Baka Sakali AiTenshi Part 29 Ilang linggo ang lumipas, nasa kalagitnaan na kami ng semester at papasok na rin ang tag ulan. Iyan ang pinaka ayokong panahon dahil balot ito ng kalungkutan. Kasabay ng malamig na pag bagsak ng patak nito ay ang pag babago ng landas at desisyon na aming kinakaharap. At iyon ang bagay hindi ko mapipigilan kahit na anong gawin ko. "Aalis ka? Kailan?" ang tanong ko habang naka upo sa hallway ng ospital katabi si Perla "Oo, kailangan kong mag trabaho at kumita ng pera para masuportahan si papa. Halos na benta na rin namin ang ilang sakahan namin para may maipang bayad sa ospital." "Paanong pag aaral mo Perla? Kaunti nalang, halos isang semester nalang matatapos na tayo diba?" tanong ko Natahimik ito at nailing. "Hahabol nalang ako, wala namang pinipiling eda