Baka Sakali AiTenshi Part 32 "Kumusta naman ang practice teaching aber? Mukhang pagod na pagod ka ah." ang bati ni Aljan noong makita akong nag lalakad sa isang store. "Ang ingay ng mga batang high school. Lalo na doon sa section B at C. Pakiwari ko tuloy ay napatid na ugat ko sa leeg kakabawal sa kanila." "Ganyan talaga ang buhay ng isang guro. Sayang nga lang at hindi ako nakasabay makapag ojt ngayong sem. Mahaba pa ang tatakbuhin kong panahon para makagraduate. Nag pabaya kasi ako eh. Naiingit tuloy ako ngayon." "Ayos lang iyon, hindi naman mahalaga kung gaano ka kabagal. Hangga't hindi ka humihinto ay tiyak na makakarating ka sa iyong patutunguhan. Kung nag kamali ka man noon ay binibigyan ka ng pag kakataon na itama ito. Hindi pa huli ang lahat." ang wika ko naman