Baka Sakali Season 2 AiTenshi Ang buhay ko ay punong puno ng pagbabaka sakali. Ang akala ko ay natagpuan ko na ang tunay na kaligayahan ngunit nagkakamali ako dahil sakit at paghihirap lamang ang aking natamo. Ang pagmamahal ni Stephen sa akin ay parang isang mahika, ngunit minsan ang mahika ay isang ilusyon. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang sakit ngunit sa puso ay nanunuot ito at habang tumatagal ay pabigat lamang ng pabigat. Gayon pa man ay ginawa ko ang lahat para ako makalimot at makalaya mula sa kanyang mapait na sumpa. Sa kabila ng sakit, ang aking buhay ay magpapatuloy at alam kong balang araw ay magiging masaya ako.. At ang pagbabaka sakali ay matatapos din.. Part 34 "Perla ikaw ba iyan?" ang tanong ko noong makita ang aking dating kaibigan na lumalakad palabas sa air