Chapter 2

1326 Words
6 years later... "Ma! Mama! Mommy! Nanay!" Agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga at natataranta na iginala ang aking paningin sa loob ng kwarto. Nanlaki ang aking mata nang makitang nasa kisame si Mason at malapit ng malaglag. Tila ba naging tuko ang anak ko dahil sa sitwasyon niya ngayon. Ano na naman kaya ang pinaggagawa ng batang 'to? Dali dali akong tumayo at inusod papalapit sa babagsakan niya ang kutson para ipangsalo sa kaniya. "Ikaw na bata ka! Napaka mo talaga, ano bang ginawa mo diyan ha? Naku, makukurot ko na naman ang pototoy mo niyan!" bumitaw siya sa pagkakahawak sa pader at sakto naman na nahulog siya sa kutson. Malakas siyang humagikgik bago yumakap sa akin. "Nay, ni-try ko lang maging spiderman," sabi niya. "Ang saya saya, Nanay. Kaso, hindi na ako nakababa e!" "Anong spiderman? Paano na lang kung nahulog ka sa sahig? Naku, napaka-kulit mo talaga," kinurot ko ang singit niya. "Naku, buti talaga at hindi ka nahulog. Mababalian ka sa pinaggagawa mo!" Sumimangot siya at mas yumakap pa sa akin. "Mama Nanay, makulit lang po ako hindi po napakakulit," pilosopo na sagot niya. Umirap naman ako, sumagot pa talaga e. "Oh siya, tumayo ka na at maliligo ka pa at papasok ka pa sa school. Anong gusto mong baon?" Ngumiti siya kaya nakita ko ang medyo bungi niyang ngipin. "Adobo and fried chiken with vegetables po," excited na sabi niya at pinugpog ng halik ang aking mukha. Natawa naman ako. "Wow naman, anak. May adobo na, may fried chicken pa. Fried chicken na lang with vegetables," sabi ko habang hinuhubad ang damit niya. Inamoy ko ang kilikili niya. "Ay, ang asim asim naman! Naku, hindi ka magugustuhan ng girls kung maasim ka!" Humagikgik siya. "Mama Nanay, I don't like girls for now! Gusto ko laruan na mga cars, robot at lego! Tapos gusto ko rin ng Papa Tatay!" tuloy tuloy na sabi niya. Natahimik ako at nag-iwas ng tingin. Wala na akong balita sa tatay niyang manloloko. May mga chika sa akin si Sdyney, bestfriend ko, at pinapatigil ko agad siya mabanggit niya lang ang pangalan ng tatay ni Mason. Ano naman ang mapapapala ko kung malaman ko ang pinaggagawa niya sa buhay? Wala naman. Buti kung magkakapera ako. Bumuntong hininga ako at hinaplos ang ulo ni Mason. "'Hindi ba sabi ni Mama Nanay may ibang family na si Papa Tatay mo," sabi ko kaya natahimik siya. Maya maya ay naririnig ko na lang ang mga paghikbi niya. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo, kahit ako ay naiiyak. Naaawa ako sa anak ko kasi hindi niya kilala ang tatay niya, hindi niya alam kung anong ugali meron ang tatay niya. "B-bakit naman may iba na siyang family, Mama Nanay? M-mabait naman ako ah, tsaka ikaw mabait ka rin. Bakit naghanap pa ng ibang family si Papa Tatay?" humihikbi na tanong niya. I sobbed too. Hindi ko alam kung totoo ba na may bagong pamilya na si Vandryk, 'yon kasi ang naririnig ko. Pero, wala naman akong valid resources e. "Sshh, 'wag ka na umiyak. Papangit ka niyan, sige. Maligo ka na, may pasok ka pa," nasasaktan na sagot ko sa kaniya. Being a single mother is fun. Pero, hindi na talaga masaya kapag naghahanap na ng tatay ang anak mo. You will be hurt. Kasi tatay ang pinaka-importanteng tao para sa mga bata. Masasaktan ka na lang talaga kapag wala kang naipakilala sa kanila. Pagtapos niya maligo ay pinakain ko muna siya bago ko siya inihatid sa school. Tahimik lang ito at tulala, tila may iniisip. Tumikhim ako. "Anak, anong iniisip mo at tahimik ka?" nananantiyang tanong ko. Umiling ito habang hindi ako tinitignan. Bumuntong hininga ako. "Andito naman si Nanay. Kaya ka naman alagaan ni Nanay kahit wala si Papa Tatay mo," sabi ko. Hindi pa rin ito umimik kaya hinayaan ko na lang. Masama siguro ang loob niya dahil sa sinabi ko na may ibang pamilya na ang Papa Tatay niya. Sa nakalipas na anim na taon dito kami nanirahan sa Amerika. Marunong mag-english si Mason at mag-tagalog. Tinuruan ko siya ng tagalog para hindi siya mahirapan makipag-usap sa Ninang Sydney niya. Nang makarating kami sa tapat ng school niya ay agad siyang bumaba ng kotse at pumasok. Bumuntong hininga ako. