Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 40 Hindi ko masasabing okay na kami ni Stephen ngunit unti unti kong tinatanggap sa aking sarili ang lahat. Siguro ay nasa bahagdan palang kami ng pag poproseso at pag bubuo sa aming nasirang relasyon. Isang taon rin kaming nag hiwalay, kaya't pilit kong ipinaunawa sa aking sarili na huwag madaliin ang lahat lalo't ayokong masilat o masaktan ulit. Kung kami ay talagang kami, kung hindi ay tiyak na may naka laan para sa akin. Kung mayroon nga.. "Balita ko ay maayos na kayo ni Stephen? Okay lang naman na mag ka ayos kayo dahil isang taon na rin naman iyan. Pride kung pride nalang ang nag hihiwalay sa inyo." ang naka ngiting tanong ni Tita Pat "Nag usap lang kami. Kamusta ang pakiramdam mo tita? Diba ang bilin ng doktor ay huwag munang mag papagod. Mak