Chapter 12 Nakahiga sa kama si Samantha habang pabaling-baling sa kaniyang higaan. Hindi siya dalawin ng antok. Nararamdam siya ng gutom, panay reklamo ng kaniyang tiyan. Pinilit niyang bumangon at isinindi ang ilaw sa kaniyang kuwarto. Lumabas siya ng pintuan at tinungo ang kitchen. Hindi na niya isinindi ang ilaw dahil nasisinagan naman iyon ng liwanag na galing sa second floor. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha siya ng tubig. May nakita siyang saging na lakatan sa lamesa. Kinuha niya iyon bitbit ang isang pitsel na tubig at baso. Umupo siya sa sofa at ipinatong sa lamesita ang mga iyon. Itinaas niya ang kaniyang mga paa at nagsimulang kumain ng saging. Nakasuot siya ng black plain t-shirt at pajama na squarepants ang design. Dahil sa gutom at dire-diretsong kinain niya ang sa