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at sinagot. Wala pa man ay feeling ko mababasag agad ang ear drums ko dahil sa kakatili ng bestfriend ko. "Ano na naman ang kailangan mo? Tungkol na naman ba 'yan kay Vandryk? Kung oo 'wag mo na sabihin," sabi ko at sumimangot. Tatawag lang naman siya sa akin kung tungkol kay Vandryk ang sasabihin niya. Hindi ko alam dito sa babae na 'to, nasobrahan ang pagkachismosa e. Suminghap siya. "Oo, pero importante 'to, makinig ka! Omg, omg! Omg talaga, Avrielle! Andiyan sa amerika ang tatay ng anak mo! Shit!" aniya at nagtitili. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa aking dibdib. Bumilis ang tibok ng puso ko. "H-huh? Paano? Bakit? Anong ginagawa niya dito?" kabado kong tanong bago inilibot ang aking paningin sa school ni Mason. Biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ang tatay ng anak ko. Naglalakad papasok sa school at may tinitignan sa papel na hawak niya. "Sabi niya sa akin kukuhain daw niya si Mason! Gaga ka kasi! Sabi ko sa'yo sa malayo ka mag-tago!" sigaw ni Sydney at natataranta na rin. Ako naman ay dali daling lumabas ng kotse at tumatakbong pumasok sa loob ng school. Laking pasalamat ko nang malagpasan ko agad si Vandryk. "Sinabi mo ba na andito kami?!" singhal ko sa aking bestfriend. Narinig ko ang pag-singhap niya sa kabila at hindi makapaniwalang tumawa. "Hoy gaga ka! Kahit minsan lang tayo mag-usap hindi kita itataob 'no! Kurutin ko singit mo eh. Mayaman ang asawa mo, malamang may private investigator 'yan!" pinatay na niya ang tawag na hindi ko naman pinansin dahil gusto ko agad mahanap ang anak ko. Nakarating ako sa classroom ni Mason pero wala pa siya doon kaya kinabahan ako. Baka nalagpasan ko dahil sa kakatakbo ko? Shit. Ilang minuto akong naghintay sa labas ng classroom niya ngunit wala pa rin. Nakausap ko na rin ang teacher niya at sabi nito ay hindi pa raw niya nakikita si Mason. Diyos ko, huwag naman sana. Mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko kakayanin kung mawawalay siya sa akin. Napaigtad ako nang tumunog ang aking cellphone, nanginginig na kinuha ko 'yon at nakita na ang guidance ng school ni Mason ang tumatawag sa akin. Tumikhim ako bago iyon sinagot. "Yes, Ma'am? How can I help you?" magalang kong tinanong. "Miss Haley, your son is here. Please come here. We have an situationnto solve," she said bago pinatay ang tawag. Lumunok ako at tumakbo papunta doon. Pinagbuksan ako ng pinto kaya agad akong nakapasok at doon nakita ko si Mason na paga ang pisngi at mata. Putok din ang labi niya. Suminghap ako at agad na lumuhod sa harap niya, naiiyak na hinaplos ko ang mga sugat niya. What the hell? Anong nangyari? "Anak, b-bakit may sugat ka? Sinong kaaway mo?" naiiyak na tanong ko. Tumingin ako sa harap at napasinghap na naman nang makita ang isang batang mas malala pa ang sugat. Paga ang dalawang mata nito at may kalmot pa sa leeg, ang labi nito ay putok din. "He said I'm abnormal because I don't have a Papa Tatay, Mama Nanay!" humikbi ang anak ko at yumakap sa akin. Naiiyak na hinaplos ko ang buhok niya. "Sshh, that's not true. You have a Papa Tatay kaya. He's not here nga lang," ani ko at hinalikan ang noo niya. "I'm here." Literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang paghinga ko ay biglang bumilis pati na rin ang tibok ng aking puso. Dahan dahan akong tumingin sa likod ni Mason at nakita doon si Vandryk Atlas. "Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko. Walang emosyon siyang ngumisi sa akin. "I'm taking what's mine, sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD