Part 15

2616 Words
Baka Sakali AiTenshi Part 15 "Malapit nanaman mag tapos ang semester, so anong plano mo sa bakasyon?" tanong sa akin ni Perla. "Wala, dating gawi, tatambay sa palengke magtitinda, mag pa-partime na tourist guide sa mag kano at intsik para makaipon, ikaw?" tanong ko rin. "Magpapaganda, tapos maghahanap ng boyfriend na matino at hindi bakla," ang sagot niya habang naglalakad papunta sa gym. "Ikaw yung madalas nagbabasa ng bxb stories diba? Dapat ikaw yung malakas ang radar sa ating dalawa," ang tugon ko naman. "Sus, ang hirap naman kasing madetect kung sino paminta, yung bakla at yung straight no, kasi matitigas na silang kumilos ngayon at yung iba ay no trace na talaga. Yung iba naman ay sadyang nanliligaw ng babae para gawing cover girl at mapagtakpan yung mga malalansang buntot nila. Tulad mo diba? No trace, hindi nila mamalaman na lalaki rin ang hanap mo." "Pero hind naman ako nakikipag jowa sa babae para gawin silang cover girl. Sadyang comfortable nalang ako sa ganitong set up ng aking pagkatao. Wala akong babaguhing kahit ano," ang sagot ko naman. "Wow, congratulations Miss South Africa for the winning answer!" ang pang-aasar naman ni Perla. Pag pasok namin sa gym ay naupo kami sa ikatlong hanay ng bleacher at saka pinananood sila Stephen na magpractice ng basketball. Bukod sa amin ay may ibang estudyante dito lalo na yung ibang beki na fans ni Stephen na parang mga anino kahit kahit saan mag punta ang iniidolo nila ay nandoon rin sila. Nag tatakbo ng mabilis si Stephen sa kabilang ring at buong lakas na idinaldak ang bola sa ring ng kalaban, slam dunk ala Rukawa ang kanyang ginawa, kitang kita ang pawis sa kanyang katawan at ang kanyang malagong buhok sa kili-kili habang nakakapit sa ring ng katunggali, galit na galit ang muscles sa kanyang braso na lalo pang nagpasexy sa kanya. Tilian ang mga beki at babaeng taga hanga niya sa buong gym, ang iba ay tumayo para mag cheer. Ako naman ay napa palakpak lang habang pinagmamasdan siyang hingal na hingal sa kanyang pagpapakitang gilas. “Ang galing talaga ni papa Stephen no? Tapos parang sarap sarap pang dilaan ng pawis niya sa katawan, kung ako ang girlfriend niyan ay mag papa buntis na ako agad, ura-urada walang second thought!” ang maaarteng wika ng beking bata sa likuran. Tumingin sa kanila si Perla, “Hindi ka mabubuntis no, asa ka pa. Kung lalaki ang tiyan mo malamang ay tae lang iyan na naipon sa bituka mo.” “Ay ang bitter naman ni mamush, siguro iniwan ng jowa niya kaya ganyan sya kabitter saka tingnan mo naman parang ang tanda na niyang beki, parang hirap na hirap siya sa buhay niya,” ang bulong ng isa sa kanyang kasama. “Excuse me babae talaga ako no!” ang mataray na wika ni Perla. “Ay sorry po tita, mukha po kasi kayong bakla,” ang hirit ng isa tapos ay nag tawanan sila. “Alam Lino, kung hindi lang ako tinatamad manabunot ng dalawang batang baklita ngayon araw ay baka nakabuena mano na sa akin ito dalawa dilis na ito,” ang bulong ni Perla. “Hayaan mo na kasi, huwag mo nalang pansinin, alam mo naman na dominating ang bilang mga batang bakla dito sa campus lalo na doon sa high school mukang nagkahawa hawa na sila doon,” ang bulong ko rin kay Perla. Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag pasok ng isang babae sa gym, nakasuot ng sexing uniform. Hanggang legs lang at medyo nakabukas ang kanyang butones hanggang dibdib na parang isang japanese hentai. Batid namin na taga doon siya kabilang bayan dahil ang kanyang uniform ay pang private. Kasama niyang pumasok ang dalawa niyang kaibigan na parang takot na takot tumapak sa public gymnasium ng aming paaralan. “Tama nga yung usapan nila, huhuhu, may gf na si Stephen, siya Stella Araneta Jones. Yung nanalong body beautiful sa SM noong nakaraang linggo. Nakita sila ng friendship naming na nag dadate at kumakain doon sa Mines View! Sabi na nga kaya laging puyat si Papa Stephen ay dahil umeeut siya ng babaeng di naman masyadong maganda!” ang wika mga beki sa likod na may halong inggit at pagkainis. Si Perla naman napahawak sa kanyang dibdib, “Gosh, ang laki naman ng kanya, parang fake giggling t**s!” ang wika nito at tumayo siya para maglakad din, sinubukan niyang ikaldag ang kanyang s**o pero wala talaga. “Mama, wag mo na ipush, ayaw talaga. Tanggapin mo nalang na para kang troso at isang living plywood,” ang pagbasag ng beki doon sa gawing itaas. “Bakit ang laki laki ng kanya? Baket?!” ang pag iyak ni Perla na parang nawalan ng moral sa sarili. Maganda si Stella, sexy pa, matangkad at modelong modelo ang datingan, ang lahat ng mga tao sa gym lalo na yung mga kateam ni Stephen ay napa “WOAHH!” at napa “WOW!” anong makita ito, lahat sila ay parang mga tutang nakatulo ang laway habang pinagmamasdan ang dalaga na lumakad patungo sa kanila. “Putang ina swerte ni Stephen pare, ganda ng shota ng gago!” ang wika ng mga lalaking student sa aming harapan. Tila nakaramdam ako ng kakaibang pagkainis noong mga sandaling iyon, para bang nasaktan ako lalo na noong lumapit ang babae kay Stephen at pinunasan ang kanyang mga muscles at mukha gamit ang hawak na towel. Nag kiss pa sila ng smack kaya kinilig ang lahat sa loob ng gymnasium. “HINDEEEEE!!” ang malakas kong sigaw dahilan para mapatingin lahat sa akin. Pati ako ay nagulat sa aking ginawa. Sana lang ay hindi ito totoo, sana lang ay nag daydreaming lang ako pero hindi e, literal na sumigaw ako at totoo ito. Umagaw ako ng eksena pati sila Stephen ay nakatingin sa akin. Dahil sa pagkabigla ay agad akong tumayo at nagtatakbo palabas ng gym. “Hala si koya beki pala yun, may gusto rink ay Stephen ay hindi niya kinaya ang sakit. Kawawa naman!” ang wika ng mga beki na dinadaanan ko. Pero hindi ko na sila pinansin daw. Dahil sa matinding pagkahiya ay nagtatakbo ako palabas ng campus at naupo nalang sa waiting area. Wala kasi talaga akong pasok ngayon, sana ay nag stay nalang ako sa bahay ay hindi na simulay pa kay Stephen, sana ay hindi ko nasaksihan yung mga bagay na iyon. Wala tuloy akong nagawa kundi ang nahimik nalang at tumingin sa kalsada habang pinapanood ang mga taong nagdaraanan. “Bakit ba kasi sumigaw ka ng ganon? Para kang niloko ni Stephen ah, dinaig mo pa yung mga batang beki na nagluluksa at umiiyak ng patahimik doon sa loob ng gym, saka don’t worry hindi lang naman ikaw ang nagwalk out dahil umalis rin yung ibang fans ni Stephen matapos malamang may jowa na pala itong isang bikini open champion. Grabe ang laki laki ng s**o niya, kaya naman pala parang laging busog si Stephen ay dahil lagi itong na b-breast feed!” ang hirit ni Perla. Hindi ko maiwasang mag-mukmok.. “Kawawa ka naman friend. Sobrang paghihirap na ang ibinabato ng mapaglarong tadhanan sa iyo. Biruin mo crush na nga tapos brokenhearted ka pa,” ang malungkot na wika ni Perla habang pinagmamasdan ang boobs niya at pilit itong pinapakaldag pero wala talaga. “Alam mo someday lalaki rin ang boobs ko at lahat ng taong nag sabing otap ako, buhay na flywood at parang troso ay magbabayad sila.” ang wika nito sabay hila sa akin patayo. “Umalis na nga tayo dito, hindi ko masyadong feel ang tumambay dito ngayon dahil baka makita pa natin si Stella Aranet Jones!” ang dagdag pa niya at habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya naman paglabas ni Stephen at Stella, nakatayo ito sa aming tabi. “Hoy Troll, bakit ba sumigaw ka kanina? May problema ka ba?” ang tanong ko naman. “Ah e ano, hindi ko kasi nakuha yung pinaorder ni tita Pat doon sa kaibigan niya, tiyak na magagalit sa akin iyon,” ang palusot ko nalang. “Ah ganoon ba, nga pala si Stella, gf ko. One week palang kami at going strong naman,” ang wika ni Stephen habang nakangiti. “Ganoon ba, happy one weeksary sa inyo at best wishes!” ang wika ko naman sabay akay kay Perla pasakay sa taxi. “Hmm, ikaw nga Lino huwag kang masyadong bitter, masyadong mataray yung pagkakabati mo sa kanila, parang hindi ka sports! Anyway malaki talaga ang s**o ni Stella, saka parang wala siyang suot na bra kaya tumalbog talbog yung boobs niya habang naglalakad,” ang hirit ni Perla. “Buti nalang nasa wastong pag iisip pa ako, pumasok nga sa utak ko kanina na tusukin ng perdible yung boobs ng girlfriend niya no, parang puro hangin yung laman nito at parang mabilis na iimpis. Arrghh ayokong isipin na magkasama sila ni Stephen ngayon baka kung ano na ang ginagawa nila,” ang wika ko naman. “Well, yan ang mga bagay na wala tayong magagawa, kahit mag s*x sila buong mag hapon ay legal iyon dahil may relasyon sila. Ikaw nga diba? Nagsex kayo ni Peter kahit di naman kayo. Sila pa kaya e mayroon silang commitment. Tanggapin nalang natin ang reality na may mga bagay na hanggang tingin lang talaga. Parang yung mga bituin lang akin, parang malapit pero sobran layo noon. May mga bagay na sobrang close pero malayong malayo pa rin! At yung mga bagay na iyon ay tinatawag na suntok sa buwan. Imagine ilan kayong may crush at humahanga kay Stephen? Bati mga batang bakla ay kalaban mo, yung mga babae ay kalaban mo rin, pati yung ibang pamintang prof natin ay kalaban mo rin. Wala tayong magagawa dahil tayo ay fan lamang at dapat ay alam mo ito,” ang paliwanag ni Perla. "Iyon na nga e, hahanap ako ng bagong kaibigan sa online pero bigo ako dahil choosy sila at di nila gusto yung itsura ko kaya nasasaktan ako rejection. Kapag naging vocal na gusto ko yung isang ay sasabihin niyang hindi niya ako gusto at ang ending ay panibagong sakit nanaman iyon para sa akin. At ngayon pinili kong manahimik, humanga ng patahimik, magmahal ng patahimik pero mas masakit pala ito. Wala akong takas sa sumpang dala ng sakit at kahit saan ako mag punta ay masasaktan at masasaktan ako," ang wika ko naman. "Kung alam mo na pala na lagi kang nasasaktan dapat ay matapang kana ngayon. Alam mo hijo walang gamot sa sakit kundi ang pag iwas sa mga bagay na nag bibigay ng sakit sa iyo. Kung nag-eenjoy ka na laging nasasaktan malamang ay isa kang masukista," ang wika ng driver ng taxi. "Hindi naman masukista, nagkataon lang na kahit saang anggulo ng buhay ay talo ako lagi." "O edi ienjoy mo ang pagiging talunan. Para kapag nanalo ay para kang nakalutang sa alapaap. Ako nga gusto kong laging natatalo para kapag nanalo ako iyon ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat," ang wika niya habang nakangiti. "Nakita mo na, iyon ang patunay na ang buhay ng tao ay hindi laging masaya. Aba swerte kana sa career mo sa school. Hindi lahat ng bagay ay umaayon sa ating kagustuhan. Mag ayos ka naman kasi ng sarili, yung derma soap ginagamit mo ba? Gamitin mo ng gamitin para pumusyaw iyan balat mo," ang wika ni Perla sabay akbay sa akin. "Tingnan mo nga hijo, napaka-supportive ng tita mo," ang nakangiting wika ng driver dahilan para matawa ako. "Manong kaklase niya ako at mag kasing edad lang kami! Hindi ako tita! Imbyerna ka ha!" "Ah e pasensiya na hija, kasi naman yang mga kasing edad niyo na naisasakay ko ay talagang maiiksi ang mga suot ng damit. Lahat ay may kulay ang buhok at nasa trend. Ikaw ay manang at nakabestida ka ng lagpas tuhod. Pero maganda ka naman ka naman hija. Maniwala ka sa nanay mo," ang wika ng driver. "Alam mo manong kung di ka lang kasi edad ng lolo ko ay baka binugbog na kita, anyway patabi nalang po dyan sa Mines View Park at mag eemote pa itong kaibigan ko," ang wika ni Perla. "Maraming bar dyan na pwede ang mga students. Mag libang kayong dalawa at magpakasaya," ang wika ng driver. "Salamat po manong, ingat po kayo," ang wika ko naman habang nakangiti, bumaba kami ng taxi ni Perla at umupo sa isang pahinga sa ilalim ng puno. Ako naman ay nakatahimik lang at pinagmamasdan ang mga taong namimili ng mga pasalubong sa kanilang pamilya. "Tapatin mo nga ako Lino, mukha ba talaga akong tita o babaeng may anak na?" tanong ni Perla. Tumingin ako sa kanya, "hindi naman, siguro ay nasanay nalang ang mata ko na ganyang ang itsura at style mo kaya bale wala nalang ito sa akin at sa mga kaklase natin. Pero siguro yung ibang taong ngayon ka palang nakita ay nagkakamali ay iyon ang nasasabi nila," ang sagot ko sa kanya, "pero dont get me wrong ha, mabait, matalino at mabait at matalino," ang dagdag ko pa. "Paulit ulit ka naman. Yung salitang maganda? Hindi mo ba isasama? Hindi ko ba deserve ang salita na iyon?" "Deserve siyempre, maganda ka sa mga taong nagmamahal sa iyo katulad namin. Saka maganda ang kalooban mo na siyang nag rereflect sa personality mo," ang safe kong sagot. "Salamat frend ha, alam mo ba minsan napapagod na akong maging chararat. Ikaw napapagod kana rin ba?" tanong niya sa akin "Hindi ah, hindi naman ako chararat, huwag mo nga akong idamay Perla," ang pagtanggi ko. "Basag ka naman e," pagmamaktol niya. KINAGABIHAN. Alas 7 ng gabi noong magpasya kami ni Perla na mag tungo sa Bar, gusto kong makinig ng live band, gusto kong uminom ng alak dahil tiyak na hindi agad ako makakatulog nito dahil sumasagi pa rin si Stephen sa akin isipan. "Mag hapon silang magkasama ng babaeng iyon, im sure nakasubsob na iyon sa s**o ni Stella ngayong mga oras na ito," ang wika ni Perla "Lalaki si Stephen at gagawin niya ang lahat ng gusto niyang gawin. Kaya nga nag decide ako na iwasan nalang siya at ibaling sa iba yung paghanga ko," ang sagot ko naman. "100x na sinabi ni Jopet iyan doon sa nobela ni Ai Tenshi na Imbisibol pero in the end ay hindi pa rin niya magawang umiwas kay Rycen Paul. Huwag ka na nga mag salita ng tapos, basta gawin mo nalang. Bumalik sa dating site at mag baka sakali na maka kilala ulit ng bago. Ganoon talaga try and try. Malay mo matiyempuhan mo yung isa sa isang libo na taglay ang pure heart yung hindi ka lolokohin, hindi ka mabibiktima ng KKK at hindi ka makakantot kalimot," ang tugon ni Perla sabay cheers. "Sabi nga sakin ni HornyPeter ang paghahanap ng seryoso at matinong tao sa dating apps ay suntok sa buwan. Para daw akong nag hahanap ng karne sa tindahan ng hardware!" "Kung sa bagay totoo iyan, kahit kaming mga babae ay hirap ring humanap ng matinong lalaki. Meron naman mga matatanda, mga tatay na naghahanap ng kabit at malilibog na ang gusto lang ay makipag s*x. Kaya ako? Hindi na talaga pumapatol sa mga dating apps na ganyan," ang pag mamaganda ni Perla sabay kindat sa lalaki sa kabilang table. Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag dating si Stephen sa bar kung saan kami naroon ni Perla, mag isa lang ito at tumingin ng lamesang pwedeng umupuan. Noong makita niya kami ni Perla ay kumaway ito sa amin, dineadma ko naman siya na parang wala akong nakita kaya si Perla ang kumaway sa kanya at niyaya siya sa aming tabi. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD