Bawat galaw ni Roccio ay sinusundan ng tingin ni Gigi. Tahamik lamang sina JD at Gigi na nakaupo sa leather couch sa sala habang si Roccio naman ay walang tigil sa pagtitingin-tingin sa paligid. He was careful inspecting JD’s house. It was Roccio who insisted that they talk inside because the sun was scorching hot. Hindi pa sinasabi ni JD kung bakit nandito si Roccio o kung tunay ba na magkakilala ang dalawa, pero sa loob ng isip ng dalaga ay mayroon na siyang ideya. Hind makapaniwala ay iyon lang ang sa tingin niya ang totoong nangyayari. “Why are you two so quiet? I thought you’ll be glad if I paid you both a visit.” Humarap si Roccio sa kanila. He was standing behind a vintage painting. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan nila habang nasa likod ang dalawang kamay.

