Napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama si Fabian nang hindi niya maramdaman si Gigi sa tabi nito. Kaagad siyang napabaling sa tabi niya. Malakas na humapas ang puso niya nang mapagtanto ang isang bagay. The other side of the bed was empty. Mataas na ang sikat ng araw kaya alam ni Fabian na tanghali na. He must have overslept because of exhaustion last night. Muli niyang ipinikit ang mga mata dahil bigla siyang nahilo sa biglaang pagbalikwas. Pero hindi pa rin humupa ang malakas ng paghambalos ng puso niya sa hawla ng kan’yang dibdib. Takot. Iyon ang unang naramdaman ni Fabian nang makita na wala sa tabi niya ang dalaga. He waited more than a year to find her, and he won’t accept it if she’s going to run away again. Tapos na ang kabanata sa buhay niya kung saan maghihint

