Ilang linggo ang mabilis na lumipas at nakalabas na si Nanay mula sa hospital. Malakas na siya at nakakapaglakad na. Nakakapag-heels na nga at nakakapag-shopping pa. Sa mansyon ni Vandryk kami nakatira, ibenenta na ni Nanay ang mansyon na tinitirhan niya dati. Sabi niya kasi ay madaming masasamang alaala doon. That mansion is a gift from my grandparents daw. My Dad never build a house for us kaya doon kami nanirahan. Dati naman ay ayos pa sila Nanay kaso napansin ko rin na unti unting may nagbago sa relasyon nila. At ngayon nakain na kami ng breakfast. Tuwid na tuwid ang upo ng Nanay ko, balik na naman siya sa pagiging masungit niya kaya napangiti ako. Mas mabuting ganito siya. "Mommy Lola, gusto ko po ng fried chicken na luto mo. Lutuan mo po ulit ako ha. Parang katulad po dati. Ang s