NAGISING na si Terrence nang balikan ni Elise. Naghain na siya ng lugaw sa bowl at dinala rito kasama ng isang bagong tubig. Inilapag niya ang pagkain sa mesita. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa binata. “Wala ‘to,” paos nitong tugon. Nanatili lang itong nakahiga, tila hirap kumilos. “Anong wala? Marami kang pasa. Nadisgrasya ka ba?” balisang usisa niya. Nagpumilit umupo si Terrence kahit dumada*ng. “Don’t mind me. May nakaaway lang ako sa bar na lasing. Napagtripan ako,” sabi nito. Nakontento siya sa sinabi nito, obvious naman kasi na napaaway ito. “Nalasing ka rin, eh. Mag-isa ka lang bang pumunta sa bar?” usisa niya. “No, may kasama akong kaibigan pero naiwan ako.” Duma*ng na naman ito nang maigalaw ang mga kamay. “Huwag mo munang piliting kumilos. Kumain ka muna na