Baka Sakali AiTenshi Part 28 "Teka ano bang sinasabi mo troll? Maayos naman tayong dalawa diba?" tanong ni Stephen habang lumalakad patungo sa akin. Hinawakan niya ang aking buhok at ginusot ito. "Ano bang iniisip mo? Masaya naman tayong dalawa diba? Basta kung ano man yung nandito sa loob ng aking puso ay masaya ako dahil nararamdaman ko ito. Masaya ka ba?" ang tanong niya habang nakatitig sa aking mata. "Masaya ako ngunit may takot rin, dahil baka isang araw ay huminto ito at mawala ang mga kaligayahang nakasanayan ko." tugon ko na hindi maitago ang pag aalala. "Masyado ka lang nag alala, ang kaligayahan ay hindi basta basta nawawala hangga't hindi mo ito iniaalis sa iyong puso. Sa ngayon ay masaya akong nandito ka, masaya ako na kasama ka." ang nakangiti niyang tugon. Natahimik a