Mabilis na umiling si JD sa suhestyon ni Gigi. Kilala ni JD ang lalaking iyon, masyadong gahaman at tuso kaya hindi p’wedeng makialam si Gigi sa negosasyon ng dalawang lalaki. Though JD knew that Gigi already met that man, he doesn’t want her to be in the middle of this. “Huwag na, ako na ang bahala sa gagong iyon. Naiinis lang talaga ako sa pagiging mahangin ng isang iyon. He always had this kind carefree attitude that irritated me.” Kumunot ang noo ni JD na tila may naalala. Umiling ito at nagkamot ng buhok. “This man, is he that evil? Ang sabi mo kasi kailangan natin ng isang tao na papantay sa kasamaan ni Arnold McIntosh. Natatakot ako JD, baka tayo naman ang makompormiso kapag nakipag-uganayan tayo d’yan. Masamang tao iyan, JD. Malaki ang posibilidad na pagtataksilan din t

