Baka Sakali AiTenshi Nov 19, 2017 Part 30 Nag simula ang bagong yugto ng samahan namin ni Stephen. Halos isang linggo na ang nakalipas mag buhat noong mag bago ang aming set up. Ngayon ay masasabi kong mag kasintahan na kami iyon nga lang ay pilit namin itong itinatago. Kapag nasa school ay dating gawi pa rin, ordinaryo ang aming kilos ay gayon rin ang aming samahan. Mag kabarkada at mag kaibigan, iyon ang aming naka sanayan upang iwas usap. Ngunit kapag kaming dalawa lang ay walang kapantay na lambingan at pag mamahalan ang aming pinag sasaluhan. Bawat araw ay ginagawa kong espesyal at kahit na kailan ay hindi ko nakalimutan na ituring siyang priority. Nais ko kasing alagaan ang aming relasyon dahil batid kong hindi ako makakahanap ng katulad niya at hindi na ako mag mamaha