BAGO nagpunta sa bahay nila Seth ay nakaluto na ng egg pie si Elise. Pinalamig na niya ito at inilipat sa paper plate. Ito lang ang ambag nila sa dinner. Hindi naman sila lalabas ng poultry kaya nagsuot lamang siya ng pink na blouse at itim na leggings. Medyo malayo ang bahay ni Seth kaya sumakay pa rin sila ng kotse. “Hindi ako nakarating sa property ni Seth noong naglibot ako,” sabi niya. Lulan na sila ng kotse ni Terrence. “Binakuran kasi ni Seth ang property niya pero dadaan pa rin siya sa main road ng poultry. Bale hati kami sa right of way,” ani Terrence. Nakapasok na sila sa property ni Seth at medyo malayo ang mismong bahay sa main gate. Nadaanan nila ang maraming puno ng mangga at kasoy. May sampung minuto lang namana ng itikakbo ng kotse at narating nila ang dalawang palapa