Matagal na napatitig si Adrian sa nakatatandang kapatid na si Yana. Simula noong nawalay sa piling nila ang kanilang ate Gigi ay ito na ang tumayong ate sa kanilang pamilya, at ramdam ni Adrian ang bigat ng dinadala nitong responsoibilidad. She's young and she never expected the sudden change of their lives. Naapektuhan din ito sa nangyaring pagdukot at tangkang pagpatay sa kanila, kaya gano’n na lang ang awang nararamdam ni Adrian para sa kapatid. Bilang nag-iisang lalaki sa pamilya nila ay pakiramdam ni Adrian ay siya ang may responsibilidad na protektahan ang bawat miyembro ng pamilya. Pero hindi niya nagawa iyon noong mga panahon na kailangan ng pamilya ng proteksyon. And it made him realized just how useless and powerless he was. Wala siyang nagawa noong mga panahon na iyon, at

