bc

I Got Pregnant By Him (Book 1) COMPLETED

book_age12+
37.7K
FOLLOW
176.2K
READ
family
pregnant
goodgirl
independent
inspirational
drama
no-couple
cheating
lies
like
intro-logo
Blurb

'Kahit ano mang ang dumating na pagsubok, laban lang ng laban hangga't kaya pang lumaban, kapag nadapa ka bumangon ka at harapin ang bukas na may pagasa.'

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Congratulations Miss George you are 4 weeks pregnant" masayang sambit sakin ni doc.  Napangiti naman ako sa kanya at hinawakan ang maliit ko pang tyan. "T-Thank y-you doc" ningitian naman nya ako.  at binigay sakin ang kailangan kong inumin para maging healthy si baby. napakasaya ko kasi biyaya sakin to. tsaka masaya akong ibabalita sa kanya to im sure matutuwa sya. "Best paano mo sasabihin sa magulang mo'to? Alam mo namang magagalit sila sayo" nagaalalang sambit ng kaibigan kong si Alyson. At doon na nawala ang ngiti sa labi ko.. at umusbong sakin ang kaba  hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa magulang ko to dahil sigurado ako ipagtatabuyan nila ako.  isang kahihiyan to para sa kanila pero para sakin ay hindi dahil para sakin isa itong biyaya na ipinagkaloob sakin ng diyos pero.. paano ko nga ba sasabihin sa mga magulang ko to? "Ako nang bahala Aly" tama ako ng bahala..  sana matanggap pa rin nila ako.. - Isang sampal agad ang sumalubong sakin pagkauwi ko.. napahawak pako sa pisngi ko, at bigla din akong namanhid.. Di ko alam ang sasabihin ko sapagkat tila nagugulat parin ako.. "Isa kang disgrasyada! Nagpabuntis ka sa isang di mo kilalang lalaki!" sigaw sakin ni papa.  Nanlaki naman ang mga mata ko at tuluyan ng lumandas ang mga masasaganang luha ko, hindi ko alam kung paano nya.. napatingin ako sa kapatid kong nakangisi sakin..  Ngayon alam ko na. Ganyan ba talaga katindi ang galit mo sakin Eliza? "P-Papa.."  yun lang lumabas sa bibig ko dahil napahagulgol nako ng tuluyan.  Ito na nga ba ang sinasabi ko mukang di nila ako matatanggap pati ang baby na nasa sinapupunan ko. "Wag na Wag mokong tatawagin na papa! Dahil wala akong anak na disgrasyada! Kung hindi pa sinabi sakin ng kapatid mo! Hindi ko pa malalaman!"  Napapikit ako ng sampalin nya ako ulit, napaluhod nako sa harapan nila ni mama. "kahihiyan to sa pamilya natin!" tinulak ako ni papa kaya medyo nawalan ako ng balanse kaya pinrotektahan ko ang nasa sinapupunan ko. Napapikit ako at napakagat sa labi bago ako umayos ng tayo sa harapan nila at yumuko ako. "P-patawad p-papa, m-mama" yun na lang sinabi ko at tumakbo nako palabas ng mansion.  Ang mas masakit pa para sakin ang tingin sakin ni mama na parang pinandidirihan nya ako. Akala ko sya ang tutulong sakin pero nagkamali ako.  Isa rin sya sa mga taong hinusgahan ako.. Lutang akong naglalakad sa Kalye at walang awat ang luha ko, Nagpalipas pa kasi ako nang dalawang oras sa park para makapagisip.  Isa lang tanging kailangan ko. Ang Ama ng baby ko.. Diko namalayan na sa tapat nako ng isang malaking gate, napatabi pako ng may isang sasakyan na pumasok, at isang pamilyar sakin na sasakyan ang sasakyan ng kapatid ko. Anong ginagawa nya dito? Sinundan ko lang sya at pinapasok sya sa loob.. Kaya wala rin akong sinayang na oras pumunta ako sa guard house nila.  Kilala ako dito dahil palagi nya akong dinadala dito noon. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko at humarap ako kay mang carding isa sa mga guard nila "M-Mang C-Carding" tawag ko sa kanya. nanlaki naman yung mata nya at nataranta na pinagbuksan ako ng gate. "M-Ma'am" sambit nya at parang namutla. Ngumiti naman ako at  nagbow sa kanya. "Nandyan ba ang amo niyo?" Tanong ko sa kanya.  Tumango naman sya sakin kaya ngumiti ulit ako at nagdire-diretso nako sa loob.  maraming nagugulat sa pagdating ko..  Ano bang nakakagulat don? Palagi rin naman akong nandito noon? Pumasok ako ng walang alinlangan sa loob ng mansion, kailangan ko siya, hindi! kailangan namin siya! Nakarinig ako ng ilang ingay sa may dining area, mukang nandon sila at parang may bisita kaya dahan dahan akong nagpunta roon.  ewan ko kung bakit parang kinakabahan ako?  Wala namang nakakakaba diba? Siya naman ang pupuntahan ko at wala ng iba hindi ba? pero bakit ganito na lang ako kabahan? Nakarating nako sa dining, nagtago ako medyo sa dilim, at nagulat rin ako na nandito ang kapatid ko at makayapos sa kanya na parang wala nang bukas, nandito rin ang magulang nya at ang mas nakakagulat ang pagdating ng magulang ko..  Parang walang nangyari kaninang gulo..  Anong nangyayari? "Babe" ngiting ngiti sambit ng kapatid ko sa 'kanya' at ang mas nakakagulat pa ningitian nya ang kapatid ko.. "Yes babe?" malambing na tanong nya sa kapatid ko.  napasinghap ako ng mahina at napatakip sa bibig ko.  Anong..  Bakit?  Akala ko mahal niya ako?  Akala ko ako lang? "Wala na ba kayo ni Elly?" Mahinang tanong lang ng kapatid ko sa kanya.  Hindi kasi alam ng magulang nya na may kapatid pa si Eliza which is ako yon.  Bigla namang nagdilim ang mukha nya at umigtingin ang panga niya.. At ang mas nakakagulat.. Hinalikan niya ang kapatid ko sa harap ng mga magulang niya at magulang namin.. Ano ito? Napailing na lang ako at napasapo sa noo ko.. Panaginip lang to diba?  Please pakigising ako.. "Oo. Hindi ko siya minahal" malamig na sambit nya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang naninikip ito...  Wag naman sana!  Wag ngayon please.. 'Oo.. Hindi ko siya minahal' 'Oo.. Hindi ko siya minahal' 'Oo.. Hindi ko siya minahal' Napaulit ulit sa isip ko yung sinabi nya..   Hindi niya ako minahal? Ano yung pangako niya sakin? Ano yung sinasabi niyang ako lang ang tanging babae para sa kanya? Anong nangyayari sa kanya? "Mahal mo ba ako?" Napabalik ako sa ulirat sa tanong ng kapatid ko sa kanya..  Gusto kong umalis ngunit hindi nakikisama ang mga paa ko.. Ayokong marinig ang sagot niya pero huli na ang lahat dahil mas lalo akong nadurog sa sinagot nya.. "Oo mahal kita" Bakit?  Binigay ko lahat sayo? pero bakit?  Akala ko mahal mo'ko?  Bakit moko sinasaktan ng ganito?  Napahagulgol na lang ako ng tahimik. akala ko siya n ang maaasahan ko pero bakit ganon? Anong nangyari satin? "Pagusapan natin ang nalalapit na kasal nila.."  Ikakasal sila ng kapatid ko? Paano na ako? Paano na ang ang magiging anak naming dalawa? Ganun ba kagalit sakin ang magulang ko? Pati na rin ang kapatid ko?  Ginawa ko naman lahat ng gusto nila diba?  Wala na ba akong karapatan na sumaya?  Puro pasakit na lang ba ang mararanasan ko? Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na lang ako palabas ng mansion, may nabasag pako pero wala nakong pakialam tumakbo lang ako ng tumakbo at hayaan ang mga paa kong dalhin ako kahit saan.. Masyado nakong nasasaktan, masyado nakong wasak.. hindi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari sakin ang ganito? Nagmahal lang naman ako hindi ba? Nagmahal ako sa isang tao na walang kasiguraduhan kung mamahalin din ako pabalik.. Napatingala ako na unti unti ng pumapatak ang ulan, kung saan kasabay ko din sa pagdadalamhati.. Napahawak ako sa tiyan ko.. "Anak patawarin mo si mama dahil nadamay ka pa sa katangahan ko pero wag kang magalala magiging masaya tayong dalawa magpaparaya ako para maging masaya si ang ama mo.. mamahalin kita higit pa sa buhay ko.." Pinunasan ko na ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad sa kawalan.. Napapikit ako at napangiti na lang kahit sobrang sakit na.. "Mahal kita pero pinapalaya na kita.." 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook