Calix’s PoV
Natapos ang employee meeting namin at nasabon kaagad ako ng boss ko. Kung ano-ano na lang ang mga sinabi niyang mga masasakit na salita sa akin. Hindi daw ako nararapat para sa position ko at kailangan kong bitawan ang puwesto ko kung hindi ko magawa ng tama ang trabaho ko.
Sa loob ng limang taon ngayon lang ako nasabihan ng ganito ni Mr. Heys. Hindi ko kasi nagawan ng tama ang report para sa sales ng products ngayong buwan.
Kasalukuyan akong nandito sa office ko at naiinis na niluwangan ang akong kurbata.
Habang inaayos ko ang mga paperworks ko sa lamesa na kailangan kong i-check bago dalhin sa office ni Mr. Heys biglang pumasok si Miss Hansen sa loob ng office ko. Nginitian niya ako at ini-lock pa nito ang pinto.
Iniiwasan ko siya upang hindi ako magkasala sa asawa ko pero ito naman ang dikit nang dikit sa akin. Anak ito ni Mr. Heys at mukhang pinapahirapan talaga ako dahil hanggang ngayon ilag pa rin ako sa kanya.
“Hi, Cal. I’m sorry about what happened earlier, as I’ved said, it’s my fault. I didn’t remind you about our urgent business meeting. I’m sorry again, Cal,” malambing na sabi nito sa akin.
“No, it’s okay Miss Hansen. It was my fault.” Hindi ko siya tinignan at itinuon ko na lang sa computer ang aking mga mata.
Sexy ang damit nito at revealing. Putok na putok ang mga malulusog nitong dibdib. Maiksi din ang suot na skirt nito. Isang white american si Miss Hansen, kulay brown ang straight na buhok nito na hanggang sa dibdib nito ang haba.
“Cal…” sabi nito na nasa ko na pala. Idinantay nito ang kamay sa aking leeg. At pinagapang iyon patungo sa aking dibdib. “Why not… come with me,” pabulong na sabi nito sa akin. “You know that I like you and I’m longing for you, Cal. Daddy also knows that I’ve had feelings for you for a long time and he‘s not against it. Leave your wife, Cal. I can give you everything. This company, my position and also my life.”
Napalunok ako sa sinabing iyon ni Miss Hansen. Inalis ko ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko.
“I’m sorry, Miss Hansen. I’m married and I’m not interested in what you‘re saying. I love my wife and my child. If it’s okay with you, just leave me alone. I still have a lot of work to finish.” Hindi ko na pinansin pa si Miss Hansen.
Ngunit nagulat na lang ako nang bigla niyang hilain ang office chair na inuupuan ko at kumandong siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tumingin sa aking mga mata.
“Say it again?” mapanuksong tanong niya sa akin.
“Miss Hansen…”
Nginitian niya ako at saka niya hinagkan ang aking mga labi. Ipinatong pa nito ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga malulusog nitong dibdib.
Idinantay ko ang aking mga palad at tinugon ko ang kanyang maalab na halik ngunit bigla akong natauhan sa ginawa ko. Itinulak ko siya at saka tumingin dito ng seryoso.
“I‘m sorry. I don’t love you, Miss Hansen. I don’t want to ruin my marriage. Please, leave me alone.”
“I hate you, Cal,” umiiyak na sabi pa nito sa akin. Mabilis na umalis ng office ko si Miss Hansen. Bumuga ako nang malalim at saka muling hinarap ang computer ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinahid iyon sa aking mga labi. Muli kong inabala ang aking sarili sa trabaho.
Mayamaya ay kumatok sa pinto si Lucas. Tumuloy ito na dala ang mga marketing plan. Pilipino si Lucas at siya ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Ninong siya ni Caljen at dating manliligaw ni Jelline.
“Pare, mukhang haggard ka na. Hindi lang yata si Mr. Heys ang nagalit sa ito kun’di iyong malditang anak niya.” Umupo ito sa office chair na nasa tapat ng lamesa ko. Nag-cross legs pa ito at saka humalukipkip. “Gimik tayo mamaya?” pag-aaya niya sa akin.
Napangiti na lamang ako. “Sige. Tatapusin ko lang ito.”
“Cal, mabuti hindi mo pa naiisipan na mag-resign?”
Nginitian ko si Lucas. “Paano ko naman gagawin iyon? Malakas na ngayong dumede si Caljen, at malaki na rin ang gastos sa bahay. Lalo na ngayon na ako na lang mag-isa ang naghahanap-buhay.”
“Mahirap nga talaga iyan, pare. Bakit hindi mo na lang pagtrabahuin ulit si Jelline? Mas malaki pa siyang kumita sa atin noon. Malaking tulong kapag dalawa na kayong nagtratrabaho tapos kumuha na lang kayo ng katulong.”
“Pare, nangako ako kay Jelline na ako na lang ang magtratrabaho kapag ikinasal na kami. Ayokong baliin ang pangako kong iyon sa kanya. Mas kailangan siya ng anak namin.”
Bumuga naman ng malalim si Lucas na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. “Pare, be practical. Hindi kayo mabubuhay dito sa Florida na ikaw lang ang kumikita, malaki ang gastos kahit na malaki ang sahod.”
Hindi ako umimik sa sinabi ni Lucas. Hangga‘t maaari ayokong magtrabaho ulit si Jelline. Mas gusto ko siyang nakikita sa bahay, kapag umuwi ako sa trabaho. Gusto kong palagi akong sinasalubong ng asawa ko.
Kahit na madalas na wala na akong oras sa kanya. Alam ko naman na naiintindihan ako ni Jelline dahil kailangan kong kumita ng pera.
“Magkita na lang tayo mamaya pagkatapos ng trabaho, pare,” matabang na sabi ko sa kanya. Itinuon mo muli ang aking atensiyon sa ginagawa ko.
KINAGABIHAN, nagtungo na nga kami ni Lucas sa isang bar. Gabi na pero hindi pa rin madilim at maliwanag pa ang paligid.
Mga kapwa namin Pinoy ang kasama namin sa pag-iinom. Gusto ko ring magsaya paminsan-minsan dahil sobra akong pagod sa trabaho. Minsan nga iniisip ko na lang na umuwi kami ni Jelline sa Pilipinas at doon na lang ako magtrabaho. Pero nanghihinayang naman ako dahil citizen na kami dito at malaki na rin ang kita ko.
“May 10 nga pala ngayon,” nakangiting sabi sa akin ni Lucas. Nakalimang bote na kami ng beer at medyo nahihilo na rin ako. Malakas pa naman ang tama ng alcohol beer dito sa ibang bansa.
Bigla akong natauhan sa sinabi ni Lucas. “Kailangan ko ng umuwi, pare,” pagpapaalam ko sa kanya. Kinuha ko ang jacket ko at saka ang aking bag. “Salamat sa libre mo, pare.” Tinapik ko ang balikat nito. Namamaos na ang aking boses at umiikot na rin ang aking paningin.
Pasuray-suray akong naglakad palabas ang bar. Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa bahay namin ni Jelline.
PASURAY-SURAY akong naglakad patungo sa gate ng bahay namin at saka binuksan iyon. Malinawag pa rin ang paligid kahit na alas onse na ng gabi. Napasandal ako sa pinto ng bahay namin at saka hinanap ang susi sa bag ko.
Ngunit biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang magandang misis ko. Nginitian ko siya at saka ko siya inakbayan.
“Happy anniversary , babe.” Niyapos ko siya ng yakap.
“Babe, lasing na lasing ka.” Inalalayan niya ako na makapasok sa bahay namin. Isinara nito ang pinto at ini-lock iyon. Pinaupo niya ako sa sofa at saka ito lumuhod para alisin ang sapatos ko. Nakasuot lamang ng silk robe ang asawa ko. Kitang-kita ko ang puting sando sa loob no’n at maikling short nito.
