam mo bang halos sinukahan mo na itong buong bahay kagabi sa sobrang pagka groggy mo? Huwag kana ulit iinom dahil delikado iyon. Buti nalang at sina Perla ang kasama mo dahil hindi ka nila pinabayaan. Sa susunod ay ayoko nang makitang uuwi ka ng lasing dahil malilintikan ka talaga sa akin Lino. O nandyan si Perla sa baba may dalang pagkain, bumangon kana diyan, mag sipilyo, maghilamos at bumaba kana doon sa sala. Naku bata ka, habang lumalaki ay nagiging sakit ka ng ulo,” ang sermon ni Tita Pat, mahabang mahaba pa yung mga sinabi niya hindi ko na lamag pinakinggan ito.
Matapos mag ayos ng sarili ay bumaba ako sa sala kung saan naroon si Perla na may dalang isang bilaong pansit, masakit na masakit parin ang aking ulo at kada hakbang ko ay kumikirot ito na hindi ko maipaliwanag. “Good morning, kumusta ang tulog mo?” tanong niya sa akin, nakangiti at masayang masaya.
“Wala akong maalala e, basta nagising ako bumulaga na sa akin si tita Pat at ang kanyang pang Linggong sermon na masyadong advance kaya ibinanat niya sa akin kahit Biyernes palang. Teka, bakit parang sobrang saya mo yata?”
“Bakit? Dahil tagumpay ka kagabi, ikaw ang star of the night!” ang wika nito.
“Hay wala ka ba talagang matandaan o baka sinasadya mo lang na wala kang matandaan?” ang tanong niya.
“Seryoso ako Perla, wala nga akong matandaan, teka ano bang ginawa ko kagabi ha? Huwag mo sabihin hinalikan ko si Stephen sa lips?” ang wika ko naman may halong kaba.
“TUMPAK! Hinalikan mo nga siya sa lips,” ang wika nito kaya naman napahawak ako sa aking dibdib at napamura, “Putang ina! Totoo ba?” ang gulat kong tanong.
“Joke lang, walang ganon! Asa ka pa! Pero alam mo ba na siya ang umalalay sa iyo at siya rin ang naghatid sa iyo dito. Habang inaalalayan ka niya palabas ng bar ay sumuka sa marami, nasukahan mo ang tshirt niya kaya naman hinubad niya ito at noong isakay ka niya sa taxi ay nakasubsob ka sa chest niya habang siya naman ay yakap yakap ka. Para kayong bida sa BL series noong mga oras na iyon, sobrang ingat na ingat siya saiyo, samantalang ikaw ay nakasubsob lang na parang natutulog sa matipuno niya dibdib.
Alam mo Lino, I don’t know kung plinano mo ito, o sinadya mong magpakalasing para lang maging star ng pasko pero super effective nito alam mo ba iyon? kaya sa susunod, lahat ng mga kaklase natin at fans ni Stephen sa campus ay magpapakalasing na rin para lang alalayan sila, at ikaw ang nagsimula ng forbidden alchohol technique Lino. Ikaw ang Hokage ng kalandian kagabi! Winner ka at ikaw ang totoong star for a night!” ang wika ni Perla na hindi maitago ang nag-uumapaw na ligaya.
“Ginawa ko ba iyon kay Stephen? Anong sabi niya sa akin? Nagalit ba siya?” ang tanong ko sa kanya.
“Hmm, hindi naman siya nagalit, in fact awang awa nga siya sa iyo dahil para ka daw isang kuting na palaboy sa lansangan noong gabing iyon,” ang wika niya habang natatawa.
“Parang ayoko na tuloy makita si Stephen, parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya matapos ko siyang sukahan,” ang wika ko na may halong pag-alala.
“Ano ka ba Lino, okay lang kay Stephen iyon no, saka naconfirm ko nga na break na talaga sila ni Stella Araneta Jones at ang kapal ng mukha ng babaeng s**o na iyon, ginawa pa niyang third party at kabit si Stephen. Kaya ayun inaaway siya ng mga batla doon sa facebook.”
“Nagustuhan naman ni Stephen yun dahil ang mahalaga lang naman sa kaniya ay may mapasukan yung etits niya! Talagang pinagmalaki pa niya sa atin na naka kantot siya! Kiss and tell pala yung gago na iyan.”
“Alam mo Lino kaya ganyan kainit ang ulo ay dahil malinaw na malinaw na nagseselos ka, kaya ka nag lasing kagabi ay dahil dito. Pero imagine hindi naman kayo, hindi niya alam na gusto mo siya. Paano pag nareject ka na? Pag nalaman mong ayaw niya sa lalaki at walang chance na pumatol siya sa same s*x? Baka lang hindi paglalasing ang gagawin mo ha, baka naman maya maya ay tumalon kana doon sa bangin,” ang wika ni Perla habang kumukuha ng plato at tinidor para pansit.
“Wala sa isip ko iyon, mag aaral nalang akong mabuti at lalayo dito sa Baguio,” ang sagot ko.
“At saan ka naman pupunta aber?” tanong ni Perla.
“Doon sa Nueva Ecija, doon muna ako titira sa mga kamag-anak ko sa bayan ng Bibiclat Aliaga, mas tahimik doon, mas malayo kay Stephen,” ang sagot ko naman.
“Mainit sa Nueva Ecija alam mo ba iyon? Lalo na sa Cabanatuan City! The last time nag punta ako diyan ay nahilo ako doon sa Crossing sa tapat ng Mcdonalds, buti nalang dahil gwapo guard doon at tinulungan ako,” ang hirit ni Perla.
“Teka, kumusta naman si Stephen matapos ang breakup nila ni Stella? Sayang ang 189 hours na mag kasama sila at pinagsasaluhan ang maliligayang sandali,” ang tanong ko naman.
“Okay naman siya, parang wala lang e, nag post pa nga selfie niyang naka hubad bago matulog kagabi. Bakit ba kasi hindi kayo friend sa sss?”
“Nag padala akong friend request noon, kaso one week na hindi pa niya inaaccept ka inalis ko nalang,” ang sagot ko naman.
“Bakit di mo siya padalan ng friend request ngayon, tutal close na kayong dalawa dahil sinukahan mo na siya,” ang pang aasar nito.
“Hindi na, okay na ako, baka hindi lang talaga siya nag aaccept ng mga lalaking friends, kumain na nga lang tayong dalawa, grabe sumasakit pa rin ang ulo.” ang daing ko habang nakadukdok sa lamesa.
Matapos kaming kumain ni Perla ay gumawa naman kaming dalawa ng term paper, kahit next week pa ang pasa nito ay talagang ginagawa namin ng maaga para hindi na kami matambakan pa pag dating sem ender.
Mabilis lang naman ang panahon, parang kahapon lang ay pasukan pala ngayon tapos nanaman ng semester. Wala namang pagbabago sa akin sa bakasyon, uubusin ko lang ito sa pag tulong kay Tita Pat at sa pagbabasa ng bxb story sa online. Dahil bukod kay Stephen ay ito ang mga bagay na nagpapasaya sa akin.
Itutuloy..