Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 41 "Ano bang ginagawa mo?" ang tanong ko kay Stephen noong hawak nito ang aking kamay pilit na sinusulatan gamit ang sign pen. "Huwag kang malikot, nilalagyan kita ng tattoo." naka ngising sagot niya na parang batang nakadila pa habang nag susulat. "Tattoo? Eh ballpen iyan e." "Basta kasi ako bahala." bulong niya kaya naman pinabayaan ko nalang siyang hawak ang aking kaliwang kamay habang ang aking kanan naman ay abala sa pag checheck ng exams. Maya maya ay natawa ito at tuwang tuwa sa kanyang ginawa. "Ayan tapos na." Agad kong inalis ang aking kamay at tiningnan ang kanyang inilagay dito. Naka ngisi siya habang pinag mamasdan ang aking reaksyon. "I LOVE U" Ito ang mga salitang nakasulat sa aking kamay. May puso pa na