Baka Sakali
AiTenshi
Part 27
"Oh bakit umiiyak ka?" ang tanong ko noong makita si Aljan sa hallway.
"Wala ito, okay lang ako frend." ang wika niya habang nag pupunas ng luha.
Tumabi ako sa kanya at napahinga ng malalim. "Baliw baliwan Aljan? Umiiyak ng walang dahilan?" ang tanong ko
"Nasaktan lang ako frend. Niloko kasi ako at inisahan." ang sagot niya
"Niloko at inisahan? Bakit? Paano?" pag tataka ko
"Eh kasi may nakilala akong lalaki, sweet siya sa akin kaya na fall ako sa kanya. Tapos syempre lambingan, landian, harutan kami hanggang sa makuha niya ang pag katao ko. Alam mo s*x to da max ang peg namin, hindi naman mawawala iyon hano."
"Oh tapos?"
"Edi ayon sa dalas ng pag sesex namin na fall ako sa kanya, hulog na hulog, ibig na ibig at adik na adik. Hanggang sa nag expect ako na adik na adik rin siya sa akin."
"s*x to d max kayo tapos ay hindi pa siya naadik sa iyo? Eh baka naman hindi lang kayo nag kaintindihan."
"Iyon na nga Lino, hindi kami nag kaintindihan. Ako ay ibig na ibig na sa kanya, yung tipong gusto ko na siyang yayain ng kasal, yung tipong kulang nalang ay sabihin kong buntis ako dahil sa dalas ng s*x naming dalawa. Nainlove ako ng sagad to d max sa buto. Eh kaso hindi naman pala ganoon ang feelings niya sa akin. Tawag lang ng laman, inshort ay "FUBU" lang niya ako." umiiyak na wika niya
"FUBU? Ano naman iyon?" ang tanong ko
"Ano ka ba? 2017 na hindi mo pa alam ang term na iyon? Fubu ay "f**k buddy" o "f*****g buddy". Yung s*x na walang commitment, libog lang, parausan. Yung lagi kayong mag kasex, nag hahalikan, nag yayakapan pero wala kayong relasyon. Magulong usapan at malabo pa sa maduming tubig doon sa ilog Pasig!" ang humahagulgol na wika niya.
"Kung ganoon ay hindi ka inisahan, naramihan ka." ang tugon ko.
"Yun na nga e, gamitan lang, tawag lang ng laman. Kaya ikaw Lino ha, kung makikipag s*x ka siguraduhin mong mahal ka at may commitment kayo, yung MALINAW na usapan! Baka maya maya ay magaya ka sa akin na ginamit lang, sinaktan, inalipusta, niyurakan at sinira ang kinabukasan." patuloy niyang pag iyak.
"Ano ka r**e victim? Tigilan mo nga ako. Huwag kana umiyak at umpisahan mo nang buuin ang sarili mo. Teka asan ba iyan si Perla? Kahapon pa hindi pumapasok ah." pag tataka naman.
"Aba e, baka itinanan na nung kameet niya. Alam mo naman may saltik rin yung babaeng iyon." sagot ni Aljan.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakita ko naman si Stephen na nag lalakad sa ground kasama ng kanyang mga kabarkada. Naka sumbrero ito at tinakpan ang kanyang semi bald na buhok. Masayang masaya sila na nag tungo sa canteen para tumambay katulad ng kanilang nakagawian.
Tahimik..
Tila ba nakaramdam ako ng kung anong mabigat na bagay sa aking dibdib habang pinag mamasdan ko ang kanyang pag lalakad. Gusto ko mang ideny sa aking sarili na ang nangyayari kay Aljan at sa akin ay parehas lamang, ngunit hindi ko ito magawa dahil iyon ay isa sa katotohanang nag huhumiyaw. Nagagamit rin ako ni Stephen at hindi ko alam kung ano ang aking lugar sa kanyang buhay.
Sa kabilang banda, iyon ang mga sikretong pilit kong inililihim. Ang mga bagay na iyon ay tanging para sa amin lamang ni Stephen.
"Hoy Lino, kailangan ba talaga nakamasid ka habang pumapasok ng canteen sina papa Stephen?" ang tanong ni Aljan habang inuuga ako
"Ano yon? May sinasabi ka ba?" tanong ko naman
"Ang sabi ko kanina ay dalawin natin si Perla sa kanila. Baka may sakit siya kaya dalawang araw nang hindi pumapasok." tugon niya
"Edi sige, mamaya pag katapos ng klase ay puntahan natin siya." ang naka ngiti kong tugon bagamat ang aking tingin ay nasa canteen kung saan naroon si Stephen na may hawak ng gitara abala sa pag kalabit nito.
At katulad nga ng set up, alas 4 ng hapon noong pag pasya kaming mag tungo kila Perla upang bisitahin ito. Dala namin ang paborito niyang brownies at isang boteng softdrinks.
"Kayo pala mga hijo, si Perla ay nandoon sa kabilang kanto. Doon sa bahay ng lola niya. Wala kasing kasama ang matanda kaya't pansamantala ay doon muna siya nananatili." ang wika ng ina ni Perla habang abala sa pag wawalis.
"Yung bahay po ba ng lola niya ay yung nasa gawing kanan? Yung medyo luma na parang antigo na noon pang panahon ng hapon?" ang tanong ni Aljan
"Oo hijo, iyon nga. Bakit?" ang tanong ng nanay ni Perla
"Yung maraming multo at pugot na ulo sa tarangkahan?" ang hirit pa niya
"Ay susmaryosep ka naman hijo, walang multo doon. Kakabendisyon lang ng bahay na iyon noong nakaraang araw. O siya mag lakad na kayo bago pa kumagat ang dalim." ang sagot ng nanay.
Natawa ako. "Pasensya na po tita, alam nyo naman pong palabiro itong si Aljan."
"Hindi ako nag bibiro frend, talagang may nag mumulto doon." ang pag pupumilit nito kaya naman hinatak ko nalang siya palayo sa naka kunot noong ina ni Perla.
Nag lakad kami patungo sa kanto kung saan naroon ang bahay ng lola ni Perla. Sa malayo palang ay makikita mo na ang itsura nito na mayroong dalawang palapag na gawa sa lumang kahoy at lumang desenyo. Ang bintana ay gawa sa capiz at ang mga haligi ay may mga desenyong hindi mo mawari. May ilang pelikula na ginamit itong location para sa horror themed katulad ng "Babae sa Atik, Tiyanak in the City, at Patayin sa Tawa si Barbara." Kaya isa itong tourist attraction para sa mga adventurous na traveller.
"Teka, bukas naman ang pinto. Pumasok na tayo." ang wika ko noong makitang naka awang ang pintuan sa sala.
"Kailangan ba talaga ay pumasok?" ang tanong niya
"Oo naman. Alam mo sa mga horror na pelikula, kung saan may multo at may nakakatakot na lugar ay doon pupunta ang mga tangang bida para takutin ang sarili nila." ang wika ko habang pumapasok.
Maya maya ay biglang napa kapit sa akin si Aljan. "Aahhhhhh!!! Multo!!" ang sigaw nito
"Gago! Salamin iyan! Sarili mo yung nakita mo!" ang sagot ko sabay takip sa kanyang bibig.
"Ahay akala ko multo na. Minsan talaga nasshock ako sa itsura ko."
"Kaya nga dapat ay masanay kana." pang aasar ko sabay hitak sa kanya papunta sa hagdan.
"Lumang hagdanan talaga? Creepy ha. Baka maya maya ay bumaba dyan si the grudge o si the ring."
"Ano kaba, sa mga pelikula lang iyon. Mga international na ghost iyon, mga gumagapang, sumasabit sa kisame, lumalabas sa kumot o sa aircon pa. Kapag dito sa local ang mga multo ay magaganda at nagiging kaibigan sa dulo ng pelikula. Friendly ang ghost dito sa Pinas!" tugon ko
"Ay ang husay naman pala ang mga multo dito, friendly talaga ang mga pinoy!" pag ka mangha niya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay napukaw ang aming atensyon sa itaas ng hagdan kung saan nag sisimula itong lumangitngit.
"Hala, bakit parang may tao doon sa itaas." ang tanong ni Aljan
"Asan ba?" ang tanong ko rin habang naka tanaw sa itaas ng hagdan.
Tahimik..
