bc

Mr. Attorney

book_age18+
17.5K
FOLLOW
69.6K
READ
love after marriage
second chance
others
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
gorgeous
selfish
like
intro-logo
Blurb

Ilang beses ba na nagtiis si Avrielle para lang sa magulang niya. Lahat ng mga utos, hiling at pagpipilit nito sa kaniya ay sinusunod niya. Hindi niya mawari kung bakit malayo ang loob ng mga ito sa kaniya kaya naman halos lahat ng sinasabi nito ay sinusunod niya. Kaya pati ang paghiling nito na magpakasal siya ay sinunod niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ano na naman ba ang problema mo, Avrielle?" malamig na tanong ng asawa ko sa akin. Pagak akong tumawa at hindi makapaniwala na tumingin sa kaniya, siya pa ang may gana na tanungin ako ng ganiyan? After all the things he did? "Really, Vandryk? Ikaw pa ang may lakas ng loob na mag-tanong ng ganiyan sakin eh ikaw 'tong may kinakalantari na iba habang ako andito at hinihintay ka?" Kumunot ang noo niya at tinitigan ako, "Shut the fuck up, Avrielle. You are just my wife in paper so don't expect that I will fucking love you. Ano? Gusto mo maging sweet akong asawa sa iyo? Maging clingy ako?" sarkastiko na sinabi niya bago ako nilagpasan. Sumunod naman ako sa kaniya. "Kahit na, Vandryk. We are married! We are fucking married, Vandryk! Dapat hindi ka na lumalandi! Hindi pa ba sapat na binigay ko sa iyo lahat pati sarili ko? Lahat lahat binigay ko." Humikbi ako. Ngumisi siya sa akin. "Sinabi ko ba na ibigay mo sakin? Kusa mong binigay, hindi ko sinabi, hindi ko hiningi. Bakit sinusumbat mo sakin?" nanliliit ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Suminghap ako. "Ang demonyo mo. Ang sama ng ugali mo, ang sama sama ng ugali mo," mas lumakas ang aking hikbi. Ngumisi ulit siya at inilagay ang buhok ko sa likod ng aking tainga. "Hmm, it's your fault anyway. You agreed to married the devil, sweetheart," malamig na anas niya bago umalis. Ako naman ay napaupo sa sahig at napaiyak. Ang sakit sakit. Saan ba ako nagkulang? Ano bang mali ang ginawa ko sa kaniya? We've been married for five years, arrange marriage to be exact. Hindi malabo na mahalin ko siya dahil siya ang lagi kong kasama sa loob ng limang taon. Lahat binigay ko, 'yong sarili ko. Inalagaan ko siya, pinaghanda ko siya ng makakain bago siya pumunta sa firm niya. Ako naglalaba ng damit niya, ako naghahanda ng damit niya bago siya pumasok. I always express my love for him pero bakit ayaw niya pa rin sakin? Ganoon na ba ako kahirap mahalin, Vandryk? NAMAMAGA ang mata ko habang nagluluto ng pang-breakfast namin ng asawa ko. Iyak ako nang iyak kagabi habang si Vandryk ay mahimbing ang tulog sa aking tabi. Hindi ko lang matanggap na habang hinihintay ko siya dito ay may kinakalantari siyang iba. Abogado siya, dapat alam niya na pwede ko siyang kasuhan. Pero syempre dahil alam niya na mahal na mahal ko siya ay patuloy siya sa pinaggagawang kalokohan. Kasi alam na alam niya na hindi ko kakayanin na makita siyang nasa loob ng selda. Kasi alam niya na isang hingi niya lang ng patawad ay okay na agad kami. Narinig ko ang yapak niya sa hagdan kaya naman minadali ko na ang aking pagluluto. Nang matapos ako ay inilapag ko iyon sa lamesa at malambing na ngumiti sa kaniya. "Good morning, kain ka na. Male-late ka na naman sa work mo," anas ko. Kumuha ako ng plate at nilagyan iyon ng kanin bago inilapag sa harap niya, tumusok ako ng hotdog at kinain 'yon. "Marami ka bang cases na aasikasuhin ngayon? Baka hindi ka makakain. Gusto mo ba ipagbabalot kita ng pagkain? O kaya naman hahatidan na lang kita mamaya," sabi ko habang tinitignan siyang kumakain. Nilunok muna niya ang kinakain bago tumingin sakin gamit ang malamig niyang mata. "No need. I will eat at the restaurant later," aniya at pinagpatuloy ang pagkain. Ngumiti ako at tumango. "Okay. Nakahanda na ang mga damit mo sa walk in closet. Naplantsa ko na rin," sabi ko. Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy na siya sa pagkain. Pagtapos niya kumain ay umakyat na uli siya sa kwarto. Ako naman ay niligpit na ang mga pinagkainan namin at hinugasan na ang mga iyon. Namalayan ko na lang na aalis na pala si Vandryk nang tumunog na ang kotse niya. Dali dali akong sumilip sa pinto at sumigaw. "Ingat ka. I love you!" Buong maghapon ay wala akong ginawa kundi mag-linis o manood. Napatigil lang ako sa ginagawa nang makaramdam ako ng hilo kaya napasapo ako sa aking noo. Umupo ako sa couch. "Bakit ba kasi iyak ako nang iyak kagabi? Tss," bulong ko sa aking sarili. Nagpahinga muna ako bago ako tumayo at naligo, pupuntahan ko si Vandryk total wala na naman akong ginagawa. Tapos ko na ang lahat ng gawing bahay. Kinuha ko ang kotse ko sa garahe at mabilis na ipinasibad 'yon. May sariling law firm si Vandryk. Matalino siya at successful sa buhay. Pinakasal siya sa akin para sa negosyo ng parents niya na muntik ng ma-bankrupt. Gustohin man na ni Vandryk na 'wag akong pakasalan ay hindi pwede dahil kompanya lang namin ang makakasagip sa kanila. Nakarating naman agad ako sa firm niya, nakita ko agad si Manong Guard na laging hyper. Kapag kasi napunta ako dito ay palaging mataas ang energy niya at sobrang welcoming niya talaga. "Good afternoon, Manong. Andiyan ba ang asawa ko?" nakangiti na tanong ko. Ngumiti agad siya, kita ang kaniyang mha ngipin. "Opo, Ma'am! Kakabalik lang galing sa restaurant," aniya. Tumango ako at nagpasalamat bago pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang mga empleyadong palakad lakad, ang iba ay nagmamadali habang ang iba naman ay pa-chill chill lang. Binabati nila ako kaya naman tinutugunan ko sila sabay ngiti. Sumakay ako ng elevator para makarating sa floor ni Vandryk. Nasa pinakataas kasi ang floor ng asawa ko. Sakop niya ang buong floor, gusto niya raw kasi ng privacy. "Hi, andiyan ba si Vandryk sa loob?" tanong ko sa kaniyang sekretarya. Napaigtad ito at nanlalaki ang mata na tumingin sa akin, namumutla ang kaniyang labi kaya naman nagtaka ako. "May problema ba? Nagulat ba kita? Naku, sorry," panghihingi ko ng paumanhin. Umiling iling ito bago tumikhim. "Ah eh, nasa loob po si Sir kaso sabi niya sa akin h-huwag daw po magpapapasok ng kahit sino," mahina niyang sinabi. Tumango tango ako. "May client ba siyang kausap?" tanong ko. Nag-iwas ito ng tingin sa akin kaya nagtaka ako, bakit feeling ko pinagtatakpan niya si Vandryk? "W-wala po, Ma'am. Pe- Ma'am!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako sa kaniya at naglakad papunta sa pinto ng office ni Vandryk. "M-Ma'am! B-baka po sesantihin ako, please po. Ma'am!" Tinulak ko ang pinto at doon ko nakita ang asawa ko na may kahalikan na babae. Halatang nagulat sila dahil napatayo ang babae. Nanginig ang tuhod ko. Ang mata ko naman ay humahapdi na dahil malapit na akong umiyak. At higit sa lahat ay ang puso ko na sobrang nasasaktan ngayon. "R-really Vandryk? Pati sa office mo?" I sobbed. Walang pakialam na ngumisi siya sa akin. "What's wrong with it?" Suminghap ako. "You are a fucking lawyer kaya alam ko na alam mo, na pwede kitang kasuhan! Napakasama mo!" humikbi ako at binato sa kaniya ang hawak kong bag. Natamaan siya sa kaniyang dibdib. Nagkalat ang laman ng aking bag. Nalaglag ang baunan sa sahig, nagkalat ang kanin. Nanliit ang kaniyang mata at nakita ko kung paano niya kinuyom ang kaniyang kamao. "Leave, fucking leave," he muttered mercilessly while gritting his teeth. Ngumisi ako. "Takot ka ba na mapahiya sa mga empleyado mo? Takot ka na malaman nila na babaero ka? Kadiri ka, kadiri!" I screamed while crying. Napaatras ako nang sumugod siya sa akin at sampalin ang aking kanan na pisngi. Napasinghap ako at umiiyak na tumingin sa kaniya. "H-hindi ko inaasahan na kaya mo akong saktan. Kadiri ka, simula ngayon hinding hindi na ako magpapakita sa iyo. Hinding hindi na. Magsawa ka sa babae mo, wala na akong pakialam. 'Wag mo na kong hahanapin. Manloloko ka!" I swear to God na hinding hindi na ako babalik sa kaniya. Hinding hindi na talaga. Nakakasawa na ang mga pinaggagawa niya sa akin. Umiiyak akong lumabas ng opisina niya. Punong puno ng mga tanong ang aking isip. Pero mas nangibabaw ang tanong na, Saan ako nagkulang, Vandryk?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook