Chapter 13 Masamang tinignan ni Samantha si Weng habang kinikilig ito na nakanguso kay Tres na papasok sa office nito. Ibinubugaw siya ng kaniyang kaibigan sa kanilang boss. Siya tuloy ang nakaramdam ng hiya dahil sa inasta ni Weng. Siniko niya ang kaibigan na inirereto siya sa binatang boss nila. Naisip niyang magpalipas ng oras sa Happy Café dahil mag-isa lamang siya sa bahay ni Franco at nabo-bored na rin siya. Wala siyang makausap doon kun'di puro gamit sa bahay. Hindi naman pupunta roon si Franco dahil may iniwan itong sticky note sa may refrigerator na hindi ito uuwi sa bahay nito. Pero kailangan niyang dumako bukas ng isang orientation para makatotohanan ang kaniyang pagpapanggap. Si Pepper ang magiging guide niya at ito rin ang magtuturo sa kaniya ng dapat niyang gawin. Binaling