"Sige, payag ako na ligawan mo ko pero dapat willing ka mag-antay," sabi ko bago ngumisi kay Vandryk. Nagliwanag ang kaniyang mata. Ngumisi din siya pabalik. "Of course, ilang taon kitang hinanap ngayon pa ba kita susukuan?" he said. Umirap naman ako, tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang pag-hihintay niya. Hmm. Umalis na siya sa kwarto ko at pumunta sa kwarto niya. He said he will take a bath eh. Humiga ako sa kama bago pangiti ngiti na nagtalukbong ng kumot. God, kinikilig ako! Jusko, sino nga ang hindi na magiging marupok? Kinaumagahan nang magising ako ay may nakahanda ng pagkain para sa akin. Nakalagay iyon sa bed side table at may roses pa. Napataas ang aking kilay nang mapansin na may notes pa doon. Hmm, ang effort naman ng manliligaw ko. Binasa ko ang notes. Love, I