Magsasalita na sana si Adrian nang biglang may sumigaw mula sa kabilang silid, ang silid kung saan nandoon ang kanilang ina. Sigurado si Adrian na natutulog ang ina nang iwan niya ito sa silid. Nagkatinginan sandali sina Adrian at Yana bago sila nagmamadaling lumabas sa silid. Matinis ang boses ng kanilang ina, at rinig na rinig ni Yana ang sigaw ng paghingi nito ng tulong sa kanila. It was like she was forced into something. Bumugad sa magkapatid ang kalagayan ng ina na pilit na hinihila palabas ng isang armadong tauhan ni Lozano. Lena looked so scared as she tried to resist the man who had her arm pulled. “’Nay!” Sabay na sigaw nina Adrian at Yana nang makita nilang hinihila palabas sa silid ang kanilang ina. The man who was dragging her didn’t even mind about her age. Walang awa n

