Kabanata 1: Her Life
Jelline’s PoV
ALAS SINGKO pa lamang ng umaga ay inaasikaso ko na ang mga damit ng aking asawa na si Calix. Gusto kasi nitong plantsado ang lahat ng mga iyon. Naroon na rin sa ibaba ng aming kama ang makintab nitong black shoes. Si Calix naman ang gumagawa no’n tuwing gabi dahil maarte raw ang anak ng boss nito. Gusto nito ay palaging presentable ang mga tauhan nito sa opisina.
Pagkatapos ng limang taon na pagtratrabaho ng asawa ko sa Tupperware Brand bilang staff ay na-promote ito bilang isang executive assistant.
Bago pa kami naging US Citizen ni Calix dito sa Florida ay pitong taon kaming nanirahan dito. At dito na rin kami nagpakasal. Parehong Business Administration ang kurso namin ni Calix at nagkilala kaming dalawa sa Orlando.
Habang naalala ko ang pangyayari na iyon three years ago ay kilig na kilig pa rin ako. Si Calix lang kasi ang tumagal sa mga naging manliligaw ko.
“Babe, wake up. Kanina pa nag-a-alarm itong cellphone mo.” Mahina kong tinapik ang pisngi ni Calix.
Naalimpungatan itong bumangon sa kama.
“Say, good morning daddy,” masayang sabi ko sa aming anak na si Caljen na karga-karga ko.
Kinuha kaagad nito ang tuwalya at dumiretso sa banyo. Hindi man lang nito pinansin ang anak namin na tumatawag ng dada dito.
“Babe, ready na sa lamesa ang breakfast mo. Gusto mo ba ng porridge or oatmeal na lang? Gusto mong lagyan ko ng yogurt or… coffee na lang!” malakas na sabi ko habang nasa may pinto ako ng banyo.
“Bakit hindi mo ako ginising? Alam mo naman na may meeting kami ngayon kasama ng mga suppliers. Pagagalitan na naman ako ni Miss Hanshen.”
Bumuga ako nang malalim at kinagat ang aking ibabang labi. “Akala ko kasi mamaya pang nine thirty ang pasok mo, katulad kahapon. Wala ka naman kasing sinasabi sa akin, babe.” Tinignan ko ang aking anak na nagulat sa paglakas ng boses ko. “No. It’s not you, baby. I’m sorry.” Hinagkan ko ang noo ng aking anak at kinuha ang feeding bottle nito.
“I told you last night. Nakalimutan mo lang dahil gusto mo talagang mapagalitan ako ni Miss Hanshen! Palibhasa kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!” sigaw pa nito sa akin. Pinunasan nito ang basang buhok at saka nagmadaling magbihis. “Nasaan ang neck tie ko!” iretableng tanong nito.
“Babe, huwag ka namang sumigaw. Nariyan sa cabinet. Hindi ko na nailabas kanina dahil biglang umiyak si Cal---”
“Ano pa nga ba?!” masungit na sabi pa nito. Lumabas ito sa aming kuwarto at nagtungo sa kusina. Tumingin ito sa sala ng aming bahay. Nagkalat ang mga laruan ni Caljen sa sahig.
“Babe, ano ba naman iyan! Paano kapag may biglaan tayong bisita? Maglinis ka naman!”
Mabilis akong napatango. Ganito ang eksena namin araw-araw. Simula nang manganak ako, at tumigil ako sa trabaho. Naiintindihan ko naman na mahirap talaga ang maghanap-buhay dito sa Florida.
Binalingan nito ang refrigerator at nakita nito ang mga monthly bill dues ng bahay namin, tubig, kuryente at mga grocery items na wala na rito sa bahay. Pati na rin ang gatas, diaper at vitamins ni Caljen.
Uminom ng tubig si Calix at saka kinuha ang wallet nito sa bulsa ng slacks na suot. At ibinigay nito sa kanya ang ATM Card nito at pati na rin ang cash na naroon sa wallet nito.
“Ikaw na ang bahala. Bayaran mo na lahat ng dapat bayaran, sumahod na ako kagabi. Bumili ka na rin ng kailangan mo. Hindi ko na gagamitin ang kotse, huwag mong kalimutan na ilagay iyong car seat, okay? Unahin mo na ring bayaran itong upa ng bahay natin. Sige na aalis na ako.”
“Babe, hindi ka na ba kakai---”
“Sa office na lang. May libreng breakfast kami.”
Sinundan ko si Calix hanggang sa labas ng bahay namin. “Babe, maaga ka bang uuwi mamaya? Maaga akong magluluto ng dinner… bibili ako ng paborito mo.”
Hinagkan nito ang pisngi ng aming anak na si Caljen. “Huwag na. Aalis na ako.” Tinapunan lamang ako ng tingin ni Calix. Naglakad na ito palabas sa vicinity ng aming bakuran at nagtungo sa may sakayan ng taxi.
Inosenteng tumingin sa akin si Caljen. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata.
“Bye, daddy!” pilit ngiting sabi ko at saka ikinaway ang mga kamay ng aking anak.
Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Tumingin ako sa makalat na paligid. Bumuga ako nang malalim at inilagay sa crib si Caljen. Dalawang kuwarto, isang banyo at maluwang na kusina at sala ang bahay namin ni Calix. Rent to own ang bahay na tinitirahan namin. At halos fifty thousand pesos ang monthly na binabayaran namin ni Calix.
Kahit na kumikita si Calix ng one hundred thousand sa isang buwan ay kulang pa rin iyon sa lahat ng expenses dito sa bahay. Gusto ko na rin sanang magtrabaho pero hindi naman ako papayagan ni Calix dahil sa anak namin.
Bumuga ako nang malalim at inilagay sa storage box ang mga laruan ni Caljen. Kahit babae ang aking anak ay dinaig pa nito ang isang dosesang bata sa pagkakalat ng mga laruan nito. Lalo na’t naglalakad na si Caljen.
Pagtapos kong ayusin ang mga kalat sa sala ay nagtungo na ako sa kusina. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng lumang black na t-shirt, may mantsa ng gatas ang kaliwang balikat ng aking suot na damit. Magulo ang aking buhok na ipinusod ko paitaas.
Bumuga ako nang malalim at tumingin sa rolling calendar na nasa itaas ng refrigerator. May 10, 2023 ngayon at wedding anniversary namin ni Calix. Mukhang nakalimutan pa nito ang araw na iyon.
Last month nakalimutan din nito ang birthday ko. Ngunit nag-celebrate din naman kami kinabukasan, dinala niya ako sa steak house.
“Siguro, marami lang talagang ginagawa ito sa office,” sabi ko sa aking sarili.
Ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas ko ng pinggan. Mga pinagkainan pa namin iyon kagabi. Inuna kong linisin ang mga feeding bottles ni Caljen at inilagay iyon sa sterilizing machine.
Habang naghuhugas ako ng plato ay umiyak si Caljen. Bumubula pa ang aking kamay nang mabilis ko siyang lapitan.
Kinarga ko si Caljen at saka pinatahan ngunit iyak pa rin ito nang iyak. Itinuro nito ang malaking television nila sa sala.
“Ano ang gusto mo, baby ko? Gusto mong manood ng kiddie alphabet sa TV?”
Tumango sa akin ang anak ko. Ibinaba ko siya sa may play matt at saka ko in-plug ang saks@kan ng TV ngunit bigla na lang nag-spark iyon. Mabuti na lang at kaagad kong nabitawan. Nakalimutan kong basa pala ang aking kamay.
Napaiyak na lamang ako habang nakatingin sa aking anak. Kung may mangyayari sa aking masama, paano na lang ang aking anak.
Imbes na buksan ko ang TV ay niyakap ko ang aking anak nang mahigpit.
Hindi ko na tinapos ang paghuhugas ng mga pinggan. Gagawin ko na lang iyon mamaya dahil kapag gising si Caljen ay wala akong nagagawa sa bahay. Sumpungin kasi ito at iyakin pa.
Minabuti ko na lang na paliguan ito sa banyo. Mabilis na din akong naligo kasabay ng aking anak. Kailangan kong bilisan ang aking kilos dahil iiyak na naman ito ng malakas kapag nagbabagal-bagal ako.
Nagsuot ako ng pink na t-shirt at pantalon. Nagsuot lang ako ng flat na sandals. Inilagay ko sa sling bag ko ang ATM at cash na iniwan ni Calix sa akin. Kinuha ko na rin ang listahan ng mga bibilhin ko na naka-magnet sa pinto ng refrigerator.
Dala-dala ko ang gatas, feeding bottle at extrang damit, diaper at wipes ni Caljen na nasa bag pack na nakasukbit sa akin. Sa kanangkamay ko naman ang car seat. Habang karga-karga naman ng kaliwa kong kamay si Caljen.
Hindi pa man kami nakakaalis ng bahay ng anak ko ay pagod na ako. Huminga lang ako ng malalim at saka inilagay sa back seat ng kotse ang gamit ni Caljen. Saglit kong pinaupo ang anak ko sa sahig ng sasakyan habang inaayos ko ang car seat.
Isinara ko ang pinto ng kotse at inilagay sa compartment sa likod ang stroller ni Caljen. Kailangan ko kasi iyon sa paggro-grocery namin mamaya. Upang hindi na ako masiyadong mahirapan.
Sinigurado ko muna na wala akong nakalimutan bago ako sumakay ng kotse. Mahigpit pa naman dito sa Florida lalo na kapag may dalang bata.
HABANG nasa supermarket kami ni Caljen ay nakita ako ng dating kasama ko sa trabaho. Nasa stroller si Caljen at natutulog habang may hila-hila pa akong trolley.
"Jelline, is that you? Where is Calix?" tanong ni Mida sa akin. Pinay din si Mida at nagtratrabaho naman ito sa Orlando bilang isang marketing strategies.
Maganda ang porma ni Mida. Naka-heels, nakasuot ng army green na dress at may mga kuwintas na gold at bracelets. May nakalagay na black shades sa itaas ng ulo nito. May hawak itong handy wallet at may kasama itong black american na lalaki.
"Daveson, she's old my friend Jelline. She's the woman you are talking to me earlier. Nakita ka kasi namin sa may parking lot at sinabi sa akin ni Daveson na kawawa ka naman daw. Wala ba kayong katulong ni Calix? Grabe... halos hindi na kita nakilala, Jelline. Sobrang tanda mo na tignan at... ang losyang mo na. Malaki naman ang sinasahod ni Calix, a. Bakit hindi na lang kayo mag-hire ng maid or Yaya ni Caljen? Bumalik ka na lang sa trabaho para hindi ka mukhang... pulubi." Tinignan ako pataas at pababa ni Mida. Sinadya nitong hindi magsalita ng English dahil malalaman ni Daveson ang panlalait nito sa akin.
Binuksan ni Mida ang wallet nito at kumuha ng pera doon. Kinuha nito ang kamay ko at saka ipinilit na tanggapin ko ang pera.
"Mida, baby. You're so kind to your old friend. Jelline, take care of yourself because Mida is worried about you. Your husband shouldn't let you go grocery shopping alone," seryosong sabi pa ni Daveson.
"Thank you for your concern, Daveson." Binalingan ko si Mida. "Thank you." Pinilit kong ngumiti dito.
"See you later, Jelline." Hinawakan nito ang kamay ni Daveson at saka naglakad na ang mga ito palayo.
Ibinuklat ko ang aking kamay. Binigyan ako ng five hundred dollars ni Mida. Napailing na lamang ako at saka nagpatuloy sa aking pamimili. Ang perang ibinigay sa akin ni Mida ay ipinambili ko ng tissue paper at baby wipes. Para maalala ko siya tuwing hahawak ako ng poop.
PAGDATING ko sa bahay ay inasikaso ko na kaagad ang mga pinamili ko. Mahimbing naman na natutulog si Caljen dahil sa pagod. Inabot kami ng apat na oras sa labas. Mabuti na lang at summer ngayon dito sa Florida.
Tinapos ko na rin ang mga plato na hinuhugasan ko kanina. Kasing bilis ko ang kidlat sa pagkilos. Pagod na pagod ako habang nakasandal sa may lababo. Malinis na ang sala, kuwarto, kitchen at ang lababo. Sinilip ko muna si Caljen na nasa kuwarto nito. Inilagay ko ang baby beeper sa may bulsa ko at saka ako nagpunta sa banyo para kunin ang mga labahin ko.
Habang tulog pa ang anak ko dapat kong sulitin. Habang naglalaba ako sa automatic na washing machine ay nagluluto na rin ako ng lunch ko. Nag-prito lang ako ng itlog at pinainit iyong porridge sa microwave.
Habang tinutupi ko ang mga damit ni Calix ay may napansin akong papel na nahulog sa sahig.
Pinulot ko iyon at saka binuksan. Isang sulat iyon... hindi ko maintindihan dahil may bahagi ng sulat na punit. Basta ang nababasa ko lang ay ang mga salitang I love you.
Sa bulsa ng suit ni Calix ay may isang maliit na kahon akong nakapa.
Binuksan ko iyon at laking gulat ko nang makita ang isang gold ring.
Isinuot ko iyon sa aking daliri. Hindi magkasya sa wedding ring finger ko. Maliit ang singsing at kasya lang sa hinliliit ko.
Itinapon ko sa basurahan ang kahon ng singsing at ang sulat na napulot ko. Wala namang ibang pagbibigyan ng ganoon ang asawa ko kun'di... ako lang.
May tiwala naman ako sa kanya dahil alam kong mahal na mahal niya ako.