Baka Sakali AiTenshi Part 33 Pakiwari ko ay panandaliang huminto ang aking mundo, wala akong marinig, wala akong makitang kahit ano sa aking paligid. Para akong isang teleponong nawalan ng signal at noong mag balik ang aking ulirat ay kusang humakbang aking paa palayo kay Stephen. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Ganito pala ang pakiramdam ng isang taong naliligaw sa isang malaking mundong hindi ka kabilang. Tumakbo ako at nakipag sabayan sa mga sasakyang dumaraan na animo mga halimaw na humahabol sa aking paligid. Tuliro ako at wala akong makita kundi ang mga ilaw sa poste at ang mga busina ng sasakyan lamang ang aking naririnig. Gusto kong lumayo at umiwas sa sakit ngunit anong gawin ko ay naka tarak pa rin ito sa aking puso. Parang kani