Nakokonsensya ako sa nangyari kanina sa amin ni Miss Hansen.
Matagal ko bago napasagot si Jelline noong nanliligaw pa lamang ako. Malinis ko siyang naiharap sa altar at nangako kaming magsasama habangbuhay.
Umupo sa tabi ko si Jelline. Tumingin ako sa mga mata niya at saka ko hinatak ang batok ng aking asawa.
Hinagkan ko ang kanyang mga labi. Ngunit itinulak ako ni Jelline.
“Lasing na lasing ka. Magbihis ka---”
Muli kong siniil ng halik ang mga labi niya. Hinapit ko ang kanyang bewang at saka ako tumayo. Kinapa ko ang pader at ang pinto ng aming kuwarto. Pumasok kami roon at saka ko sinipa ang pinto.
“Babe…” mahinang usal ni Jelline habang hinahagkan ko siya.
Inalis ko ang silk robe na suot niya. At saka ko siya binuhat patungo sa aming kama.
Ilang araw ko ring hindi naangkin ang aking asawa dahil sobrang busy ko sa trabaho. Maraming paper works deadlines na hinahabol at marami ring mga problema na hindi inaasahan.
“Babe, sandali lang,” mahinang anas ni Jelline habang mabilis akong nagtatanggal ng mga damit ko.
“Shh… sulitin na natin habang tulog pa ang anak natin,” nakangising sabi ko bago muling halikang ang mga mapupula at malambot na mga labi ng asawa ko.
Wala na itong nagawa kun’di magpatangay sa init ng katawan naming dalawa. Bawat haplos ko ay umuungol ito. Mas lalo akong nasabik sa pagsambit ni Jelline sa pangalan ko.
“Oh, Cal…” umuungol na sambit ni Jelline sa aking punong tenga.
Hubo‘t hubad na sa aking harapan ang aking asawa. Hindi na ito kasing kinis ng dati, may mga stretch marks na ito sa tiyan at kitang-kita ko pa ang peklat ng tahi nito noong na caesarean operation dahil sa panganganak. Ngunit para sa akin sexy pa rin ang asawa ko sa kabila ng pagbabago ng katawan nito.
Pinahiga ko siya sa kama at pinaghiwalay ang mga binti niya. Itinutok ko ang galit na galit kong alaga.
Impit na dumaing si Jelline. Masikip pa rin hanggang ngayon ang lagusan nito.
“Ohhh… babe… ahhh…” pang-ungol ko habang binabayo ko siya nang mabilis. Pawisan ang aking katawan habang patuloy ang aking pag-indayog sa ibabaw niya.
“Cal…. I love you, babe.” Niyakap ako nang mahigpit ni Jelline. “Ohhh… ahhh…” Mahigpit na niyapos nito ang aking mga braso.
Muli kong siniil ang mga labi nito at saka ako dahan-dahan na tumataas-baba sa ibabaw nito.
“s**t… I love you so much babe,” umuungol na anas ko at saka ko siya niyakap.
Itinukod ko ang aking isang braso sa kama at hinaplos ang magandang mukha ng aking asawa.
“Sorry, babe. Tungkol sa nangyari kaninang umaga.” Kahit na sinabon ako ng boss ko kanina sa office ay kailangan kong humingi ng tawad sa asawa ko dahil wala naman itong kasalanan sa akin. Hindi ko siya p’wedeng idamay sa init ng ulo ko. Pagod din ang asawa ko sa pag-aalaga kay Caljen at dito sa bahay.
“Ako ang dapat na mag-sorry, babe. Hayaan mo sa susunod ilalagay ko na lahat sa may pinto ng refrigerator ang mga schedules mo para wala akong makalimutan. Para kapag nagtitimpla ako ng gatas ni Caljen, mabilis kong nakikita.” Pinisil nito ang ilong ko. “Bakit ka nga pala naglasing?”