Maya maya ay mas lalo pang lumakas ang langitngit ng kahoy sa itaas at mula dito ay biglang may lumabas na babaeng gumagapang. Gulo gulo ang buhok nito na parang ginahasa ng isang daang beses. Umuunggol ito na parang yung multo doon sa japanese horror movie na "The Grudge."
Natakot si Aljan at napa atras ito. Maging ako ay binalot rin ng kilabot. "Hala eh bakit may ganyan? Gumagapang ang lola mo! Umaalis na tayo dito!!" sigaw ng aking kasama.
Agad kong dinampot ang brownies at bote ng softdrinks saka ko hinatak si Aljan palayo sa hagdan kung saan may babaeng gumagapang pababa.
Patuloy ito sa pag gapang hanggang sa maya maya ay bigla itong mag salita "Hoy mga bakla, tulungan ninyo ako, pinupulikat ang binti ko. Mamatay na yata ako!" ang sigaw nito sabay hawi sa kanyang buhok.
"Ayy aswang!!" ang sigaw ni Aljan noong makita ang mukha ni Perla
"Gaga! Tulungan nyo nga ako dito! Kanina pa ako pinupulikat, mababali na yata ang binti ko." ang pag iyak nito kaya naman agad akong umakyat upang buhatin si Perla at imasahe ang binti nito.
"Bakit ba kasi ganyan ang itsura mo? r**e victim ka ba? Saka bakit dalawang araw ka nang hindi pumapasok?" tanong ko naman
Umayos ito ng upo at humarap sa akin. "Eh nadipress ako e."
"Para yun lang? Hindi kana pumasok?" pag tataka ko
"Oh bakit? Kapag dipress hindi na pwedeng umabsent? Na broken hearted ako, nasaktan ako kaya hindi ako pumasok. Bakit ba kasi hindi valid na excuse sa mga paaralan ang broken heart? Eh mas masakit pa iyan sa headache at ulcer noh!" ang reklamo nito.
"Teka nga muna bakla, paano ka naman na broken heart aber? Hindi ba't long distance kayong dalawa ng kalandian mo sa social media?" tanong ni Aljan
"Bakit porket long distance hindi na pwedeng mag mahal?" tanong niya
"Eh pwede naman, kaso ang tanong kung worth it ba iyang pag mamahal mo lalo't long distance kayong dalawa. Ang ibig kong sabihin ay kung faithful ba siya o hindi ka lolokohin." paliwanag ko
"Eh iyon na nga, noong hindi ko naibigay ang gusto niya ay nag hanap ng iba. At ngayon ay in a relationship na siya! Hindi ko kaya masakit talaga, ang sakit sakit! Minsan na nga lang ako umibig sa isang tunay na lalaki ay lolokohin pa ako! Nakaka inis namang buhay to, kung hindi bakla ang magugustuhan ko at lalaking manloloko naman." pag atungal ni Perla ng iyak.
"Paano ka nga niloko bakla?" hirit na tanong ni Aljan
"Kasi ganito iyon, makinig kayo ha. Monoloque ito." ang wika nito nito habang naka tingin sa lumang kisame.
"Ano flashback na ba?" ang tanong ni Aljan.
"Hindi, monoloque nga diba? Mag sasalita lang ako with feelings. Kasi nga isang araw nag yaya siyang makipag video call sa akin. Edi syempre masaya ako kaya naman nag pa parlor pa ako at nag pa ayos ng pez para maging presitable sa kanyang paningin kahit video call. Nag pa bango rin ako kahit di nya maayos basta dapat mukha akong mabango that time. Nag paload pa ko ng pang data yung 1G para matagal tagal ang usapan. Edi nag start na nga kaming mag video call. Ang sabi nya maganda raw ako at mabait pa. Maganda at mabait pa. Basta paulit ulit siya sabay tungga ng alak." kwento ni Perla
"Eh kaya sinabing maganda ka kasi nga lasing!" hirit ni Aljan
"Sandali muna kasi bakla, hindi pa tapos. Edi ayun nga nag pacute ako, nag kumustahan kami, tanungan lang, getting to know lang muna. Tapos maya maya ang sabi niya sa akin ay "bakit parang iba yung boobs mo sa picture kesa sa video? Parang mas maliit sa dito?" Syempre sumagot ako "Eh hindi naman kasi pang sexy ang suot kong damit ngayon".
Tumango lang siya tapos maya maya sabi niya ay "oh alisin mo na iyang damit mo. Nag iinit na ako."
"Teka bakit may ganyan? Parang hindi yata ako sanay sa ganito gawain."
"Okay lang iyan, pakita mo na sakin ang s**o mo kung totoo ngang walang edit iyan. Kung totoo ngang worth 200 likes iyan." pag pupumilit niya
"Hala, wag naman. Kahit naman ganito ako ay hindi ako marunong mag hubad sa harap ng camera." ang wika ko naman.
"Hala ka rin. Ang arte mo naman pala. Dyan ka na nga! Para yun lang pinag kait mo pa di ka naman kagandahan." ang wika niya sabay patay sa call.
Iyon nga, pinatayan niya ako ng call at hindi na ako nireplyan. Tapos kinabukasan noong istalk ko ang profile niya ay in a relationship na siya sa ibang babae na mas malaki ng s**o kesa sa akin." ang umiiyak na salaysay ni Perla
"So anong leksyon? Mabuti naman at hindi ka nag padala o nag palako sa kanya. Mahirap iyan, paano kung iblack mail ka niya na ikakalat ang video mo diba?" ang tugon ko
"Ang totoo noon ay nag papa pilit lang naman talaga ako para hindi niya sabihin na cheap ako no." sagot ni Perla
"Eh luka luka naman pala talaga itong si bakla eh. Ang leksyon, una huwag kana makipag chat sa mga lalaki at babastusin ka lang nila. Ikalawa tigilan mo na ang pag uupload ng cleavage sa social media dahil wala namang sumisikat na s**o hano. Ikatlo, tama na ang pang iistalk sa mga account ng ex o crush, sa ginagawa mong iyan ay sasaktan mo lang ang iyong sarili. Stalk pa diyan tapos kapag may nakita ka ay iiyak ka naman!" ang wika ni Aljan sabay bukas ng brownies at isinalpak sa bibig ng umiiyak na si Perla.
"Kaya nga diba. Ang hirap mag move on. Mabuti nalang at hindi ko ibinigay ang sarili ko sa kanya. Kaya ikaw Lino huwag kang mag bibigay ng sarili sa taong hindi mo naman kasintahan. Mag tira ka ng respeto sa sarili mo." ang sermon ni Perla habang kumakain ng brownies "Oy bakla ang sarap naman nito. Akin na nga iyang softdrinks." dagdag pa niya.
Samantalang ako naman ay natahimik at nakaramdam ng pag kaguilty sa aking sarili. Biruin mo ilang beses na kami nag tatalik ni Stephen pero hindi ko naman siya kasintahan. Basag na basag ako ngayong araw, ang mga pangaral nila sa akin ay parang imbisibol na balang tumatama sa aking pag katao at ang masaklap ay talagang guilty ako sa mga bagay na hindi ko mabigyan ng linaw.
Alas 7 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko sa tarangkahan ay agad kong nakita si Stephen, naka upo sa silya sa harap ng pinto at nag aabang sa aking pag dating. "Akala ko ba alas 4 ang uwian ninyo? Bakit alas 7 kana dumating dito? Saan ka galing?" bungad niya
"Sorry, doon kila Perla, dinalawa lang naman siya dahil 2 days nang hindi pumapasok." tugon ko. "Teka, bakit nandito ka?"
"Dumaan ako doon sa palengke dahil akala ko ay nandoon ka. Ngunit wala naman pala kaya dumiretso ako dito. Nag luto ako ng hapunan. Kumain na tayo." ang wika niya.
"Teka Stephen. Bakit mo ito ginagawa sa akin?" tanong ko dahilan para mapahinto siya sa pag lalakad.
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong rin niya.
"Pwede bang mag slow down muna tayo. Kasi. Kasi hindi ko. Hindi ko.." ang nauutal kong tugon
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ulit niya
"Mag slow down muna tayo kasi ay hulog na hulog na ako sa iyo. Congratulations, nalaglag ako sa pa fall na katulad mo." ang sagot ko habang nakatitig sa kanyang mukha.
Itutuloy..