Tulala si Gigi habang naglilinis sa hallway. Kanina pa salita nang salita si Kristel pero walang pumapasok sa isip ni Gigi. What she saw earlier bothered her so much that at some point during her work, she entered the wrong office to clean. Pilit binabalikan ng isip niya ang mukha at tindig ng babae, at hindi siya puwedeng magkamali doon, ang kapatid na si Alyana ang babaeng iyon. Pero imposibleng ang kapatid niya ang babae kanina dahil kitang-kita ng dalawang mga mata niya ang pagkasunog ng mga ito. Kaya hindi maintindihan ni Gigi kung bakit gano’n ang nakita niya. Totoo ba iyon? Namamalik-mata lang ba siya? Nananaginip? Maraming tanong ang lumalangoy sa isip niya. Was it because it took her too long to find justice for her family, that her conscience played tricks on