“Niyaya ako ni Lucas. Hindi ko na siya natanggihan. At muntik ko na ring makalimutan na anniversary pala natin ngayon. Babawi ako sa weekend, babe. Mamamasyal tayong tatlo.” Hinagkan ko ang noo ni Jelline. “I love you so much, babe.”
“I love you more.” Nginitian ako ni Jelline. “Nawala yata ang kalasingan mo?”
“Pinagpawisan na ako, e,” natatawang sagot ko naman.
“Gusto mong kumain?”
Tumango ako sa kanya. “Sige. Maghanda ka na, babe. Shower lang ako sandali para mayakap ko ang anak natin.” Hinalikan ko muna siya sa mga labi bago ako bumangon.
Nagtungo ako sa banyo at binuksan ang heater. Bumuga ako nang malalim at saka sumandal sa may pader ng banyo.
Gagawin ko ang lahat para maging mabuti akong asawa. Mas mabuti na lang siguro na humanap na lang ako ng ibang trabaho. Ayokong masira ang relasyon namin ni Jelline dahil lang sa pang-aakit sa akin ni Miss Hansen. Kailangan kong humanap ng tamang pagkakataon para mag-resign.
Itinapat ko ang aking sarili sa shower at saka ako nagsimulang maligo na.
PAGLABAS ko ng banyo ay kaagad akong nagbihis. Nagsuot ako ng white sando at pajama. Pinuntahan ko ang kuwarto ng aking anak at mahimbing na itong natutulog.
“I love you, sweetie.” Hinagkan ko ang kamay ng aking anak.
Hati ang itsura namin ni Jelline sa mukha ng aming anak. Nakuha nito ang mapupulang mga labi ni Jelline at ang mapupungay nitong mga mata. Samantalang nakuha naman nito ang makapal na kilay ko at mahahabang mga pilik-mata. Pati ang matangos kong ilong. At pati na rin ang kayumanggi kong kulay.
May lahi kasing arabo ang Lolo ko at doon raw ako nagmana. Maingat kong isinara ang kuwarto ng aking anak. Dumiretso ako sa kusina at naabutan na naghahanda ng pagkain sa lamesa ang aking asawa.
Niyakap ko siya patalikod. “Paano na lang ako kapag wala ka?”
“Lasing ka pa rin yata. Bakit naman ako mawawala? Oo nga pala may nakita akong singsing sa bulsa ng suit mo na nilabhan ko kanina.” Itinaas nito ang kamay. “Para ba ito sa akin?”
Naalala ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Lucas. “Galing iyan kay Lucas, babe. Nakipaghiwalay sa kanya iyong girlfriend niya dahil inalok niya ng kasal, kaya naman imbes na itapon niya iyang singsing ay ibinigay niya na lang sa akin. Ang sabi pa nga niya isanla ko raw.”
Nalungkot naman si Jelline sa sainabi ko. Hindi kaagad ito nakapagsalita. Bumitaw ako sa kanya at saka ako tumingin sa kanyang mukha.
“Okay lang na isuot mo, babe. Kumain na tayo.” Ipinaghila ko siya ng upuan.
“Mukhang tatanda siyang binata. Pangatlong beses na siyang na-basted.”
Napailing ako sa sinabi ng misis ko. “Buhay pag-ibig na niya iyon, babe. Ang sarap ng niluto mo ah, favorite ko pa talaga, chicken curry.”
“Favorite mo iyan kaya niluto ko. Gusto kong maging happy ang wedding anniversary natin kahit simpleng handa lang. Mag-celebrate na lang tayo kapag maluwag na at kaya na ng budget natin.”
Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa at saka pinisil iyon. “Maraming salamat sa pagiging maunawain mo, babe.”
“Walang problema sa akin, babe. Basta ipangako mo na huwag na huwag mo akong pagtataksilan.”
Tumango ako at itinaas ang aking kamay. “Pangako, babe.”